Nagsisisi ako kung bakit hindi ko nasabi agad ang mga to. Lahat lahat, sa buong tatlong taon na nagsama tayo, kahit last year lang tayo naging close.
Ngayon ko lang masasabi ang totoo.
--
Lahat ng sinasabi ko sa kanya totoo. Alam niyo ba yon?
Alam niya ba yon?
[ Flashback ]
"Ang alat ng asukal, at matamis ang asin"
Yun yung una ko na nasabi sa kanya. Nakakatawa no? Hindi ko naman sinasadya na sabihin yun sa kanya... Nangyari lang na nadaanan niya ako sa lunch table ko, tapos bigla nalang siya tumawa at umupo sa tabi ko. Medyo nakakahiya -_________-
"Paano mo naman nasabi yon?" sabi niya
"Wala lang, totoo naman diba?" sagot ko at sumimangot.
"Hahaha!! Ang weird mo pala talaga, Nadine" sabi niya.
Sorry kung weird , pero di mo naman kelangan maging straight forward -______-
Bakit nga ba nandito ang nilalang na 'to? Lahat ng mga babae, mas sumama ang tingin sakin oh.
"Bakit ka ba dito umupo?" medyo dinagdagan ko ng galit yung tono, para kunwari naiinis.
"Bawal ka ba samahan kapag nakain?" tanong niya habang nakangiti.
Ang gwapo talaga ni Aaron. Madami ang nakakacrush sa kanya, pero tingnan mo, nandito siya sa harap ko. Nakakapanibago, lagi niya lang kasi kasama ang tropa niya eh. Parang may galit pa nga 'to sa mga kababaihan.
Baka nagtaka kayo kung bakit siya nandito sa harap ko, kung inis nga siya sa mga babae? Alam ko naman kung bakit eh. Ako kasi ang weirdo sa klase, si Nadine. Tinatawag akong 'tomboy' dahil hindi daw ako mahinhin kumilos, baka nga mapagkamalan ako kung hindi lang sa mukha ko na 'to.
"Bawal, lalo na kapag ikaw" sabi ko sa kanya "Ayoko magsimula ng gulo sa mga babaeng yan" sabay turo sa likod.
"Ayun lang ba?" nawala bigla yung ngiti niya "Edi pabayaan mo sila"
"Hindi lang yon" sure ka ba sa sasabihin mo Nadine?? "Ayoko rin sayo"
"Hala, hindi ako naniniwala sayo" nagpose siya at ngumiti ng todo, nakakasilaw! "Ang gwapo gwapo ko oh!"
Pinigilan ko tawa ko. Kaya ko 'to! konting tiis Nadine! for the sake of his reputation.
"Uii, Aaron, Nandyan ka pala" sabi iisang babaeng kaclose ni Aaron, si Janine. Sabagay, ang ganda naman talaga ni Janine, sinong makakatanggi sa kanya? "Ah, Nadine, ginugulo ka ba ng topak na 'to?"
"Saan yung topak?!" sabi ni Aaron kay Janine.
Ayan na, pwede bang dun kayo sa ibang lugar magharutan? Inaamin ko na naiingit ako, syempre, crush mo ba naman since 2nd year. Dapat nga nagpapasalamat ako na kinausap niya ako, kahit hindi babae tingin niya saken.
Nagsigawan lang si Janine at si Aaron. Nakatingin lahat. Makaalis na nga dito, mas tahimik pa dun sa classroom. Walang tao dun tuwing lunch eh.
Pumasok ako sa classroom at umupo sa dulo, malamig dun eh. Nandun yung aircon. Sinuot ko yung earphones ko at natulog. Mahaba-haba yung lunch time namin, halos mag dalawang oras nga. Tsk. Naalala ko si Janine at si Aaron, magkasama.
Naramdaman ko na may tumabi saakin, pero di ko na pinansin. Baka madamay pa siya eh.
Tsk. Badtrip naman.
Biglang hinugot yung isang earphone ko, kaya humarap ako sa katabi ko. Yung ulo ko nakahiga parin sa kamay ko. O___O
Sheeeet!
BINABASA MO ANG
Short Stories
RomanceCompilations of Tagalog One Shots. "Everything happens for a reason" The Liar | The Model | The Photographer | An Overtime | An Ancounter