Epilogue

17.1K 422 16
                                    

Aryanna POV

4 months later.............

KUMUNOT ang noo ko ng makitang may bulaklak na nakapatong sa lapida ni Mama.

Mukhang may naunang dumalaw rito dahil walang kahit ni isang tuyong dahon na nagkalat. Nilinisan din niya yata.

"Sa tingin mo Carson, sinong dumalaw rito?"

Hindi niya ako sinagot. Bagkus ay ipinatong niya lang ang dala naming bulaklak sa lapida, katabi ng bulaklak na nadatnan namin.

"Baka si Papa ang dumalaw kanina."

Napa-tango na lang ako, sabay upo sa damuhan. Inalalayan pa ako ni Carson paupo na parang baldado ako.

"Pwede ba? Kaya ko Carson."

Tumabi siya sa akin. "Oh Ma, Tingnan mo 'tong panganay mo. Umaaktong matapang at malakas na naman, kahit lomolobo na siya. Nagmumukha na siyang balyena"

Sinamaan ko siya ng tingnan. "Kaya ko nga! Kayo lang naman ni Theon ang OA. Uupo lang, aalalayan pa. Hindi naman ako nalumpo."

"Tingnan mo Ma, ang sungit na naman. Ganyan ba talaga kapag buntis?"

Tinampal ko siya sa braso. "Naku Ma, 'tong si Carson. May binabahay ng babae sa Condo niya, si Glory. Ang bata bata pa eh. Pero huwag kang mag-alala Ma, magaling pumili ang anak mo. Mabait at maalalahanin ang girlfriend niya. Saka kasing-ganda ko pa." humagikgik ako.

Tinalasan ako ng tingin ni Carson. "No Ma, hindi ko siya binabahay. Hindi lang talaga maintindihan ni Ate na nagmamagandang loob lang ako kay Glory, pinalayas kasi siya sa bahay nila. Naawa ako kaya kinupkop ko muna."

Inikot ko ang mga mata ko. "Oo na. Tinutulungan mo na si Glory my loves mo."

Bumuga lang ng hangin si Carson. Alam kong hihirit pa sana siya kaso naalala niya yata na buntis ako at pinagsabihan siya ni Theon na huwag akong awayin.

"Hoy Ma, Sinong dumalaw sayo kanina? Si Papa ba?" tanong ko habang hinahaplos ang lapida niya.

"Si Papa yon, panigurado" singit ni Carson na inaayos ang bulaklak.

"Ay Oo pala, may chika ako Ma. Yung bestfriend mo, nabaliw na ng tuluyan. Nasa mental na po siya, kahapon lang namin nalaman ni Carson. Ang tanga kasi ni Papa no? Pinili ba naman yong aswang na yon. Tsk! Eh mas maganda ka nga don. Magkamukha kaya tayo."

Tumawa si Carson sa tabi ko. "Sayang Ma, wala ka noong kasal ni Ate last month. Heto na siya oh, dinadala na ang apo mo."

Hinaplos ko ang tiyan ko. Bigla ko tuloy naalala si Theon, kasama naman siya dapat ngayon sa Death Anniversary ni Mama kaso nagkaroon ng problema sa Hotel nila sa Cebu.

Kinailangan niya tuloy bumiyahe kahapon kahit labag sa kalooban niya. Hindi niya kasi ako magawang iwan dahil sa maselang kalagayan ko. Pinilit ko nga lang siya eh.

Binilin niya lang ako kay Carson, ang dami niyang payo, utos at habilin sa kapatid ko. Keso huwag daw akong gutumin, painumin ng vitamins sa tamang oras, bilhin lahat ng gusto ko.

Sunod-sunod. Nakakatawa, para siyang mag-iiwan ng batang paslit sa kapitbahay niya.

Hindi nga nagkulang ang asawa ko ng pagbibigay kalinga sa akin. Buong atensyon niya ay itinuon niya sa akin.

Kahit masyado siyang busy sa trabaho, hindi niya ako pinabayaan. Nasusungitan ko na nga siya minsan pero kailanman ay hindi siya nagalit sa akin.

Lahat ng hinihingi ko binibigay niya, nandoon siya para hagurin ang likod ko kapag nagsusuka ako at bilhin lahat ng pagkain na hinihiling ko. Hindi niya ako pinabayaan.

The Witty Witchy Bitch (COMPLETED)  Where stories live. Discover now