Chapter 3

140 7 3
                                    

Chapter 3- Clean the Mess

Natapos na ang math subject, dumaan na ang English at kakatapos lang ng AP. Sa buong tatlong subject na yun na tuloy tuloy at walang breaktime, Namaso na ata ang puwet ko kakaupo. At di lang yun, sumakit na rin ang ulo ko kakaisip kung bakit lingon ng lingon si Brent sa akin.

I was thinking kung may crush na ba siya sa akin kaya siya ganun. Or baka naman alam niya ng may gusto ako sa kanya kaya ganun. Pero kahit anu pa man yun, ok lang, atleast napapansin niya ako diba?

Pagkalabas na pagkalabas ni ma’am Hermosa sa room, kaagad ko ng niligpit ang mga gamit ko. Pupunta pa ako sa SSG office. Titingnan ko kung may mga gagawin ako na something about sa school. At titingnan ko rin kung meron bang mga ibang officers doon para magpatulong sa pag ayos ng narape na pader sa likod ng school.

And yes, im decided to clean that. Kahit ako na lang mag isa. But I’m still hoping na meron pa rin akong makakatulong. Maghirap magpintura dun.

‘’Lala, alis na kami ah? Si ma’am Cleopas kasi. Alam mo na, yung kanina. Inutusan kaming dalawa ni Kaye na mag check ng mga test papers.’’ Sabi ni Kate sa akin. Oo nga pala, inutusan sila ni ma’am Cleopas kaninang Filipino subject na sila ang mag check ng mga test papers. Kakatapos lang kasi ng 2nd grading period. Kaya medyo madaming ginagawa ang mga teachers. Nag aayos na sila ng mga grades.

Kaya pag ganun, naaabala din kaming mga ‘dakilang utusan ng mga teachers’. Ganun talaga, wala tayong magagawa. Kinaiinisan ka ng mga kaklase mo kasi ang sipsip mo daw sa teachers, ang di nila alam, di ka naman talaga sipsip, sadyang palautos lang sayo ang mga ito.

‘’ah .. oo nga pala, sige. Punta na kayo dun sa office ni ma’am?’’ tanong ko.

‘’oo. Para matapos din namin agad yung pinapagawa sa amin at makauwi kami ng maaga aga. Ayoko ngang maabutan ng gabi. Mapapagalitan ako niyan ni mama.’’ Sabi naman ni jean sabay suot sa backpack niya at lakad papuntang pintuan.

‘’ikaw lala, san ka na ngayon?’’ tanong ni kate.

‘’dadaan ako sa SSG office. Tapos pupunta kay manong janitor para humingi ng pintura pang ayos dun sa vandal kanina sa likod ng building.’’

‘’ouch! Sayang di ka namin matutulungan. Kawawa ka naman best. Pag natapos kami agad ni jean, tutulungan ka namin.’’

‘’kung matapos tayo agad, si ma’am Cleopas pa naman, matindi din yun makautos. Kala mo di tayo dito nagbabayad ng tuition. Psssh!’’ sabi naman ni jean na naiirita. I feel you friend. Ok lang yan. Ganyan talaga.

‘’yaan niyo na, sila teacher, sila nagbibigay ng grades sa atin.’’ Pagdadahilan ko na lang.

‘’sila lang taga compute, tayo pa rin ang nagawa ng grades natin. Not to mention, na tayo din ang nagpapasweldo sa kanila.’’ Sabi niya sabay iring.

‘’wag high blood jean. Baka pagdating natin sa office ni ma’am mairingan mo siya.’’

‘’anu naman. Paki ko ba? Abuso na kaya!’’ sabi niya ng nakapamewang pa. cute din nito ni jean. Parang mas lalo siyang naganda pag nagsusungit.

‘’o siya, magsimula na tayong gawin yung mga dapat nating gawin. Wag na tayong mag reklamo.’’ Tapos ay sinuot ko na ang bag ko, saka dinala ang mga libro.

‘’tara na.’’ sabi ni kate.

‘’uy magpatulong ka sa kahit sino sa student council na may free time. Di naman pwedeng ikaw na lang niyan mag-isa.’’ Sabi ulit ni kate before we parted ways. Ngumiti na lang ako saka dali daling pumunta sa office.

Sana nga may makatulong. Pero kung wala, edi wala. Pagkapasok ko sa office. Naandun si Brent sa loob. Nagliligpit siya sa room at napansin niya akong pumasok kaya ngumiti siya sa akin.

MISSION: Make My Bestfriend's Rival, Fall Inlove with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon