I Hate You (One Shot)

104 2 4
                                    

Inis ko na tinignan si Renz na papalapit nanaman sa akin. Hindi ba 'sya napapagod? Araw-araw nalang talaga?

"Ang taba mo talaga, Shar!", bati ni Renz sabay kurot ng bilbil ko.

Yung totoo? Ganito siya kabored sa buhay niya?

"Aray! Renz, ano ba?! Tigil tigilan mo nga ako. Babyfats lang 'to! Kainis 'to."

Tumawa ng malakas si Renz habang nakahawak pa ang kamay sa tiyan nya. Ah? Anong nakakatawa sa sinabi ko? O sadyang masaya lang talaga syang naaasar ako sa kanya.

"Ahh, ganon pala. So, tatanda pa 'yang fats mo? From baby fats to adult fats?", pagbibiro nya.

"Renz, ang mature ha!", sabi ko sabay irap sa kanya.

Lakas makatito jokes ni Renz. Ano ba 'yan. Mabilis akong naglalakad pabalik sa classroom kasi baka--

"Sharmaine Dela Vega!", ayan na nga ba sinasabi ko. Mas binilisan ko pa ang lakad ko. Pero dahil malaki biyas nya kaya't naabutan pa rin nya ako.

"Renz Mendez, wala akong panahon ngayon sa mga pang-aasar mo ha! Not today, maghanap ka nalang ng iba. Magsawa ka naman, lagi nalang ako." inis ko'ng nilagpasan si Renz

"Gusto kasi kita.." hindi ko ba alam bulong ba 'yon o ano e. Napatigil tuloy ako sa paglalakad. Humarap uli ako sa kanya.

"A-anong sabi mo?", nauutal ko'ng tanong sa kanya.

"Wala.", malungkot na sabi niya.

"Eh, may narinig ako e! Ano nga 'yon?" haaay mukha naman akong fishing ng information dito.

Marahan niyang binalik uli ang tingin sa akin. Sabay ngiti ng nakakainis. Argh! Renz, i hate you, i hate you, i-hate-you!

"Gusto-kitang... inaasar kasi ang pikon mo!" dahan dahan niyang sabi at tumawa nanaman siya ng malakas.

Padabog akong bumalik papuntang classroom namin na paniguradong lukot ang mukha. Hay, Renz. Akala ko naman kung ano na kasi. Aasa na ako e.

"Hoy, Shar! Ba't nakabusangot ka?" tanong ni Mica sakin

"Si Renz kasi" sabi ko na parang nagsusumbong na bata.

Nagmake-face lang si Mica. Alam naman niya na lagi akong inaasar nitong ni Renz. 

Si Mica ang naging buddy ko ngayong college, housemate na rin since we're living in the same condo. She knows all about me and of course "the annoying" Renz. Si Mica lang ang napaglalabasan ko ng frustrations ko sa kamature-an ni Renz na asarin ako halos araw-araw. Seryoso, hindi ba siya napapagod? 

"Huy, earth to Shar!" Mica, sabay pitik ng mga daliri nya sa harapan ng mukha ko. Napatingi ako sa kanya na para bang tinatanong siya ng mga mata ko kung anong meron.

"Luh, si Shar. Lalim iniisip mo nyan girl? Renz ba yan? Char!"

"Dismiss na?" tanong ko nang makita kong nagsisilabasan na ang aming mga kaklase.

"Ahuh! Early dismiss kasi nagpatawag daw ng emergency meeting si dean sa mga profs."

"Tara, uwi na tayo. Padeliver nalang tayo dinner later, Mica."

"Pagod na pagod ate girl? Ok sige. Marami rin naman tayong kailangang tapusin na paper ngayon. Bwisit na minors na pamajor." galit na galit, gusto manakit? Nginitian ko nalang si Mica at naglakad lang kami pauwi ng condo. Hindi naman sya ganon kalapit, hindi rin naman ganon kalayo.  

Ibinagsak ko ang bag ko sa sahig kasabay ng pagbagsak ng katawan ko sa sofa.

"Ate girl, yung totoo? Dami iniisip? Deep thinking?" tanong sakin ni Mica. 

I Hate You (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon