Chapter 2- My Secret Love
Brent De Guzman, ang lalaking matagal ko nang mahal kaso mukhang invisible ata ako sa kanya. Bestfriend ko siya since kinder kaya nauna ko pa siyang naging kaibigan kesa kay Jean at Kate. Kaklase namin siya kasi matalino din naman ang bestfriend ko. Rank 2 yan sa overall ranking ng batch namin. He’s next to me. Sadly, he doesn’t know I have a secret love on him.
Umupo siya sa tabi ko habang nilalapag ang lunch niya sa table. Spaghetti? So diet lang? Pero di pa pala siya naglulunch. San naman kaya siya nang galing? Habang nakatitig ako sa kanya, napansin kong parang may tinitingnan siyang iba kaya sinundan ko ang titig niya. At as expected siya nanaman ang tinititigan niya. Si Katherine Ricardo, yung babaeng matagal niya nang gusto. Paano ko alam? Well, kung bestfriend mo ang mahal mo, for sure di mo mapipigilang tanungin siya kung sino ang mahal niya.
Binalik ko na lang ang tingin ko sa kinakain kong burger at pinuno ang bibig ko ng fries. Ang hirap naman ng ganito. Yung bang di ka mahal ng mahal mo? Bakit pa kasi si Katherine pa ang nagustuhan niya. Bakit di na lang ako?
Habang nanguya, nahagip ng mga mata ko si Chester. Katabi niya na si Katherine at nakaakbay ito sa kanya pero wala siyang pakialam at nakatingin lang siya sa akin. Anu nanaman kaya ang tinatawa tawa niya? Tsss .. pang asar talaga! Gwapo pa man din sana kaso masyado siyang nakakairita para sa akin. Ang hilig niyang mang inis kaya sobrang nakakabadtrip. Madalas pa siyang natingin sa akin para mang asar lang. Ganyan kami lagi pag lunch. Kaya ako, iniiringan ko na lang.
Kung bakit ba kasi ang gwapo niya na nababaliw na sa kanya yung mga babae dito sa school? At si Katherine naman, parang di niya na napapansin. Halos halikhalikan na nga siya, wala parin siyang pakialam.
Mga chikero nga naman oo!
Pag kainom ko, himinga ako ng malalim saka tinanong si Brent.
‘’Brent saan ka galing? Bakit ngayon ka lang maglulunch? Malapit na magtime ah?’’ sabay tingin ko sa relo ko.
Sabi na, 5 mins left na lang at magbebell na. Buti nalang 10 mins advance ang relo ko, so may 15 mins left pa siya for lunch. . Hahaha! Inaadvance ko talaga ang relo ko para di ako malate for school. Pero minsan wala din saysay ang pag aadvance ko ng time sa relo ko dahil alam ko naman na may 10 mins pa ako. Hay, ang corni ko nuh? Oh well!
‘’May inutos pa sa akin si ma’am Cleopas kaya di ako nakarating dito agad.’’ Finally tumingin na siya sa akin habang sinasagot ako. Napahinga na lang ulit ako ng malalim sabay sabing ‘’ok’’.
Simula nung naghighschool kami, parang malimit ko na lang siyang makausap ng medyo maayos ayos. Lagi na rin kasi siyang busy tulad ko at laging nasa ibang bagay ang atensyon niya. Kaya ayun, minsan na lang kami magkausap though close na close pa rin kami. Tulad niyan, sa akin niya lang sinabi ang nararamdaman niya kay Katherine na hindi niya alam, sobrang sakit sa akin nun.
Maya maya, naramdaman kong tumayo siya sa kinauupuan niya at umalis ng canteen. May narinig akong nagtitiliang mga estudyante kaya napaanggat ang ulo ko para tingnan ang nangyayari. Sa harap ko ay si Katherine na hinalikan sa pisngi si chester. Seriously? Whats happening? Bawal yan ah?
Napatayo ako sa kinauupuan ko at natahimik ang lahat. Naglakad ako papalapit sa table nila Chester saka tinitigan sila ng matiim.
‘’please lang, wag niyo namang gawin yan dito sa canteen. Especially maraming estudyante at lunch time pa. bawal ang PDA. Nakalagay yan sa school rules no. 23 section 8. No public display of affection. Intiendes?’’ tas pinanliitan ko sila ng tingin.
Napatawa si Katherine sa sinabi ko. Aba!
‘’sorry miss PRESIDENT’’ sabi niya na may halong pang iinis. Tumayo siya sa upuan at bumalik na sa table nilang mga socialites habang iniiringan ako. Iniringan ko rin siya. Napakalanding babae. Isa yan sa pinaka ayoko.
BINABASA MO ANG
MISSION: Make My Bestfriend's Rival, Fall Inlove with Me
Teen FictionAko love si bestfriend. Si bestfriend love si campus princess. Si campus princess love si campus heartthrob. At dahil mahal na mahal ko ang bestfriend ko, all I want to do is to make him happy. So I’ll just agree to him and help him get the girl he...