"Sinigang. Yehey!"
--
/Amethyst/My eyes were fixed on the road, daily tasks: Driving, school, then home. Hay, kailan kaya matatapos 'tong paghihirap ko sa thesis na 'to? Eh pa'no kasi, ang dami daming pinapagawa ng teacher namin ba't hindi na lang kaya siya 'yung gumawa ano? Nakakairita, 2 thesis in a row, per subject pa. HAHAHA SA'N KA MAKAKAKITA NO'N?
"Nako bes, dalian mo naman ang pagdadrive. Ang bagal naman niyan!" Sigaw ng bestfriend ko, si Poleng. Hindi naman talaga Poleng 'yung pangalan niya, kumbaga eh isa 'yong nickname. Gets niyo naman siguro 'yun ano? Hahaha.
Tumingin lang ako sa side mirror, iniiwasan ko siya. Nagdadrive ako helloo. Atsaka lagpas 100 na nga speed limit eh. "Hoy Amethyst! Punyeta. Ang bagal!" Nako. Madidisgrasya kami neto eh.
Tinapakan ko 'yung break tapos siya naman, muntik siyang tumapis. Eh pa'no dada ng dada. Nakakairita. "Sa susunod kasi 'wag kang dada ng dada, punyeta nasa daan tayo, kung ayaw mo dito do'n ka. Ulol." Pinakyu sign ko siya, pero ngumiti lang siya sa'kin.
"Nako bes, sorry, medyo nairita kasi ako ngayong araw, alam mo naman, si boyfie." Natatawa niyang sabi. Inirapan ko na lang siya saka nagpatuloy sa pagdadrive. Kung pwede lang sana magkaroon ng driver edi sana meron na ko. Eh kaso wala akong pera. Hahahaha.
"Okay, we're here." Binuksan ko 'yung pintuan saka linock 'yung pinto. Nakababa na rin naman siya kaya go lang.
Kinuha ko 'yung susi ko ta's binuksan ang pintuan ng bahay namin. Oo, nakatira kami pareho sa bahay na 'to. Bestfriends talaga, oh diba?
--
"HAY NAKO BES, why don't you clean your house?" Sinapok ko siya kasi napaka-reklamador niya. I mean pwede namang hindi na lang siya mag-reklamo diba? Kasi at the first place, dito siya nakatira. Secondly, hindi siya naglilinis. And lastly, tamad kaming pareho.
"Tumahimik ka na lang kaya diyan ano? Supalpalin kita ng brief ng malandi mong boyfriend eh." Totoo, naiinis ako sa BF niya. Pa'no ba naman kasi, leche siya. Landi ng landi habang wala bestfriend ko. Leche. Eh eto namang si Poleng, nagpapakatanga. Ayun, pinapayagang lumandi 'yung kalandian niya.
Tumingin sa'kin si Poleng ng masama, "BES NAMAN, imbis na damayan mo ko papagalitan mo pa 'ko. Ano 'yun hah? Sama neto!" Natawa na lang ako sa kaniya. Humiga ako sa kama saka binuksan 'yung laptop ko. Habang nagsscroll ako sa instagram, may nag-text sa'kin. Binasa ko pero hindi ko alam kung kaninong number 'yun. Pero parang bago eh.
1 (***) ***-****
Galing rin siya sa Canada?
Wait what?
--Napatingin ako sa orasan. Malapit na pala ang gabi. Tumingin ako sa bintana at pagkatapos at humiga ulit ako sa kama. Hindi ko magawang makalimutan 'yung message sa'kin no'ng taong 'yun. Anong kailangan no'n sa'kin?
Nag-vibrate 'yung cellphone ko. Nag-text nanaman ba 'yun?
From: Poleng
Hoy letse ka, bumaba ka na nga. Nagluto ako.
--
AY TANG***, itetext niya ko para lang do'n? Nagsasayang lang siya ng load! Tapos akala ko pa 'yung kakaibang tao 'yung nag-text. Punyeta. Bumaba na lang ako saka umupo sa upuan ko. Naghanda naman si Poleng ng mga plato. Linagay niya na rin 'yung lutong kanin sa lamesa, pati na rin 'yung uulamin namin.
"Alam mo, buti na lang marunong kang magluto." Tinuro ko sa kaniya 'yung kutsara ko habang kumakain. Gesture lang kumbaga. Kumuha pa ako ng sinigang na linuto niya. Ang sarap eh.
Tumingin siya sa'kin saka ngumiti. "May nagbigay lang niyan. Sabi niya nag-text siya sa'yo." Tumawa siya.
Tinignan ko siya. "Sino?"
"May nag-text sa'kin?" Takang tanong ko. Tumango naman siya tapos sinabi niya sa'kin na unknown number daw 'yun. Tinignan ko 'yung cellphone ko para tingnan 'yung message.
1 (***) ***-****
||Nagluto ako ng sinigang. Binigay ko sa bestfriend mo. Alam kong hindi ka marunong magluto.||
Napatingin ako kay Poleng. "Who the hell is this person?"
Natawa siya saka ako sinapok. "Si Caleb 'yan. Siya lang naman marunong eh." Tapos tuluyan na siyang tumawa.
--