Ako nga pala si Ethan. At siya si Claire, ang babaeng minamahal ko (at future wife ko). Baka magtaka kayo kung bakit mahal na mahal ko 'tong babaeng 'to. Try niyo sabihin saakin na hindi kami bagay, mapupunta kayo sa impyerno. Try niyong sabihin na hindi naman siya babae kumilos, ipapakita ko senyo yung mga soft spots niya. Try niyo sabihin hindi siya maganda...
Well... Okay, sabi mo eh. Saka kasi kapag pinakita ko senyo yung mga stolen shots niya sakin , baka mainlove na din kayo sa babaeng 'to. No I won't share. Because I love her that much :P
I. Our first meeting
"Siya pala si Claire, yung papalit muna kay Mel" sabi ng lalaki at bumulog sa sarili niya ng naiinis"Kasi naman, mas mahalaga pa daw yung date niya"
Nakatayo sa harap ko ngayon, isang babae na brown ang buhok, mahaba siya hanggang sa likod niya at naka braid na medyo magulo. Medyo mapayat pero yung payat na parang mga models sa Runway ng Paris. Hindi siya masyadong maputi pero katamtaman, matangkad at mukhang mataray, at eto pa... walang siyang hinaharap, Flat chested!
Hindi ko siya type. Nope. Mas gusto ko yung mga babaeng malaki ang hinaharap, maputi, maliit.
Pero nung ngumiti ang babaeng yun, binawi ko lahat ng sinabi ko.
"Hi! Ako si Claire, pero alam mo na talaga yun kasi kakasabi lang sayo ni..." sabi niya at pinalapit ako kasi may ibubulong siya "Mr. I'm-old-but-classy-and-it-makes-me-look-rich-and-powerful."
Tumawa ako, kahit hindi ko siya type, I feel attracted to her somehow, and she seems familiar. Pagkatapos ng shooting, tinabi ko agad yung camera ko at hinanap si Claire, pero wala na siya.
II. Junior year
"...Claire, raise your hand" sabi ng teacher, tumingin naman ako sa babaeng nakatingin sa labas ng bintana. Ba't hindi siya humarap? At teka.... Claire??
Lumapit ako sa kanya at nilapit mukha ko, hindi ko kasi siya makita ng maayos "Claire? as in yung kahapon??"
Humarap siya sakin, pero tumingin ulit sa labas. Haha, ang cute niya, kahit may mas maganda pa dun sa likod.
"Ikaw nga! Hindi ko nabigay to sayo kahapon, umalis ka agad eh" kinuha ko yung envelope sa bag ko at binigay ko sa kanya "Ang ganda ng pictures mo kahapon"
Kinuha niya naman ng mabilis "Thanks, uhm.. pretend na ngayon lang tayo nagmeet?"
Huh? Bakit?
"Basta" sagot niya, ahahaha, nasabi ko ba yun ng malakas?
"Bakit nga? Uy, bakit? bakit? bakit? bakit?" nakakahiya ba akong kasama? May ginawa ba ako sa kanya na ikagagalit niya?
"Bakit ngaaa?" hinila ko yung buhok niya, nakakatempt kasi ang haba eh "Huy! Bakit?"
Hindi niya ako pinansan ng saglit, tapos biglang sabi niya "Basta nga eh! Dun ka nga!"
Galit ata sakin :T
III. The Necktie Incident
"Pare, si Claire oh!" turo ni Gio sa likod ko. Tinatawag niya ako papunta sa kanya, kaya pinass ko yung basketball sa kanya. Pinuntahan ko naman siya, buti na nga lang hindi pa kami nagsisimula maglaro, kaya hindi pa ako pawis ^____________^
Nagulat naman ako nung biglang hinila niya yung necktie ko palapit sa kanya. Super close yung distance namin ngayon, na naamoy ko yung shampoo niya. Grabe ko no? Pati yun naamoy, ganun kami kaclose
"Ano?" sabi ko at napatingin naman ako sa labi niya. Wutt! Ang pervert ko naman masyado, nasobrahan na ako sa mga romance movies, yun kasi yung mga tinitake ko eh. Hahaha, peace?
BINABASA MO ANG
Short Stories
RomanceCompilations of Tagalog One Shots. "Everything happens for a reason" The Liar | The Model | The Photographer | An Overtime | An Ancounter