Chapter 1- Cupid- I Mean Stupid Cockroach

17 3 0
                                    

CHAPTER 1- Cupid - I Mean Stupid Cockroach

When Cupid turns into a cockroach and ruin your freaking life - Is that even possible?

May magsisimula kayang love story dahil sa ipis?

CATHRYN CERVANTES

"Ipis!" halos manlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang salitang yun.

Pasimple akong tumingin sa paligid ko para icheck kung may ipis o wala.

Agad ko ding binalik ang tingin ko sa libro ng wala naman akong makita.

"Ipis!" for the second time ay may sumigaw na naman.

Inulit ko na naman yung ginawa ko kanina at napabuntong hininga.

May ipis ba o wala? Kinakabahan kasi ako eh.

"Ipis!" pangatlong sigaw.

"Ipis!", pang apat.

"Ipis!", panglima.

"Ipis!" anim.

"Ipis!"pito.

"Ipis!" walo.

"Ipis!" pangsiyam.


"Miss na nagbabasa ng dictionary may IPIS SA ULO MO!"

O_o

"Ahh!!! Tanggalin mo! Tanggalin mo!" sigaw ko sa kung sino man yung nakakita ng ipis sa ulo ko.

Hindi siya kumibo.

"Tanggalin mo! Wahh!!! Please na! Tanggalin mo!"

Naramdaman ko yung paglapit ng taong yun sa akin.

"Tanggalin mo na! What are you waiting for? L-love m-e l-ike y-ou do - este tanggalin mo na yung ipis!!!!" sigaw ko. Cathryn, nagawa mo pang kumanta?

"Eh- miss k-kasi-"

"Diretsuhin mo nga ako!"

"M-miss t-ta -"

"Ano na?!! "

"Miss takot ako sa... ipis", bigla akong natigilan sa sinabi niya.

Takot siya sa ipis.

Takot siya sa ipis...

Sa Ipis.

"Wahhh!!! Eh paano mo tatanggalin sa ulo ko yung ipis kung takot ka naman pala?!!!! " napatayo ako sa pagkakaupo sa ilalim ng puno at pinalo palo sa dibdib yung lalaki. Ewan ko ba, engot kasi eh.

VINCE VILLANUEVA

"Wahhh!!! Eh paano mo tatanggalin sa ulo ko yung ipis kung takot ka naman pala?!!!! " sigaw nung babae tsaka ako pinagpapalo sa dibdib.

"Oy m-miss! Di ko alam! Mag headbang ka nalang b-baka matanggal y-yan", ano bang pinagsasabi mo Vince?

"Walangya ka! Tanggalin mo na kasi!!!!! Wah!! Please!!!", naawa talaga ako sa nilalang na ito, dinapuan ba naman ng ipis sa ulo.

"Eh Miss, m-agpagupit ka nalang m-atatanggal y-an!"

The fuck.

"Gago! Ewan ko sayo Mister!!! Makaalis na nga lang! " naiiyak niyang sabi kaya naawa naman ako.

Tatalikod na sana siya pero -

"Miss!"

Lumingon siya sa direksyon ko, "Ano?!"

Hindi ako sumagot at nilapitan siya. Nanginginig kong tinanggal yung ipis sa ulo niya.

And....

Nawalan ako ng malay.

CATHRYN

Matapos akong pinagmukhang tanga nung lalaking yun ay nag walk out na ako. Buwisit!

"Miss!" lumingon ako sa kanya nung tawagin niya ako.

"Ano?!"

Hindi siya sumagot at lumapit sa akin.

Tapos inalis niya yung ipis sa ulo ko kaya nakahinga ako ng maluwag.

I was about to say THANK YOU ng nawalan siya ng malay.

Author's Note

Alam ko pong super duper na napaka iksi ng first chapter ng story ko, kasi parang part din yan ng prologue.

Pero promise po, babawi ako sa next chapter.

I hope you enjoyed! 😀

Your sweet nightmare,

Blue_gurl09

Cupid, Please DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon