"The Lost Fairy"
Noong unang panahon namumuhay ang mga tao kasama ang kanilang mga kaibigan ang mga diwata, alam nila na may mortal na kaaway ang mga diwata ito ay ang mga Scren. Ang mga Scren ay masasamang nilalang gusto nilang masakop ang buong mundo ngunit hindi makakapayag ang mga diwata ayaw nilang mabalot ng kasamaan ang mundo nariyan sila palagi para iligtas ang mga tao mula sa mga Scren.
**(Sa kahariang Castalliana)** (kaharian ng mga diwata .. walang sinumang tao ang makakakita rito, tanging mga diwata lang ang nakakakita sa kahariang ito)
"A-aray ko! M-ma-manganganak n-na ako!" sigaw ng mahal na reyna (reyna ng mga diwata, ang pangalan niya ay Reyna Vefa siya ang pinakamakapangyarihang diwata) dali dali namang tinulungan siya ng mga diwata.
**makalipas ang limang taon**
"Inay! inay!" sigaw ni Airra (siya ang mahal na prinsesa,dahil sa taglay niyang kagandahan ay tinawag siyang diwata ng kagandahan)
"Ohh? bakit aking anak?" tanong ng mahal na reyna na tumayo sa kanyang kinauupuan para salubungin ang anak na tumatakbo papunta sa kanya, napansin niyang may kasama itong batang lalaki na hindi niya kilala.
"Reyna Vefa's POV"
"Inay! inay!" tawag ng aking anak agad ko naman siyang sinalubong napansin kong may kasama siyang batang lalaki, anak siguro ng isa sa alagad kong diwata.. oo lahat ng aking alagad ay diwata ..
"Ohh? bakit aking anak?" tanong ko.
"Inay siya po si prinsipe Carl, nawawala po siya inay"
Prinsipe? Nawawala? sa pagkakaalam ko ay dalawa lang naman ang kaharian sa mundo ng mga diwata, anak ba siya ng hari at reyna ng mga Scren?"PRINSIPE!?"
gulat na tanong koend of Reyna Vefa's POV
Airra's POV
Habang ako'y namamasyal kasama ang isang diwata ay may nakita akong isang batang lalaki na di kalayuan sa kinaroroonan ko agad ko siyang pinuntahan.
"Anong pangalan mo?"
tanong ko sa kanya mukha siyang galing sa pag iyak."A-Ako s-si Prinsipe Carl n-nawawala a-ako" sabi niya na pinipigilan ang pag iyak
"wag kana matakot tutulungan kitang maka uwi sa inyo" nakangiting sabi ko sakanya
"talaga? maraming salamat!" saka niya ako niyakap ng mahigpit
"ilang taon kana?" tanong ko
"lima" nagulat ako kase magkasing edad kami
"anong pangalan mo?"
"ako si Airra prinsesa ng ...."
hindi ko natuloy ang sinabi ko ng"Airra" tawag nung diwatang kasama ko, hinahanap niya ako kase bigla akong tumakbo kanina at iniwan siya
"tara! takbo tayo iwan natin siya hahaha" sabay naman kaming tumakbo papunta sa kahariang castalliana
end of Airra's POV
**sa kaharian Lescada (kaharian ng mga Scren)**
"Nasaan ang aking anak!!!!!" tanong ni Reyna Hea (reyna ng mga Scren)
"P-Patawarin niyo P-po ako nawala po S-siya bigla nung U-umalis kami P-para mamasyal" takot na sabi ng alagad
"Patayin ang babaeng iyan!" sabi ni Haring Loer
"Humanda na kayo sa pagsugod sa Kahariang Castalliana alam kong nasa kanila ang aming anak!" sabi ni Haring Loer na galit na galit.
Reyna Vefa's POV
"PRINSIPE!?" gulat na tanong ko dali dali kong tinignan ang kaliwang kamay ng batang lalaki at nagulat ako sa aking nakita, mayroon itong bilog na marka tanda na isa itong Scren.
Kaming mga diwata ay mayroon ding marka sa kanang kamay ngunit kakaiba ang marka ng sa reyna at prinsesa kumpara sa mga diwatang alagad lamang."Opo isa akong prinsipe sa kahariang Lescada (kaharian ng mga scren) anak ako ng mahal na reyna na si Hea at hari na si loer" pagkasabi niya dun ay
"MAHAL NA REYNA! MAHAL NA REYNA! Yung mga Scren po! sumugod rito at marami na sila napatay na tao! "
"Nasaan na si Prinsipe Carl?"tanong ng aking anak
"Ano! Sumugod?" tanong ko
"Opo at natatalo na kaming mga diwata!" sabi ng aking alagad.
Tutulongan ko ba sila o ililigtas ang buhay ng aking anak..
"Tara anak!"
"saan tayo pupunta inay?"
pumunta kami dun sa napakalaking puno ginamit ko ang kapangyarihan ko para mag ka roon ng pinto yung puno at pinapasok ang anak ko roon. kailangan kong ialay ang buhay ko kailangan ko magpakamatay sa harap ng puno at doon maililigtas ko ang aking anak matutulog siya dun sa loob ng 1,000 taon ng hindi tumatanda. PAALAM aking anak.
end of Reyna Vefa's POV
Natalo ang diwata maraming namatay na tao at nagwagi ang mga Scren, nang si Prinsipe Carl na ang nagmana sa Kahariang Lascada gumawa siya ng mabuti at hindi gumaya sa kanyang mga magulang.
**Makalipas ang 1,000 taon nagising na mula sa maraming taong pagkatulog si Airra , isa siyang diwata kaya hindi nawala sa ala ala niya ang mga nakaraan**
to be continued......
( Sa panahon ngayon Ano kaya ang mangyayari kay prinsesa Airra? )
BINABASA MO ANG
The Lost Fairy
FantasiPaano kung nakatulog ka ng 1000 years? paano ka makakabalik sa totoo mong tahanan, kung hindi mo naman alam kung saan ang daan? paano ka paniniwalaan ng mga tao na isa kang Diwata ng kagandahan? paano ka nila tutulungan? o tutulungan ka nga ba? aba...