AccuXiLeila_as you wish po. salamat sa support dito sa story.
---------------------------------------
Chapter 4- Feeling Close
Nanlaki ang mga mata ko pag tingin ko sa likod. Anung ginagawa niya dito? Don’t tell me siya yung sinasabi ni ma’am principal na tutulong sa akin?
Napahinga ako ng malalim sabay talikod sa kanya. Calm down lala, napadaan lang yan dito para mang asar. Wag kang OA.
Tumingin ako sa kanya ulit na ngayon ay nangingiti ngiti nanaman. Pang asar yung mga ngiti niya para sa akin, dahil tuwing nag ssmile siya, naiirita na ako agad. Wala pa siya niyang ginagawa ah!
‘’anung ginagawa mo dito?’’ tanong ko sa kanya ng mahinahon.
‘’wala lang .. kasi, naisip ko, tutal kasalanan naman namin yang mga sulat sa pader, tutulungan na lang kitang linisin yan.’’ At naisip pa niyang tumulong! San nang galing yang guts na yan? May kabaitan pala siyang taglay. Pero bat ngayon ko lang ulit yun nakita? O baka naman, nang aasar lang uli siya?
‘’tulong ba kamo? Weh? Di nga? Ikaw, tutulong? Para san? Para mang gulo? O para mang asar?’’ sabi ko habang nakapamewang pa. Habang siya naman ay tinaasan lang ako ng kilay at nagkibit balikat pa.
Tatawa tawa pa ang mokong!
‘’hoy! Anung tinatawa tawa mo dyan? Meron bang joke a sinabi ko?’’
‘’bakit ba ang cute mo? Kahit galit ka ang cute mo pa rin?’’ sabi niya habang tawang tawa pa rin.
‘’cutin mong mukha mo! Nang aasar ka lang! alam mo kung ganyan lang din naman ang gagawin mo dito, umalis ka na lang.’’ at tinalikuran ko siya sabay kuha dun sa brush at nagstart na ulit mag pintura.
Maya maya lang naramdaman kong hawak niya na ang kamay ko at pilit na kinukuha sa akin ang brush.
Paglingon ko …
Leech! Ang lapit niya masyado sa akin. Kaya binitawan ko na yung brush.
‘’sabi ko, ok na. wag mo na akong tulungan, umalis ka na. kaya ko naman ito.’’ Pero di pa rin siya nagpapigil hanggang siya na mismo ang nagpipintura sa pader.
Nagkaroon ng mga ilang minutong katahimikan. Di niya ako sinagot, di rin siya umalis.
‘’bat ba galit na galit ka sa akin?’’ seryoso ang boses niya habang tinatanong ako. kahit di ko nakikita ang mukha niya dahil nakatalikod siya feeling ko kailangan kong sagutin yung tanong niya dahil kailangan na kailangan niya ng sagot.
‘’ako, galit? Buti alam mo.’’ Sarcastic kong sabi sabay iring. ‘’tinatanong mo pa yan. Alam ko namang alam mo na ang sagot.’’
Tapos di na siya umimik.
Sa sobrang katahimikan, napapunta nalang ako sa may lalagayan ng gamit pang pintura at naghanap ng isa pang brush. Good thing meron pa doong dalawa. Kumuha ako ng isa saka lumapit sa kanya at tumabi para magpintura.
Nakaka ¾ na kami ng napinturahan pero di pa rin siya nagsasalita. Nakakapanibago. Madalas pag kasama ko siya ang alam niya lang na gawin ay mang asar. Ang gumawa ng kalokohan o di kaya ay tawanan ako. pero ngayon, bigla siyang tumahimik na akala moy may sinabi ako sa kanyang di maganda kahit alam ko namang wala.
Habang seryoso ako sa ginagawa ko at di nalang siya pinansin, biglang namang may umakbay sa akin.
Siya, umakbay siya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya sa akin habang nagpipintura. Kaliwete pala siya.
‘’pwede kahit ngayon lang maging close uli tayo katulad nung dati?’’ sabi niya sa akin.
Nakakagulat yung itsura niya. Ang bait niya biglang tingnan. Dahil sa ngiti niya, nawala ang inis ko sa kanya. Dahil sa ibang klaseng titig niya, naalala ko yung dati.
BINABASA MO ANG
MISSION: Make My Bestfriend's Rival, Fall Inlove with Me
Teen FictionAko love si bestfriend. Si bestfriend love si campus princess. Si campus princess love si campus heartthrob. At dahil mahal na mahal ko ang bestfriend ko, all I want to do is to make him happy. So I’ll just agree to him and help him get the girl he...