Minsan, hinihiling ko na may cancer ako. Yung cancer na nakakapatay. Kasi kapag may cancer ako, maraming maaawa sakin at hindi nila ako pipigilan sa gusto ko.
Ano gusto ko?
Gusto ko na hindi nakasulat sa papel ang buhay ko.
"Astrid, ikaw ha. Kailangan maging matalino ka, kahit diyan saan ka na mag-college basta sa UP ang masteral mo sa law." sabi ni mama.
Alam ko.
"Dapat lang, kasi kapag malaki ka na, ikaw ang magiging lawyer ng corporation na 'to. Tutulungan mo ang ate mo sa take-over"
Alam ko.
Gusto ko ako yung pipili ng gagawin ko sa buhay ko. Gusto ko na hindi ako binabawalan sa hindi naman bawal, hindi naman yung alak at drugs, as in ang pag-gala lang. Gusto ko... marinig ang mga gusto ko.
Pero sayang kasi alam kong manghihinayang ang magulang ko sa pera. Madaming babayaran kapag na-hospital ka ng may cancer. Mas gugustuhin pa nilang i-gastos yun sa importante.
Saka alam ko na rin naman na ginagawa nila yon, hindi lang para sa kanila, kundi para sakin din... Nakarinig ako ng malakas na busina at nangitim lahat.
"Astrid! Astrid!! Bumaba ka dito!" sigaw ni mama "Sa kusina!"
Nagbuntong-hininga ako. Anong panaginip yon? Nakahiga ako at napansin ko na katabi ko ang notbook ko na nakabukas kaya sinara ang EN ko. Express Notebook. Ang lalim kasi kapag sinabi kong diary, saka hindi naman ako nagsusulat everyday.
Bumaba ako at dumiretso sa kusina, pagdating ko binuksan ko ang ref at kumuha ako ng yogurt.
"Bakit ma?" Tanong ko habang sinusubo ang strawberry yogurt.
"Eto, kailangan ko yan mamayang gabi para sa party" binigyan ako ni mama ng listahan ng pagkain "Bilhin mo yan lahat"
"Pera?" sabi ko at nilapag ang ubos na yogurt at kinuha ang listahan.
"Eto oh" binigyan ako ng 5000, maramirami to eh.
"Akin na lang yung sukli?" tanong ko. Nag-pout ako kay mama "Dali na ma, bibili ako ng damit para mamaya. Please? Please ma? Maaaaa..?"
Tumawa si mama "Oh siya, sige kung meron man. Panigurado" Dinagdagan ng 500 ni mama ang 5k.
Niyakap ko si mama "Yes! Salamat ma!"
Hindi na ako nagbihis at diretso nang lumabas ng bahay, sobrang lapit ng mall saamin kaya pwede ko siyang lakarin lang. Naka shorts ako at plain na white shirt saka rubber shoes.
Kinuha ko phone ko 'Guys, nasa SM ako. Napag-utusan, sama kayo -_-' sinend ko sa tropa.
Agad naman akong naka recieve ng mga reply. Adik sa phone tong mga tropa ko eh.
'Sorry Astrid, nasa Tagaytay kami ngayon'
'Aw, malas mamaya pa akong hapon pupunta dyan'
'Astrid! Saan ka? Kakalabas ko lang eh... saklap >___<'
'Bawal ako eh, next time nalang ^^'
"Geez guys, I feel the love" tawa ko at nireplayan sila lahat. Pumasok ako sa mall at binili lahat ng nasa listahan sa supermarket.
May 1.5k pa ako, ang dami ko pang bubuhatin, mabigat pa. Malaaaas!
Iniwan ko muna yung 4 na plastic ng grocery at nag-shopping. Lumipas ang isang oras, nakabili ako ng damit. Mamayang gabi kasi, dadating ang family ng kaibigan ni papa, formal dinner ang magaganap.
BINABASA MO ANG
Short Stories
RomanceCompilations of Tagalog One Shots. "Everything happens for a reason" The Liar | The Model | The Photographer | An Overtime | An Ancounter