#Mr. Sungit
Primrose's POV
3 days na ang nakalipas simula nung mabuhusan ko siya ng coffee . . . 3 days narin akong patay . . .
Patay sa mga titig ng mga fangirls niya
Puro kasi death glare ang mga nakukuha ko simula nung araw na yun at hanggang ngayon masakit parin yung katawan ko
*flashback*
Papunta ako ngayon sa classroom, naiwan ko kasi yung bag ko.
Pinapunta kasi ako ni Mr. Montejo sa faculty room para sabihing ako daw yung ilalaban nila para sa math quiz bee . . . At kung mamalasin ka nga naman si unggoy ang partner ko, hindi ko alam paano ko iraraos toh.
" Arraaaaayyyyyy!!!!!! Bitawan mo ko!!! " bigla kasing may humila ng buhok ko, grabe ang sakit! PArang pati yung anit matatanggal sa sobrang higpit ng paghawak....
" Ang kapal ng mukha mo para buhusan ng coffee si Calvin! Feeling close karin noh?! Atsaka anong binigyan ka niya ng 2000 pesos! " sigaw ni Sabel sabay suntok sakin.
OO! SUNTOK TALAGA! Lahing boksingera yata toh eh! O di kaya nagpasex-change, dating lalaki. . . Sobrang lakas talaga eh . . .
Aba? Papatalo ba ako dito? Hindi! Kaya sinabunutan ko rin siya, kaso mas malaki yung advantage niya sakin kasi, maliban sa nasa ibabaw ko siya, mas mahaba rin yung buhok ko kesa sa kanya . . .
" Sabel! " biglang may tumawag sa kanya, kaya tumigil siya at nilingon siya. Napalingon rin ako kasi baka teacher pero wala naman.
Kaya hinila ko ng malakas yung buhok niya at pumaibabaw sa kanya...
" Kasalanan ko bang hindi marunong mag-sorry yang Ford na yan? Binuhusan rin kaya niya ako ng coffee. Tsaka nasamid ako nung oras na yun, at malas lang niya kasi siya yung nabuhusan!" sigaw ko sa kanya.
Siya naman ngayon ang nasa ibabaw.
" HOy! Wag ka ngang magsinungaling kasi kitang-kita namin ang nangyari. SINADYA MO YUN!!! Nag-papapansin ka kasi! " at sinampal niya ulit ako.
Marami na ring nakatingin samin, pero ni isa walang balak umawat samin. Ang bigat pa naman nitong nasa ibabaw ko. . .
Nakita ko ang isang teacher na papunta sa direksyon namin, hindi pa yata niya alam ang nangyayari...
" AAAAAHHHH!!! " arte ko sabay takip sa mukha ko, tingnan natin Sabel Jimenez kung sinong mapapagalitan satin. . .
Inawat naman ng 2 guard si Sabel at tinulungan ako ni Miss na makatayo. Grabe halos matumba ako kung hindi lang ako nasalo ni miss.
" To my office now! " sigaw ni miss...
-
" Ma'am siya naman po yung nauna eh! Sinabunutan niya po ako hindi ko alam bakit! " pag papa-awang sabi ni Sabel. Aba at nagawa pa niyang gumawa ng kwento ha!
" Totoo ba to? " tanong sakin ni mam principal.
" Mam hindi po! " pagtatanggol ko sa sarili ko, aba hindi ako pwede mapagalitan dito noh.
" SINUNGAL--- " biglang naputol yung mala-hesterical na sigaw ni Sabel.
" STOP IT!!! Ikaw ang may kasalanan Ms. Jimenez, kitang-kita ng mga mata ko na hindi lumalaban si Ms. Manuel at tinatakpan lang niya yung mukha niya " sabi ng principal
" But mam--"
"ENOUGH! My decision's final, Ms. Jimenez your suspended for 2 weeks." sabi ni mam.
BINABASA MO ANG
Love Cycle (The Game Of Love)
FanfictionA/N: Ni-revise ko po yung story kasi nahihirapan akong gumawa ng chapters kasi walang plot. Sa mga readers na naka basa nito nung "MSMMP" pa and title, please continue reading and supporting my story. Pwede rin kayong magpade-dicate if you want. PM...