"IKAW??!!""Ako nga. Why so seem surprise? You should be happy, nakita mo ang gwapo kong mukha." Sabi ni unggoy. Argg! Ano bang balak nang unggoy to?! ╰_╯
"Ba't mo ko tinawag ha?! Stop playing around you monkey!"
"Ha-ha. I called you because I need help. Sabi kasi dito sa flyer na napulot ko sa basurahan kanina , Break-up is not a hard thing to do because the break-up guardians will be helping you." Sabi niya and mimicking my voice when saying our break-up line. Arrggg. Sa basurahan talaga niya napulot? Aissh. Mahal kaya pa print ngayon tapos itatapon lang nila sa basurahan? Ay namaaan!
"HOY! Break-up kasi ang nakalagay dyan! Hindi ganito na may pa V.I.P kapang nalalaman dyan!"
"Nasaktan nga kasi ako. Kaya I need your help." Sadness is evident in his face. Takte. Seryoso ba tong unggoy na to? -.- May girlfriend kaya ito? Tekaa--
"Hoy. Shunga ka rin ano. Ba't ka samin humingi ng tulong na pwede naman ang mga kampon mong unggoy ang magbebreak sa syota mong unggoy rin kasi nga Mister unggoy, kapareho lang tayo nang negosyo!" Iba ring trip tong unggoy na to ah.
"Iba kasi tong kumukirot sa puso ko eh. Hindi sa nasasaktan ako sa girlfriend ko, eh wala naman akong girlfriend talaga. Panu na yan? Iba to eh. Napakasakit talaga." Sabi niya na may pa action2 pang nalalaman na para ngang nasasaktan kasi hinihimas niya ang left chest niya. Omg eh di kaya---
"OMG. MAY SAKIT KA? MAY EBOLA VIRUS KA? Takte naman unggoy! Mamatay ka na sana baka makahawa ka pa nang insoenteng tao eh! Aalis na ako! Sa doctor ka patingin!" Takte tlaga tong unggoy to baka mahawa pa ako nito. Aakma na akong aalis nang hawakan niya ang kamay ko at pinaupo ulit.
"Iba ka rin no. Sakit agad? Ebola Virus talaga? Hindi nakakahawa ang ka gwapuhan ko kasi inborn na to. Para sa akin lang. Ay oo nga pala, mahahawaan lang nito ay ang magiging future babies ko." Iba rin ang self-confidence nang unggoy na to. -.-
"Pero ang sakit talaga dito." Dagdag niya.
"Ano nga kasi ang problema mo ba't mo ko tinawag at pinapunta dito?" Tanong ko sa kanya. -.-
"Gwapo ako pero I am alone. I need someone who can accompany me in my lunch and I want it to spend it with you. Busy kasi sila lahat. Kawawa ko talaga. Sa gwapo kong to." Ang drama niya. Lunch lang pala? Ay tekaa with me?! o.O
"H-ooy! Ba't ako ha?" Tengene. Ba't ako natameme? Maliit na bagay lang naman kasi tong lunch na to pero para kasing ano eh. Ay ewan ko.
"Kasi gusto kita."
Halos mabingi ako sa sinabi niya. Gusto niya ako? o.o--
"Hahahahahaha. Joke lang hoy! Kinilig ka naman. Kain na nga tayo. Waiter please, 2 regulars. Thank you." langya siya! -.- Lagyan ko kaya nang lason tong pagkain niya.
"Anna, are you okay? Joke lang yun. Hindi naman kasi kita gusto, kasi mahal kita anna." O.o
Omaayghaaad. Mahal niya ako? O baka---
"Hahahaha. Joke ulit. Kinilig naman yan oooy." Sabi ko na nga ba. Litsi tong unggoy na to. Tumayo ako sa inuupuan ko at dinuduro ko siya! Galit ako sa kanya >…<
"TUMIGIL KA NGA! UNGGOY KA! UNGGGOOOOOOOOY! HAYOP KANG UNGGGOY KA! PINAGLALARUAN MO LANG AKO! LESHEE! KAININ MO MAG-ISA YANG LUNCH MO NA YAN. BUANG KA. BUA-----
"Sge. Sumigaw ka pa, hahalikan kita." Omg. Napasinghap ako nang bigla nalang niya akong hinapit sa beywang at inilapit sa kanya. Our lips is just an inch away. Sht. Ang bango nang hininga niya. Naduduling na ako sobrang lapit niya sa akin.
"Ano? Sisigaw ka pa at hahalikan kita or uupo ka at sasamahan mo akong mag lunch? " sinabi niya yan kahit na ang lapit lapit naming dalawa. Omaygaaad. Lupa, lamunin mo na ako. Ni hindi ako makagalaw dito.
Nag hinayhinay akong umiling kasi nga baka magtagpo ang labi namin. Ngumiti siya bigla at pinaupo niya ako ulit at nagsimula na kaming kumain.
"Sana sumigaw ka pa para naman matikman ko ulit ang napakasarap mong labi." Sabi niya bigla sa kalagitnaan nang kain namin.
Nabilaukan ako sa sinabi niya. Leshe >.<
"Hahaha, here anna." Kinuha ko ang juice na ibinigay niya sakin at nilagok ko lahat ito.
"Ano ka ba! Asa ka pa tsong. Aksidente lang yung first kiss ko. Oops--- I mean yung peshteng kiss na yun." Arggg! Lamunin mo na ako lupaaaaaa!
"Haha. Seriously anna, first kiss mo yung sa akin? Wow. Pasalamat ka na sakin dali. Napakagwapong nilalang lang naman kasi ang first kiss mo. Haha." Sabi pa niya at may pa pogi pogi sign pang nalalaman at pa kindat2 sa akin.
Dukutin ko kaya mata nito!
"Hoy fyi, ang malas ko lang talaga kasi UNGGOY PA ang ka first kiss ko. Leshe!" Haha, take that you little wench monkey!
"Anong sabi mo, unggoy ako?" Napasinghap ulit ako nang bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Namaaan talaga to o >3<
"O-o u-nggoy ka." Nag-uutal kong sabi. Dyahi. Ang lapit niya kasi naman eh.
"Pag ba, halikan kita ulit. Hindi mo na ako tatawaging unggoy?" Omg. Ano bang pinagsasabi niya. O.o
"H-oy anong halik pinagsasabi mo?! Hindi ako humahalik nang unggo----
O_______________O
"Unggoy paba ako?" Omg. Hinalikan niya ako sa labi. Paksheeet!
"Gago ka! Ba't mo ko hinalikan?!!" Pinaghahampas ko sya at siya ay tumatawa lang. "Arggg! Unggoy ka talaga! Unggo--------"
At hinalikan na naman niya ako.
"Had enough? Maybe next time. Thanks anna sa time at sa kiss. Bye." narinig ko ang pagsarado ng pinto pagka alis niya. Argggg!
PATAY KA SAKIN UNGGOY KA! GAGANTI AKO SAYO! Ba't ko namn kasi siya hinayaang halikan ako? :'( Huhu ang bilis niya kasi eh. Galawang hokage ang unggoy na yun! Argggg!
Biglang nag vibrate ang phone at binasa ko ang nagtext.
From: 0920xxxxxxx
Your lips tasted so sweet. I want more. Maybe next time pag tawagin mo ko ulit nang unggoy. Baka heaven na ang ipadarama ko sayo anna. Haha. Thanks. ;)
Arggg! Manyak na unggoy! Patay ka talaga sakin!
------
A/N: Hindi ako marunong magpakilig. Omg. ito na @Tayamich yung request mo haha. Sana magustuhan mo. Enjoy reading. #ZENNAPLEASE DO VOTE. COMMENT. THANK YOU.
BINABASA MO ANG
The BREAK-UP Guardians
Humor"Break-up is NOT a hard thing to do. 'Coz the break-up guardians will be helping you."-Anna