- Ang karumaldumal na pagpatay -

5.6K 129 4
                                    

- Chapter 6 -

Nakita ng lalaki na pinutol ang kabli ng switch kaya ito nakapatay.

"Bakit to naputol?" nagtatakang tanong sa sarili

"Sino naman ang tarantadong gumawa nito?" sa isip isip niya

Luminga luminga siya sa paligid sa pag-babakasakaling makita pa niya ang taong may gawa nuon. Ngunit nabigo siyang makita ang may sala kayat minabuti niya nalang na mag sindi ng kandila.

Patungo na ang lalaki sa sala bit-bit ang may sinding kandila ng laking gulat nito ng mapansin na may ulo sa sofa sa harap ng t.v. nakaupo ito ngunit hindi niya makita kung anu ang itsura ng nakaupo basta ang alam niya ay may tao dito. Kaya dahan-dahan siyang humakbang patungo sa nakaupo ng biglang umihip ang malakas na hanging na siyang dahilan ng pagkamatay ng kandila.

Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa para magsilbi itong ilaw.

"HAIST! Buti nalang nasa bulsa ko lang tong cp ko." sa isip isip nito

"Ang lakas naman ng loob ng taong tong pasukin ang bahay ko at nakuha pang umupo sa sofa ko huh!" sa isip isip ng lalaki

Isang hakbang nalamang ng lalaki ng biglang humarap ang nakaupo sa sofa sa gulat ng lalaki nabitawan niya ang hawak niyang cellphone kayat nagkalasan ang mga parte nito.

Kinapa ng lalaki ang nakaupo sa sofa ngunit mukang wala doon ang kaninang nakita niya. Akmang pupulutin ng lalaki ang nagsikalasan na parte ng cellphone ng may nahawakan siyang malagkit na bagay hindi niya matukoy kung anu yun . Pero sa isip isip ng lalaki ay dugo ang kanyang nahawakan.

Nagsimula ng kutuban at matakot ang lalaki.

"SINO KANG H_Y_P KA? AT BAKIT MO AKO PINAGLALARUAN?" galit na sigaw ng lalaki

"IKAW DIN BA ANG SIYANG PUMATAY SA MGA KAIBIGAN KO?" muling sigaw nito

Ngunit walang sumagot sa kanyang mga tanong kayat nagdecisyon siyang tumakbo papalabas ng pinto total hindi naman nakasara ang pinto nakabukas pa ito ng unti.

Akmang patakbo na ang lalaki ng putulin ng di kilalang nilalang ang kaliwang paa  nito umagos ang masaganang dugo sa sala na nagmula sa kanyang kaliwang paa at tila hindi pa nakuntento ang nilalang at tinarak pa ang kutsilyo sa kanang hita ng lalaki. Gumapang ito patungo sa pinto habang kumakalat ang dugo sa buong sahig masaya namang pinapanuod ng salarin ang pagdurusa at paghìhirap ng lalaki.

"PATAWARIN MO AKO PARANG AWA MO NA WAG MO AKONG PATAYIN." ani ng lalaki

"AWA ? PATAWARIN ? NARAMDAMAN MO BA YAN MATAPOS NIYONG GAWIN ANG KABABUYAN AT PATAYIN AKO." nakakatakot na wika ng salarin

Umiyak at nagmakaawa ang lalaki ngunit kahit anung sabihin niya ay huli na ang lahat para sa kanya. Umalis sandali ang salarin rinig na rinig ng lalaki ang yabag nito papalayo kaya mabilis siyang gumapang patungo sa pintuan akala ng lalaki ay pinagbigyan siya ngunit dun sya nagkakamali akmang itutulak niya na ang pinto upang makalabas ngunit may kuryenteng idinikit sakanyang ulo na siyang ikinamatay ng lalaki. At tinusok pa ang dalawang mata nito ng matulis na icepick.

"AhHhHhHhHh." napahiyaw ng 

ng malakas ang lalaki bago ito tuluyang mawalan ng buhay.

Agad naman na rumisponde ang mga kapitbahay nito upang alamin kung anu ang sigaw na yun at nabulabog ang buong barangay ng makita ang nakakatakot na nangyari sa lalaki umalingaw ngaw ang buong balita sa Barangay at ang usapan usapan pa ay may magnanakaw na pumapasok sa mga bahay bahay at pinapatay ang mga may ari nito. Napagalaman din ayon sa mga nagimbestiga ng crimesin na electrocute ay ikinamatay ng lalaki ayon pa dito ay gumamit ang salarin ng malaking electric voltage para sa pagpatay.

Mula ng malaman ng mga tao ang sunod sunod na pagpatay sa buong lugar nila ay natatakot na sila dahil baka raw sila na ang sumunod na biktima ng pamamaslang ngunit ang hindi nila alam tanging ang mga apat na lalaking yun ang punterya ng salarin.

Bukod sa pamamaslang na kumalat sa lugar usap usapan din ang pag mapait na nangyari kay Angela bukod daw sa nahuli na ang exconvic na ama nito eh! Wala na ito sa sarili. Maraming na aawa sa kalagayan ng bata ngunit marami ding natatakot halos wala ng dumadaan sa harapan ng bahay  wala na nga silang kapitbahay at nasa liblib pa sila ng lugar at wala pang nangangahas dumadaan. Habang nakaupo si Angela sa sulok malapit sa t.v. ay kinakausap niya ang dalawa niyang manika.

"AYOS LANG BA ANG KALAGAYAN NIYO?" ani ng batang si Angela sa dalawang manika na sina Monica at Hannah

Napatingin si Angela sa salamin at tinitigan ang sarili at parang baliw na tumatawa.

"HAHAHAHAHAHA!" malakas na tawa ni Angela

Nakakatakot na nag- alulungan ang mga aso sakanilang lugar at takot na takot na nagsara ng mga pinto at bintana ang mga naninirahan roon.

Gabi-gabi palaging ganito ang nangyayari pag patak ng saktong alas dsis ng gabi ay wala kanang makikitang tao na nasa labas at maaga naring nagsasara ng kanikanilang tahanan ang mamayan doon.

Dalawang buwan na ng makalipas ang mga pag paslang sa kanilang lugar ay dumating na galing sa probinsiyang pinagvacationan ang isang lalaki na umano ay kasama sa marahas na nangyari kay Angela at sa di kilalang babae. Nagulat ito sa mga nabalitaan sa tatlong kaibigan hindi niya inaasahan na mangyayari yun sa mga kaibigan.

Nagpasya ang lalaki na mag paparty sa bahay nila home coming party na rin para sa paguwi niya nagpainom at munting salo-salo ang naganap sa kanilang tahanan alas 2:00 na ng umaga at masaya pang nag iinuman ang lalaki kasama ang mga kaibigan niya ilang sandali naiihi na ang lalaki kaya nagtungo siya kung saan pwedeng pag iihan matapos umihi ng lalaki ay nakarinig ito  nang sit sit kaya agad niya namang nilingon kung sinu ang sumitsit sa kanya. May tumakbong tao papalayo sa kanya at nakita naman ito ng lalaki siguro dahil sa kalasingan ng lalaki ay sinundan niya it

ANG MANIKA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon