Simula
"Ay anak ka ng kabayo! Hindi mo man lang tingnan ang dinadaanan mo! Ay teka, sorry miss. Maganda ka pala. Sorry nabunggo kita." Ngumiti sa'kin ang kabayong bundat na ito. Kaya imbis na patawarin ko siya ay inirapan ko pa ito. Hindi porket maganda ako sa paningin niya ay gaganyanin na ako. Walang kasala-salamat do'n dahil hindi nakakatuwa. Ang unfair naman no'n, hindi ba?'
"Sa susunod, bago ka manisi. Tingnan mo rin ang dinadaanan mo. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay may titingin sa 'yo. Tangang 'to." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay umismid ako at inisnab siya. Ang mga mababait na katulad ko ay umiirap rin, duh.
Napatingin sa'kin 'yung kabayo nang wala sa oras. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. "Hoy miss! Nag-sorry na nga ako ganiyan ka pa! Excuse me, hindi tayo talo bhe. Soyong, maganda ka pa naman at bagay na bagay ka sa modelling career, eh taena ang sama mo pala. Luh." Umirap 'yung kabayo.
Sabi na't kabayo talaga 'to eh. Kita mo umirap pa, sinabi pang hindi kami talo! "Hindi rin tayo talo 'no kaya excuse me ka rin! Pero salamat sa puri. Naappreciate ko 'yung puri mo. Ikaw rin, maganda ka." Nakangiti kong sabi. Pero hindi niya alam na pinaplastik ko lang siya.
"Ay salamat day. Magkakasundo tayo nito." Nakangiti namang sabi niya.
Napairap na lang ako. "Asa ka. Ang ganda mong sapakin. 'Wag kang umasa, hindi ka maganda."
Naginarte naman ang bakla. Sabi niya, "Awts, it hurts. You is not butiful rin, you is sama. I heyt you. Get out of mah laifu." Inirapan ako ng bakla sabay nag-walk out.
"Ambobo mo magwalk-out teng! Mukha kang linta litsi ka! Badtrip ka! Mali-mali pa english mo kinginers ka!" Sigaw ko.
May mga taong tumitingin na sa'kin at napapatulala. Chos, alam ko na maganda ako, hindi na kailangang ipagtulakan pa nila at ipamukha sa'kin na maganda ako. Choos.
Ako nga pala si Poleng. Ang bestfriend ng bida dito. Chooos, akala niyo ako ang bida ano? Hahaha. Sige, maghahanap pa ako ng pogi. Nakakakilig, sayang kasi si kuya- I mean si ateng. Bakla pa. Myghad.
"Tapos ka na mag-monologue?" Tanong sa'kin ni Amethyst, ang bida at kontrabida sa storyang ito.
Tumango naman ako sa kaniya at ngumisi. Hindi pa kasi talaga ako tapos, may mga ikekwento pa ako. Pero bago iyon, magpapakilala muna daw si Amethyst. Sige, babay. Papakamatay na ako, isa lang akong salot- chos. Joke lang.
"Sabi mo tapos ka na pero 'di pa pala. Parang kapag nasa CR ka, nag-aantay ka. Eh malapit ka ng matae. Edi lalabas na. Parang inis ko sa'yo, malapit ko nang ilabas. Ako bida dito halloooo." Sabi niya. Napairap na lang ako tas nag flip ng maganda kong hair- chos.
"O edi ikaw na ang bida! Kahiya naman." Pagpaparinig ko. Pero hindi talaga pagpaparinig 'yun kasi direkta kong sinabi sa kaniya iyon.
"Buti alam mo. Kaya bago ako mainis sa'yo, pumasok ka na sa kotse." Umirap siya.
Magmomonologue pa nga ako, tutal akin lang naman rin itong point of view. Magkakaroon rin ako ng sarili kong istorya!
--
Sa kasalukuyan ay nagdadrive na kami ni Amethyst papuntang airport. Pupunta kasi kaming Canada-chos. Oo, hindi iyon joke. Sabi niya kasi isasama niya ako para may mapagtripan siya at malabasan ng sama ng loob. Tapos sinabi ko sa kaniya, "Teka, lalabasan mo ako ng sama ng loob? Bakit? Mukha ba talaga akong inidoro para sa'yo o sadyang mukha ka lang talagang pwet."
Edi 'yun, nainis siya sa'kin. Tama naman ah, mukha kaya siyang pwet. Tapos siya magrereklamo diyan eh ako na nga itong labasan ng sama ng loob at amoy niya. Tangina lang ano?
Pero hindi ko talaga makakalimutan 'nong nag-away kami nang dahil sa isang laruan. Ayaw niya kasing nagpapahiram. Edi pinilit ko siya na pahiramin ako, pero ayaw pa rin eh. Kaya pilit kong ikinuha sa kaniya- katulad ng pagkuha ng lalaking pogi sa puso ko- chos, ang manika niya.
Kaya 'yon, umiyak siya. Edi hinabol niya ako ng itak, pinahabol niya pa ako sa itik! Buti sana kung sa pogi niya ako pinahabol edi sana papasalamatn ko pa siya sa ginawa niya at papabayaan ko siyang itakin ang pusong sirang-sira na- charot. Anywayz, higwayz, nobody's latesz, ako'y magpapaalam na.
Bawal na ako mag-monologue kasi nga malapit na ang takeover. Babush. Wish me luck sa byahe namin. I love you all very muchxaz. At btw, naka-airplane mode na kasi kaya hindi na pwede. Babuuuush.
--