KillList 19 - Saved

105 3 0
                                    

19. Saved

*JR's POV*

Nasa mall kami ngayon dahil nagkayayaan na manood ng Insidious 2.

It has been 3 months since the last killing happened.

Nakarecover naman kami.

"Oh, ano na.. magstastart na yung movie. Pasok na tayo." yaya ko.

"Tara, tara."

Pumasok na kami sa sinehan na may dala dalang mga popcorn at drinks.

"Tae, dapat talaga di na ako sumama. Alam niyo namang takot ako sa horror movies eh!" sabi ni Bruce.

Napatawa na lang kami.

"Medyo matagal." Chansie

"Ano? Pa-importante? Di dahil nandito ka na eh bigla na lang yang magsimula. Maghintay ka, wag kang reklamadora." Shi-Yuun.

At ngayon, lagi na lang cat fight sila Chansie at Shi-Yuun.

Ngayon ko nga lang nakita ang side ni Shi-Yuun na ganyan eh.

"Tama na nga, girls. Lagi na lang kayong ganyan. Kaunti na nga lang tayong natira, mag-aaway away pa." Ran

"She started it!" Chansie

"Tss.." Shi-Yuun

"Oh wag na tayong maingay simula na!" Nooj

Wala pang kalahati eh may nararamdaman na ako.

Takte, tinatawag ako ng kalikasan.

Tumayo na ako.

"Oh san punta mo? Ano natakot?" Asar ni Nooj

"Tss.. hindi. Mother earth is calling my name."

Lumabas na ako at pumasok sa cr.

Kumuha na muna ako ng tissue at pumasok na ako sa isang cubicle.

While doing it, nagwhiwhistle whistle pa ako. Natatakot ako eh! Mag isa lang ako dito sa CR.

Narinig ko na biglang bumukas yung pinto.

"Who's there?" tanong ko. Ginaya ko pa ung accent nung Riley sa Twilight Eclipse haha.

Kahit matalino ako at tahimik, may pagka joker rin ako.

Biglang namatay yung ilaw.

Shet.

"Mga brad.. wag naman manakot." sabi ko.

Walang nasagot.

Takte, kinakabahan ako.

"Anabelle, ikaw ba yan?" Oo, I'm calming myself. Tinatakot ko sarili ko. Last month kasi, nanood kami ng The Conjuring. Di ako nakatulog ng ayos ng isang linggo.

Nakarinig ako ng tawa.

"Pre! HAHAHA. Ako to!"

Putek! Si Jake lang pala!

Dali dali akong natapos sa mother nature calling experience.

Lumabas ako at tumambad sa akin si Jake.

May hawak siyang kutsilyo at nakangiti ng pang demonyo.

Di ako nagalaw.

"Jake.. ikaw ang killer?" di makapaniwalang tanong ko.

"Oo, ako nga. Hahaha." Tumayo siya at ini-ayos ang kaniyang kutsilyo.

Akmang sasaksakin niya ako ng nagring ang cellphone niya.

Nadistract siya dahil don kaya't dali dali akong tumakbo palabas ng CR.

And from that moment there, I swear. I was saved.

Di muna ako pumasok sa sinehan.

Pumunta ka agad ako sa gwardya.

"Manong guard! Manong guard! Y-yung kasama ko! Pumapatay! Muntikan niya na akong mapatay!"

Napatawa si Manong.

Anong nakakatawa?

"Hahaha. Yan na ba ang epekto ng Insidious 2? Hay nako!" napatawa si manong guard at napakamot ng ulo.

"Sir, believe me please. You've Got To Believe in magic! Este in me!"

"Hay nako! Na sobrahan ka siguro sa kaka-aral ano."

Ha? Ay naka glasses nga pala ako ngayon.

"Aiishh!"

Napasabunot na lang ako.

Hala, ang Celandine! Baka mapatay ni Jake!

Dali dali akong pumasok sa sinehan.

"Oh bat nagmamadali ka? Atat lang?" Bruce

"Takte guys! Kilala ko na kung sino ang killer!!"

"Sino?"

Napatigil ako.

Si Jake yung nagtanong.

Baka mapahamak ang buhay ko neto.

Sh-t. Sh-t. Sh-t.

Nagsmirk siya sa akin at parang tinatakot ako.

"H-ha? Ah eh yung multo! Hahaha. Killer yun ah! He-he-he.." napa-upo na lang ako sa pagitan nila Nooj at Bruce.

Mamamatay na ako.

Siguro hindi ngayon, pero malapit na.

Ngayo't muntikan na akong mamatay kung wala lang tumawag kay Jake eh baka nalulunod na ako sa sarili kong dugo.

*Jake's POV*

AYON NA EH! Mapapatay ko na siya kung hindi lang tumawag si Princess! Ugh.

Buti na lang at hindi pansin ng Celandine na lumabas ako dahil dulong dulo ako nakaupo dahil planado na talaga na kung sino ang lalabas, siya ang papatayin ko.

Naunahan ko nga si JR eh. Buti na lang.

Nagsumbong pa siya sa manong guard.

Di naman siya pinaniwalaan haha.

Maswerte siguro ngayon si JR.

Pero sa susunod, mapapatay ko na siya.

--/

YEY! Update! Harhar :P

May styles na sa mobile :D (bold and italic)

DomoKittyChopper's KillList (On-Going) KATHNIEL FFWhere stories live. Discover now