NA NAMAN, SUHO?

1.2K 40 27
                                    

"♫mmm ang ganda ko, feel na feel ang long hair ko mmmm♫" kanta ni Marsha habang nagluluto siya ng almusal para sa kanila ng boyfriend niyang si Suho.  May pasayaw sayaw pa ang loka-loka habang hinahalo ang sinangag na nasa kawali. "Ayan, putris natapon!" Ayan kasi Marsha, sayaw ng sayaw  eh nagluluto ka nga. Inilagay ni Marsha ang kanyang super-duper-masarap-mas-masarap-pa-kay-Suho na sinangag. Self-proclaimed siyang chef. Siya lang ang may sabi. Yung pangalan ng sinangag niya, siya lang din ang may gawa. 

"Asan na kaya si Suho my loves? Tagal naman gumising non" reklamo niya habang nilalagay ang mantika sa kawali para lulutuin niyang BACON. Bale, hindi lang sila basta magsyota ni Suho. LIVE IN PARTNERS SILA. Pag mamay-ari ni Suho ang bahay na tinitirhan nila. Enjoy enjoy lang si Marsha sa pagluluto ng bacon "♫Chenenenen FEELER!!! Feeler night! chen chenenenen♫" kanta niya. Napasinghap siya ng biglang may yumakap sa kanya. "Hi babe" bulong ni Suho sa kanya sabay amoy sa leeg niya. "ahihihi enebe nakikiliti aku" malanding sabi ni Marsha. 

Pag harap ni Marsha kay Suho, napataas ng kilay ang dalaga. Kakalabas lang kasi ni Suho sa banyo. Kakatapos lang maligo ng binata at nakatapis pa siya ng tuwalya. "So sineseduce mo ko?" pabirong pagtataray ni Marsha. "Oo, ano? Naseseduce ka na ba?" tanong naman niya kay Marsha. Tumalikod ang dalaga para itago ang mala-kamatis na pamumula ng kanyang mukha. Niyakap siya ulit ni Suho. "Babe, may tanong ako" Napakagat sa labi si Marsha dahil ramdam na ramdam niya ang bawat hinga ni Suho sa leeg niya.  "Ano yon?" malambing niyang sagot habang binabaliktad ang BACON gamit ang sandok. "Babe, ilan ang gusto mong maging anak natin?" pilyo niyang tanong. "Ewan. Kung ilan ang kayanin natin. " pabiro niayng sagot

Hinalikan ni Suho ang leeg ni Marsha at sinabing "Pwede na ba nating gawin yung isa ngayon?" Pinalo ng mahina ni Marsha ang ulo ng boyrfiend niya. "Ikaw talaga, ang pilyo mo" Humigpit ang yakap ni Suho kay Marsha. Nanlaki ang mata ni Marsha nang maramdaman niya sa likuran niya ang pagtayo ng pagkalalaki ni Suho. "DUN KA NGA!!! LASWA EH!!" Tinulak niya ang binata at aksidenteng nahulog ang nakatapis natuwalaya dito. Namula ng sobra si Marsha at napatalikod. "Oh? Bakit?" tanong ni Suho. "D-dun ka! M-magtuwalaya k-ka!" nauutal na sabi ni Marsha. "Babe naman eh. Ganun din naman, makikita mo rin to in the futu--"        "EH DI SA FUTURE KO NA TITIGNAN!! BUTHET KA MAGTUWALYA KA!!" sigaw ni Marsha na matatag at ayaw talagang tumingin. 

"Sige magtutuwalya ako, ikaw ang maglagay" pilyong sabi ni Suho. Ngumisi si Suho. Alam ni Marsha kung anong balak ng nobyo niya kaya kinuha niya ang tuwalya. Hindi siya sa harap pumwesto. Niyakap niya sa likod ang boyfriend niya at tsaka isinuot sa bewang nito ang tuwalya.  Nang naka-ekis ang mga braso ni Marsha sa bewang niya, hinawakan ito ni Suho. "Babe, may sasabihin ako sayo" 

Ipinatong ni Marsha ang ulo niya sa balikat ni Suho. "Ano yon, babe?" tanong niya. "Babe, hindi porke't niyaya kitang magganon eh yun lang ang habol ko sayo. Babe, alam mo naman sigurong mahal kita di ba? Mas lamang ang pagmamahal ko sayo kesa sa pagmamahal mo sa KPOP na yan. Kahit hindi tayo kasal, pinapangako ko sayo na kahit magkaanak pa tayo eh hindi kita iiwan. Hindi ako yung klase ng tao na nang-iiwan pagkatapos mang-anak. Kahit ilang anak pa yan. Kahit magkaroon tayo ng isang dosena, wala akong pakialam. Mahal kita bilang ikaw. Hindi kita mahal kasi maganda ka ngayon. Hindi kita mahal kasi sexy ka ngayon. Mawawala din ang mga yan pag tumanda tayo. Mahal kita bilang ikaw. Mahal kita bilang si Marsha. Mahal kita bilang nobya at future wife ko. Pinagiipunan ko pa ang kasal natin, Marsha. Gusto ko kasi sa simbahan tayo ikasal pero kahit saan pwede na. Mapasimbahan yan, huwes, kahit diyan nalang sa bakuran, pakakasalan kita. Okay lang sa akin kung ayaw mo pa. Willing akong maghintay para sayo. Hindi kita pipilitin kung a---"

[SUHO ONE SHOT] NA NAMAN, SUHO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon