Aryanna POV
"Heto na oh! Pababa na ng taxi. Sabi ko kasi sayong sunduin mo ko." inis kong sagot kay Carson sa telepono.
"Bilisan mo, kanina pa kami naghihintay dito. Nakakahiya sa mga bisita. Dumiretso ka na agad dito sa kusina."
Diko na siya sinagot. Binaba ko na lang ang cellphone ko.
P*tang ina! Sinadya ko talaga magpa-late . Ang usapan alas-dose kami sabay sabay manananghalian dito sa mansyon pero gusto ko silang inisin, kaya ala-una na ako nakarating rito. Buti nga at gutumin sila. Mga Letse!
Nalaman ko din kanina kay Carson na nandito daw si Theon. Yung jologs na gago. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit siya nandito at kasama pa niya ang magulang niya.
Pakiramdam ko nga, nandito 'yon dahil sa ginawa ko sa kanya. Baka nagsumbong siya sa ama ko. Baka nga nakapila na ang kaso ko sa korte. Wala akong pake.
P*nyeta siya kung ganoon. Kala niya matatakot niya ko. Kaya nga ako nandito para harapin siya .
Nakadenim short lang ako at plain yellow t-shirt. Sinadya ko talagang ganito suot ko para magalit si Papa sakin. Ayaw na ayaw niya kasing nagdadamit ako ng ganito.
Nung college nga ako at nakita niyang nakamini skirt ako ay muntik niya na akong suntukin.
Lasing kasi siya noon. Kaya buti na lang nakailag ako. Babaeng anak mo, susuntukin mo. Aba letse . Nagtataka nga ako kung bakit siya nagustuhan ni Mama.
"Pasok po kayo Ma'am."
Nginitian ko lang 'yung guard ng mansyon. Oo, mansyon. Nakalimutan kong sabihin mayaman pala ang ama ni Carson!
Oo, ama lang ni Carson dahil matagal ko na siyang kinalimutan bilang ama ko.
Nilibot ko ang paningin sa garden ni Mama.Nandoon pa rin ang mga orchids na itinanim niya. Mabuti naman at naaalagaan ang mga halaman niya dito.
Naku! Kung hindi. Lagot silang lahat sakin ngayon.
"Hello po. Hinihintay na po nila kayo sa kusina."
Tiningnan ko lang mula paa hanggang ulo ang dalawang katulong na nagsalita sa may pintuan nang papasok na ako. Tsk! Pati mga katulong pinalitan na rin!
INIHANDA ko ang pinakamatamis na ngiti ko ng malapit na ako sa kusina. Taas-noo akong naglakad na may ngisi sa labi.
"Hello guys." masayang sabi ko sa matinis na boses.
Tumigil ako sa paglalakad at inikot ang sarili para makita ang kabuuan ng kusina.
"Nakakamiss dito." maiiyak kong sabi at nagdramang pinupunasan ang mga mata.
Tinuro ko ang lababo "Lalo na sa lababo. Tsk! Doon ko kasi nakikita na naghaharutan sina Papa at Mama noon. Ang sweet sweet nila!" puno ng emosyon kong sabi habang umaakting na humihikbi daw ako kuno.
Nang makalapit ako sa mesa ay napansin kong napakatahimik nilang lahat at nakatitig lang sila sakin. Pati ang mga katulong ay nakayuko din sa gilid. Ngumiti lang ako sa kanilang lahat.
Pa-kyemi kong ibinaba ang bag ko sa bakanteng upuan sa tabi ni Carson at umikot papunta sa pwesto nila Papa. Nakipag beso ako sa kanilang mag asawa at pinisil ang pisngi ng bulinggit nila bago bumalik sa upuan.
Gustong gusto kong punasan ng alcohol ang labi kong nakadampi ng maruruming balat.
Umupo ako at sinulyapan si Carson na nakakunot noo sakin. Inikot ko lang ang mga mata sa kanya bago tinapunan ng tingin ang mga bisita daw nila.
YOU ARE READING
The Witty Witchy Bitch (COMPLETED)
RomanceAryanna Castañeda is a free woman. No morality, duty, good manners and right conduct. Her ignorance on the law is intentional. She pays no attention to rules. But if she finds them fair enough, she'll adhere to it. But if it will interfere against h...