Chapter 2- Exotic Love Story Starts

10 2 0
                                    

Chapter 2- Exotic Love Story Starts

Cupid is not what you think- he can play at you and start an EXOTIC love story.

Yung hindi mo inaasahang nagkaroon ka ng crush sa taong iyon.

***

CATHRYN CERVANTES

Hindi ako maka concentrate sa klase, pano ba naman kasi? Nawalan ng malay yung lalaki kaninang tinanggal niya yung ipis sa ulo ko. Naawa siguro, nagmukha tuloy na ako ang may kasalanan. Hay! Nakakakonsensya talaga! Buwisit naman kasi yung ipis na yun! From now on di na lang ako takot sa ipis, galit pa ako sa ipis! (>_<)

"Nabalitaan mo na ba yung transferee na sinugod sa clinic kanina? Anak ng tofu! Ang pogi! Magaling daw yun sumayaw at kasection na'tin!"

"Talaga? Eh bakit daw dinala sa clinic?"

"Ewan ko ba, basta excited na ako sa pagpunta niya  dito".

Hay! Natapos lang ang klase nagchichismisan na! Grabe naman tong buhay na to. T-teka - a-ano d-aw? Transferee na sinugod sa clinic? Kaklase namin?

Di kaya...

Siya yung lalaki kanina? Pero pogi nga ba yun? Pogi naman, sadyang inatake lang siguro ako ng pagkabuwisit dahil dun sa ipis kaya pumanget siya sa paningin ko. Pero, siya nga ba yun?

"Vincent Villanueva daw ang pangalan te! Ang pogi talaga niya! I wanna be his bebe -"

Whatever sabi ko nalang sa isip ko tsaka pinaglaruan yung ballpen.

"Bro! Sa wakas gising ka na din! Nanaginip ka ba? Di ka namamansin eh!" sinundot sundot ni Zack yung tagiliran ko habang sumisigaw. Nakalimutan ko tuloy na katabi ko pala ang best best best very bestfriend kong si Zack Chua. Guwapo, matalino, ang almost perfect kong buddy. At oo nga pala, bro ang tawagan namin.

"Grabe ka naman! Nananaginip? Baka, mukha kasing bangungot itong katabi ko eh", asar ko habang may malapad na ngiti sa labi.

"At least guwapo parin! Diba classmates? Ang guwapo ko diba?" saka siya pumunta sa harap habang kumikindat.

"Siyempre naman Baby Zack! Omg your so guwapo! Can you be my bebe-"

Sabi ko nga guwapo siya.

Bumalik siya sa tabi ko na may matagumpay na ngiti.
"Hoy! Ba't ganyan yung mukha mo! Nang-aasar ka no?"

"Hindi ah - sadyang guwapo lang ako, according to me, myself, and I and the whole school. Isama mo na si principal at yung mga staff sa cafeteria".

"Malamang OO ang sagot nila! Sa inyo nga itong school diba? Bias ka na nila, sigurado yun!" sagot ko. At tama po kayo ng narinig, sa kanila itong school na ito. SA KANILA, THEY'RE THE OWNER, SILA ANG MAY ARI.

Pero siyempre, di niya yun pinagyayabang.

"Hindi ah! Tsaka di sa amin ang school na ito, sa kanila lang, sa parents ko lang", sabi ko nga, hindi niya yun pinagyayabang.

"Sige na, oo nalang".

"Cath", kumunot yung noo ko ng biglang nagaseryoso si Zack.

"Ano yun?"

"May sasabihin sana ako, Cath gusto-"

*blag*

Nagulat ang lahat ng biglang may pumasok sa room namin at isinara ng malakas yung pinto.

Siya yung - siya si Mister! Siya yung Vincent!

"Omg! Why so cute!?"

"Siya ba yun? Omo! He's guwapo".

Cupid, Please DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon