Break-up 12

19 5 4
                                    


"WAAAAAAH! Ang sakit sakit talaga sobraa." Ngawa ko, kasama ang tatlong bruha.

"See? Huwag mo kasing seryosohin agad. Tingnan mo nga ako, just happy go lucky." Sabi naman ni Maurien. -.-

"Sabi ko naman sayo, hiwalayan mo na yung lalaki na yun." Sambat naman ni Beth.

"Nakita nga naming naghahalikan sila nung cousin niya kuno dun sa Xtina's Bar." sabi naman ni Ria na sya namang nagpatigil sakin sa pag-iyak.

"A-no? Ba't hindi niyo sinabi sakin?! Naging tanga pa ako. Akala ko ba mga kaibigan ko kayo! Akala ko ba parang magkakapatid na tayo dito! Tapos nalalaman ko lang na Si Jellal pala at yung Babaeng yun ang nakita niyong naghahalikan?! Tengene naman o! AKALA KO SI LEE JUNG SOK AT SUNG JOONG KI ANG NAND----ARAY!" binatukan ba naman ako.

"Adik ka rin bruha no! Ngawa ka nang ngawa dyan. Puro ka naman biro." Sabi ni beth.

"Waaaaah! Ang sakit sakit talaga huhu." Ngawa ko na naman. Akala ko pa naman sila Lee Jung sok yun. Nagiging tanga pa ako ng wala sa oras. Shems.

"Dyan ka na nga. Oa mo ha. Wala nmang tumutulo sa mga mata mo."Si beth at tumayo nat bumalik sa opisina niya.

"bye girls. May date pa kami ni Edcel baby ko. Tootles." Paalam ni Maurien.

Si Ria hindi pa umalis sa tabi ko. "Oh ba't hindi ka pa umalis dyan? mag trabaho ka dun!" Taboy ko sa kanya.

"Wow ha. Wala naman tayong costumer. Shunga to o. Sge na nga. Aalis nalang ako ho MAAM!" sarkastikong sabi niya at umalis na nga sa tabi ko at bumalik sa opisina niya.

Oo nga pala. Wala kaming costumer kasi yung Panget na unggoy na Xaveir, langhiya nakikipag kompentensiya sa negosyo ko. Argg! Ba't siya na naman?! Yung elemantary pa ako, Siya ang Valedictorian, ako naman ang salutatorian. Pagdating sa highschool, Valedict na naman siya. Ako na naman ang salut At maging sa college days namin. Tangna! Magna cum laude sya, ako cum laude na naman. Palagi nalang akong talo sa kanya. Pati sa sports, lagi niya akong tinatalo. Argg. Yung pangit na yun! Humanda siya sakin!

"Oy mga bruha! Alis tayo. May gagawin tayo. It's called the Patayin sa sindak ang panget na unggoy operation. Lezz go." Umuna na akong lumabas kasi panay pa silang nagtitigan sa isa't-isa kasi walang alam sila kung sino ang pupuntahan namin.

Pumasok na ang dalawa sa sasakyan at pinaandar ko na. Nagtanong naman si Ria. "Saan ba tayo pupunta bruha?"

"Sa Monkey street. Doon tayo." Sagot ko naman sa kanya. Pati ba naman ang street sa unggoy na yun ay Monkey. Bwahahaha. No wonder ang unggoy nga niya! o(^▽^)o

Nanahimik lang silang dalawa at ako nag-iisip kung anong gagawin pagdating namin dun.

-------

"OH MY. Ang taas ng building. Parang sa Eiffel tower lang." Sambit naman ni Ria pagkalabas namin sa kotse. Shems. Ang laki nga. Geez. Eh yung sa amin, Dalawang palapag lang. -.- Talo na naman ako. Huhu

"Ano ba ang gagawin natin dito?." Tanong ni Beth.

"Ito ang ka kompetensiya natin sa negosyo Beth." Sagot ko at pumasok sa building ng Break-up Handsomeness Inc. Adik rin ang pangalan. Sana Break-up Unggoy Inc. Yan mas bagay sa kanya -.-

"Goodmorning maam. Welcome to the break-up handsomeness. Here, when break-up is easy and dating is coming right away. For you maam."
Bungad sa amin ng isang babae at binigyan kami nang brochure, magazines, mug, panyo, make-up kit. -.-

"Wow. Ganda dito. May souvenirs pa. Galing! galing!" Sabi naman ni Ria na pumapalakpak pa sa tuwa. -.-

"Where is your boss? I want to talk to him." Sabi ko kaagad sa babae.

The BREAK-UP GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon