Cycle 1

100 5 4
                                    

# Encounter

~ ~ ~ ~

Primrose POV

" Nak, baba na! Male - late ka na. Nandito na si Ivy." sigaw ni mama galing sa baba.

" opo nandiyan na! "

Ako nga pala si Primrose Sue Manuel. 17 years old. First year College sa Ford University. Kakatapos lang ng Summer vacation kahapon. Kaya ito nagre-ready nako. Ito naman kasi si Bestie ang agang dumating sa bahay.

Nag-kiss muna ako kay mama bago umalis. Nakagawian ko na kasi yun, pati sa pagtulog bago ako pumasok sa room.

" Tara na Bes" sabi ko kay Ivy.

Hinila na niya ako papunta sa car. 

(-_-) hindi naman halatang excited siya.

" Bestie! Kumusta na kaya si Chase Babes? " tanong ni Ivy.

Binatukan ko nga. Maka Babes naman kasi kala mo kung sila.

" Hoy! Ms.Manro------ " 

" Correction, Mrs. Sanchez " sabi niya ng nakataas ang kilay.

(-_-)!

" Hay! Oo na! Ba't ba ganyan ka ka-obsessed sa kanya. By the way, as I was saying. Bes naman wag mo nang tawaging babes si Chase. Hindi naman kayo. Atsaka ang pangit pakinggan " sabi ko.

" Hmp! Palibhasa wala kang lovelife. Bitter mo teh! " angal naman niya.

" Bitter? Sa pagkaka-alam ko ang bitter lang ay AMPALAYA! Hindi ako "

^_^

Biglang tumigil yung sasakyan. Saka lang namin napansin na nasa school na pala kami.

" Sige manong mauna na po kami. Pasundo nalang po mamayang 5 pm " sabi ko kay Kuya Cal, driver namin.

"Sige po ma'm "

Bumaba na kami ni Ivy habang papunta kami sa bulletin board may naririnig akong mga bulungan.

"OMG! Bakla! Nakabalik na daw ng Phiippines yung anak ng may-ari nitong school!" 

"Oo nga! According to my sources papasok na daw siya ngayon!" 

"Narinig ko rin na 1-A ang section niya!!!" 

"Naku! Ang talino pala niya! Di kaya ng braincells ko ang section A!"

Huh? May transferee?

" BESTIE!! Look oh! Classmate ulit tayo! Yey!! " sabi ni Ivy habang tinuturo-turo yung list of students  

na nakapasok sa 1st section.

Lahat Kakilala ko maliban sa isa.

" Bes, sino si Calvin Ford? " tanong ko kay Ivy

" Siya yata yung anak ng may-ari ng school. " sabi ni Ivy habang palingon - lingon sa paligid. Sino naman hinahanap nito?

" Hoy! Bes, sino hinahanap mo? " 

" Yung babes ko, bes kailangan ko siyang makita kundi whole day akong badmood. " sabi ni Ivy na parang nagmamaka-awa na tulungan ko siyang hanapin si Chase.

(-_-)

Hinila ko na siya papunta sa room namin kasi anytime magriring na yung bell.

Habang naglalakad kami may nakabangga sakin nalalaki. Kainis nabuhusan pa ako ng dala niyang coffee. . .

" Aaahhh!!! Ang Init! Ano ba tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Tingnan mo nga anong ginawa mo! First day of school tapos ganito damit ko! !? " sigaw ko sa kanya. . .

" EH ANONG GUSTO MONG GAWIN KO???" sigaw niya pabalik. Ang dami nang nakatingin samin pero wala akong paki-alam.

" GUSTO KONG KAININ MO ITO! IKAW NA NGA ANG MAY KASALANAN IKAW PANG GALIT! " sigaw ko naman sa kanya sabay death glare.

" AKO BA MAY KASALANAN NA TA-TANGA TANGA KA! AT HINDI KA TUMITINGIN SA DINADAANAN MO??!! "

" ABA! AKO PA NGAYON ANG MAY KASALANAN? SINO KAYA SATIN ANG NAGTE-TEXT HABANG NAGLALAKAD? " sagot ko

" HAIST! ALAM MO ANG INGAY MO!! "

Aba! Kasalanan niya kung bakit ako maingay noh!

" Here take this! I don't have time for a nonsense arguement with you! " sabi niya sabay kuha ng pera sa wallet niya at iniabot sakin.

" What? Magagalit ka kasi natapunan ko ng coffee yung shirt mo tapos hindi mo kukunin tong pera!? Ayan! Bumili ka nalang ng bagong shirt. " sabi pa niya sabay kuha ng kamay ko at nilagay nung 2000 pesos sabay alis.

What just happened???

Calvin's  POV

tsk! Grabe nakakairita yung babae kanina. Maganda sana kaso napaka-pilosopo.

Ang lakas rin ng loob niyang kalabanin ako, baka hindi niya ako nakikilala. Ako yata si Calvin FORD anak ng mayari nitong school.

Pwede ko siyang paalisin dito sa school kahit kailan ko gusto. Pero hindi ko muna gagawin yun,

kasi pagtitripan ko muna siya.

- - - - - - - - - - - - - - - - ll 

Ayan! Nag meet na sila!! 

Hanggang Diyan nlng muna yung Chapter 1 ^_^ (sorry po sa mga typos)

Please Vote and comment.

Be a Fan. <3

Ate Princesssssss

Love Cycle (The Game Of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon