Chapter 2: Injury

38 4 5
                                    

"Napakatanga mo kasi!"

--
Amethyst//

Napapadami ata ang quotes na linalagay ni Poleng. Litsi, kada araw naiiba 'yung pintura ng pader sa kwarto niya. Akalain mo 'yun? Dibale, visual artist kasi. Masaya nga ako kasi natupad pangarap niya eh. Isa rin siyang magaling na gitarista, in case you want to know more about her.

Ako nga pala si Amethyst Alistaire Sapphire Uy. Currently 18 years old. I live in Canada. Sinama ko si Poleng para may kasama ako. Nakakahiya naman kung lagi kong papapuntahin si Caleb sa bahay. Atsaka isa pa, lalaki siya, babae ako. Kahit kaibigan ko siya, kailangang mag-ingat pa rin ako. Isa rin akong visual artist. Musician rin ako btw. I play piano, drums, and violin. Pero sa violin talaga ako nagexcel. Practically, hobbies lang 'yung iba.

Minsan, nagpeperform kami ni Poleng kasama ang banda. And yes, may banda kami. Kumbaga 'yung 'yung part time job namin. Malaki rin naman ang kita namin. 300 dollars per day. Mas malaki pa nga ata sahod namin dito kaysa sa actual job namin eh. Actually for 1 month ano 'yun, mga nasa 90's siguro, malaki 'yun. Kaya palagi kaming nagsho-shopping ni Poleng. May bahay na rin naman kami. Kakabili lang namin no'ng June.

Si Poleng, nagdadrawing siya. Tas binebenta niya rin para may kitain siya. Pero minsan, nagtatabi siya. Para sa'kin syempre. Pero joke lang 'yun. Para sa kaniya 'yun malamang. Souvenir ganern.

College na kaming pareho. Hindi nga rin namin ineexpect na mag-cocollege kami dito. Kasi ang gusto ng mga magulang namin mag-trabaho na kami. Pero natupad naman gusto nila diba? Working student nga lang kami. Pero malaki ang sahod. Well syempre kasama 'yung part time.

"Amethyst! Mag-saing ka na! Nag-dala ulit si Caleb!" Tumalon sa tuwa si Poleng. Nako, puro pagkain ang nasa isip niyang babaeng 'yan.

Pumasok si Caleb sa bahay tapos bineso-beso ako. I did the same thing. Nagtataka nga ako kung bakit ang galing niya magluto samantalang ang tamad ng lalaking 'to. "Hoy, Amethyst. Ikaw ah. Pinagnanasaan mo ako 'no?" Tumawa ako.

"Psh, 'wag ako. Ang hangin mi Caleb! Porket Mendoza ka lang! Ang hangin neto whoo." Sinipa ko siya sa pwet niya saka siya tinulak papuntang kusina. Si Poleng naman ay tumingin sa'min na parang may gagawin. "HOY POLENG ANONG GINAGAWA MO?" Tinutulak niya kami ni Caleb papunta sa kusina.

"Ayan, magluto kayo diyan. Manonood ako." Tawang-tawa si Poleng. Umalis siya at iniwan ako. (Sanay naman na ako. Walang bago.)

Pero teka. Naandito kami ni Caleb. Magkadikit, magkatabi. Ang bango niya shet.

"Oo na. Gwapo ka na. Kaya pwede bang lumayo-layo ka sa'kin?" Nandidiri kong sabi. Pero syempre, hindi talaga ako nandidiri. Ang pogi ba naman ng katabi mo? Kamukha si Jungkook ng Bangtan? Omygad. May abs pa. Oh diba, may kanin na may ula----. Takte anong pinagsasabi ko? Pinopollute netong mokong na 'to 'yung utak ko eh.

Ngumiti si Caleb ng nakakamatay. "Nako, magluto na tayo, babe." Tumawa siya ng malakas.

Ako naman? Malamang inuntog ko siya. Kahit gwapo siya hindi niya ako pwedeng tawaging babe. Nakakadiri. "Ano! Babe babe ka pa diyan hah! Anong lasa ng pader? Lasang ice cream ba?"

Tumingin siya sa'kin saka tumawa. "Ang sakit bes." Tapos tuluyan na siyang umiyak.

--

Linagyan ko siya ng yelo saka ko siya kiniss sa noo. Bawi ko 'yon sa kaniya. Kawawa naman. Alam ko namang crush ako nito eh. Pero syempre joke lang.

"Ayie. Ikaw Amethyst ah. Gumaganyan ka na. Kumukuha ka ng kiss ah. Ikaw ah! Breezy me-" Tinuktok ko sa kaniya 'yung yelo. Mismo sa bukol niya.

"Ayan, taena mo kasi." Kinutusan ko siya ulit.

Ngumiti siya. "Hindi na po mauulit bes."

EvanescentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon