Pagkababa palang niya ng sasakyan ay sinalubong agad siya ng kaibigang si Hanna.
"My God! Rhoda ano itong narinig ko na break na kayo ni Jack kahapon? Bakit na naman?" Hindi makapaniwalang sabi nito. Naglalakad sila sa hallway ng tumigil si Rhoda at tumingin sa kaibigan.
"You know my rules Hanna. Walang promises. Walang paasa." Walang ganang sagot niya at nagpatuloy sa paglalakad.
"Naman... Rhoda! Its been 12 years besh! Mag move on kana." Mahinang saad nito marami kasing tao sa paligid. Natigilan si Rhoda sa sinabi ng kaibigan at kunot-noong hinarap ito.
"At sinong may sabi sayong hindi pa ako naka move on. Hanna ikaw ng may sabing matagal na yun its been 12 years! I ALREADY MOVED ON." mahina pero matigas na saad niya dito.
"If you say so beshy. Uy si Bryce oh!" saad pa nito at tinuro ang entrance gate.
Inirapan niya lang ito at nagpatuloy sa paglalakad. "Pang nine milyon munang sinabi yan. Hindi muna ako maloloko!" saad niya pa.
Natawa nalang ang kaibigan nito at mabilis na naglakad para sundan siya.
Alam nang kaibigan niyang si Hanna ang storya ng buhay niya.
Na minsan, naghintay siya sa isang pangako, pinaasa. nagmukhang tanga. Okay na yun! So simula ng ma realize niya ang totoo ayaw na niyang maranasan ulit yun- ang umiyak ng umiyak, maghintay sa isang taong walang kasiguraduhang darating, sabi parating tatawag pero simula noong umalis ito'y isang tawag lang ang natanggap niya. Sinungaling!
Ting!
Biglang bumalik ang diwa niya sa pagtunog ng bell. Hudyat na tapos na ang klase. Palabas na sila ng classroom ng may narinig silang nagsisigawan sa baba-- pero wala siyang pakialam kung ano yun.
"Rhoda!!!!" sigawan ng mga schoolmates niya.
"Oh?" pagtatakang tanong niya dito para kasi itong galing sa karera sa paghahabol ng hininga.
"Bakit anong meron na naman?" excited na tanong ni Hanna sa mga ito.
"Tingnan mo sa school lobby.... may surprise sayo si Jack!" saad noong isa.
"Grabe nakakakilig talaga!" puno pa noong isa.
"Tsk. Haay! Huwag nalang tayong dumaan doon Hanna, sa Fire exit nalang tayo!" naiiritang saad niya at hinila ang kaibigan na hindi manlang naka pagsalita.
"Rhoda!"
Biglang may sumigaw sa likod niya. Alam na niya kung sino ito kahit hindi na harapin. "Ano?" walang emosyong saad niya dito. Biglang tumahimik ang lahat at nakikinig sa dalawa. Nagkukumpulan ang mga estudyante sa campus pinapagitnaan sila. Sino ba naman ang hindi maiintriga si Jack Montecillo lang naman ito pinaka-sikat sa school campus nila sa galing nito sa Basketball ay naging MVP at model pa na ngayon ay may hawak ng isang malaking bouquet na red roses tapos may kasamahan pa itong may dalang streamer na ay nakasulat ay 'Sorry na babe'
Simpleng nakatayo lang si Rhoda na naghihintay sa sasabihin nito. "Ano???" ulit niya.]
"C-can we talk? In private please?" malukot na saad ng lalaki.
"Jack we already closed this matter last night. We both agree to this. You know my rules. Can you please leave me alone." madiing saad niya dito at mabilis na tumalikod at umalis.
"Rhoda wait!" saad ng kaibigan niya at sumunod narin kay Rhoda.
Sanay na si Rhoda sa ganyang scenario, ilan na ba ang naging boyfriend niya simula noong fourth year highschool siya, 18? No maybe 24? basta marami na. Bakit?
Well, si Rhoda lang naman ang babaeng sabihin na nating nasakanya na lahat maliban sa isa--- puso. Mukhang hindi na siya natatablan ng love na love na yan. Ayaw niya ng seryosong relationship. Ayaw niya ng lalaking pinapangakuan siya na kung ano-anong kasinungalingan. Kung hindi ito susunod sa rules niya. Eh 'di good bye! Next please na ulit. Just simple as that.
----
BINABASA MO ANG
No Boyfriend Since Break
ChickLitShe's Rhoda Torrentira the famous girl in the Campus. Why?! Well... Halos lahat na yata ng super hot! Sikat! Mayaman at Gwapo sa Campus nila ay naging boyfriend na niya! And take note of this: Hindi siya nauubusan ng boyfriend pag nag break sila ng...