Simula

10.9K 281 2
                                    

Simula

Tahimik na naglalakad sa dalampasigan si Thiana. Bilog ang buwan, malamig ang simoy ng hangin at napaka ganda ng tanawing kanyang nakikita.

Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa malawak na karagatan. Mula sa kinatatayuan niya ay natatanaw niya ang repleksyon ng bilog na buwan sa dagat.

Ang buwan na iyon ay nagpapaalala sa kanya ng nakaraan. Nakaraan niyang pilit niyang tinatanggap. Kahit kasi anong gawin niya, ang nakaraan niya ay di na magbabago pa. Hindi na maibabalik ang isa sa mga taong pinakamamahal niya.

Kagaya ng buwan ngayon, bilog din ang buwan ng bawian ito ng buhay. Gustong gusto rin nito ang buwan kaya kahit anong pilit niyang kamuhian ang buwan na nagpapaalala ng masasakit na alaalang iyon, ay hindi niya maiwasan palagi itong pagmasdan sa gabi.

Muling namumbalik ang mga alaala sa kanyang utak. Naiiyak siya. Nalulungkot siya. Tila ba wala ng katapusan ang sakit na iyon. Tila ba kahit ilang taon pa ang lumipas ay hindi iyon mababawasan.

Kasalanan niya ang pagkamatay ng taong yun. Kung sana naging malakas lang siya. Kung sana ay iningatan niya ito, sana ay nandito pa ito. Sobra siyang nag sisisi sa sinapit nito.

"Hanggang sa muli nating pagkikita. Mahal na mahal kita ..."

Every Single Bite (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon