A Model

87 1 0
                                    

Mahirap pag pinapalibutan ka ng mga magagandang tao, malamang hindi ka mapapansin ng iba. Mas mahirap kung panget ka at pinapalibutan ka ng mga magagandang tao, parang hangin ka lang. Eto pa, Pano kung panget ka at may sumusunod sayo na pinakagwapong lalaki sa campus at kinukulit ka all the time?

Edi parehas pala tayo ng niraranasan. Ako si Claire at siya si Ethan. Total opposites kami. Popular siya, maputi, gwapo at crush ng mga babae sa school. Ako naman yung normal lang, yung may mga times na maganda pero mostly panget o normal.

Hindi ko nga alam kung bakit napalapit saken ang lalakin yun, kung bakit all of a sudden, kinukulit niya ako. At kung bakit nafall ako sa kanya.

Siguro nagsimula yun nung Juniors pa kami...



[Junior year]

"Dali naaa! Please???" ulit ng classmate ko. Ba't niya ba ako kinakausap? Kilala niya ba ako? Tekaaa... kilala ko ba siya? Siya yung type na babae na lumilingon lang sa isang katulad ko pag may kelangan.

"Bakit?" yan naman ang tanong ko... ulit, syempre medyo ngiti pa na parang naiinis at pilit, para parang halata na naiinis ako.

Sana mapansin mo!

"Eto nga oh, kelangan ko kasi ng tao na makakapunta sa studio na to!" pinakita niya sakin yung papel, sobrang lapit sa mukha ko.

"Ba't nga kasi ako?" wow, ang ganda naman, kitang kita ko. Kinuha ko yung papel at nilayo sa mukha ko para mabasa ko ng maayos

"Basta nga! Pasalamat ka nga lang na makakapunta ka sa studio eh!" sabi niya ng mataray "Kasi naman, may date pala kami boyfie ko, pero may shooting din pala"

Hah, ganyan pala kapag desperado ang isang babae. Di ko na siya sinagot.

"Ugh, babayaran kita!" sabi niya

Ngumiti ako, yun naman pala eh  "Deal! Ano ba gagawin ko?"

Binigay niya saaking yung pera, oh ha, may pangbili na ako ng desserts "Explain mo lang naman kung bakit hindi ako makakapunta"

"Yun lang pala eh, sige, una na ako ha?"

Syempre, kahit hindi ko siya kilala, basta may kapalit, game ako. Hindi naman ako mukhang pera ah! kahit hindi pera ang ibigay niya papayag parin ako. Materialistic daw ako, hindi naman. More like productive?

Nakarating ako sa studio within 15 minutes, hindi naman pala ganon ka layo. Pumasok ako at pumunta sa office na sinabi saakin ng classmate ko. Kumatok ako, pinapasok at pumasok.

"Huh? Nasan si Mel?" tanong ng lalaki. Whoa, parang ang classy ng lalaki na to, mukhang mayaman ata xD

"Ah, si classmate ba?" Mel pala pangalan nun "Sabi niya na sabihin ko daw sayo na; sorry, sorry, sorry, busy pala ako ngayon, bukas nalang tayo mag shoot ha? haha, salamat!"

Sinabi ko yun with feelings and matching bows and pleading. Yun ginawa ni 'Mel' eh, ginaya ko lang.

"What?! This is an outrage!" outrage agad? "Nandito pa naman ang bagong photograper!"

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pintuan. Ang daldal niya eh, sure ako na hindi niya naman mapapansin na paalis na ako.

"Stop!"

I stand corrected -____-"

Lumingon ako at ngumiti "Sige po, aalis na ako"

"Hindi pwede, take her place muna" tumayo siya at inikutikutan ako "Yeah... You'll do, Jessica, Halika dito!"

Pumasok ang isang babae na maganda "Sir?"

"Pagandahin niyo siya, she'll be a temporary replacement for Mel" sabi ni Mr. I'm-old-but-classy-and-it-makes-me-look-rich-and-powerful.

That being said, Pinaganda ako, naging model for 2 hours at bumalik sa normal ang life ko.

Pero the next day, pag pasok ko sa school...

"Nakita mo na ba yung new student?" sabi ng friend ko na si amber.

"Ewan, siguro, don't care" sabi ko at kinain yung chocolate na nabili ko kahapon.

"Gwapo siya! Photographer daw yun eh, may hawak kasi na camera lagi" daldal parin ni Amber.

"Ambs, gusto mo?" inabot niya yung chocolate at kinain.

Tip for survival sa mga kakilala ni Amber; to make her stop talking, feed her.

 "Okay everyone, take your sit" sabi ng teacher, umupo ako. Ay teka...


kanina pa pala ako nakaupo xD



"May new student tayo" sabi niya "Actually, hindi talaga siya new student, matagal na siya enrolled pero ngayon lang siya nakapasok sa school. Galing abroad siya, Come in, Ethan."

Huh, ba't parang familiar siya?

"Ethan, 18 years old, photographer" sabi niya.

Ah! -insert light bulb sound effect- Siya yung photographer ko kahapon! Ang bata niya pa pala, 1 year apart lang pala age namin. Hmm, gwapo nga.

"I-occupy mo nalang yung sit sa likod ni Claire, Claire, taas mo kamay mo"

Tinaas ko kamay ko, at tumingin lang sa labas ng bintana. Hep hep, teka nga, bakit naman ako hindi haharap sa kanya? Impossible naman na makikilala niya ako no, maganda ako kahapon kasi nakaayos.

Tumigil siya sa harap ko at umupo sa tabi ko. Nilapit niya naman mukha niya saakin.

Excuse me? Personal space ko na to oh! Dun ka nga sa mga gwapo't maganda, shoo, shoo!

"Claire? As in yung kahapon?" sabi niya bigla. Humarap ako sa kanya, pero tumingin ulit sa bintana. Pano ba naman, ang lapit ng mukha niya. Di na nahiya eh no?

"Ikaw nga! Hindi ko nabigay to sayo kahapon, umalis ka agad eh" may kinuha siya sa bag niya na envelope "Ang ganda ng pictures mo kahapon"

Kinuha ko agad yung envelope ng hindi binubuksan, at tinago agad sa bag ko "Thanks, uh, pretend na ngayon lang tayo nagmeet"

"Huh? Bakit?" sabi niya

"Basta" sagot ko

"Bakit nga? Uy, bakit? bakit? bakit? bakit?"

Ignore him, kaya mo yan!

"Bakit ngaaa?" hinila niya ng mahina yung buhok ko "Huy! Bakit?"

"Basta nga eh!" sagot ko "Dun ka oh!"

Tinuro ko yung tambayan nila Mel, malapit sa aircon. Ang lamig lamig na tapos tatambay pa sila dyan.

Tumahimik na lang siya, pero pinaglalaruan parin yung buhok ko. Magpapagupit na kaya ako?

Whatever, atleast tumahimik na siya.

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon