1:>>

6.8K 147 16
                                    

Goodness! Siguro naman kilala nyo na ako dahil siguradong hindi kayo mapapadpad dito kung hindi nyo pa nababasa ang lahat ng paghihirap ni Elize. Pero sige, magpapakilala pa din ako. Ako si Jared Villaflor, Jed na lang sa mga close sa akin. Gwapo, matalino, mayaman, perpekto. Sabi nila swerte daw kung sino ang pipiliin ko dahil all-in-one package na daw ako. Dun sila nagkamali.

Dahil wala na akong ibang ginawa kung hindi saktan ang babaeng piniling mahalin ng puso ko. Oo, ako yung gago na sumira ng lahat kay Elize, yung gago na nang-iwan sa kanya matapos nyang madamay sa tarantadong pustahan. Ewan ko ba, naduwag ako eh. Ang tanga diba? Ang dahilan ng lahat ng ginawa ko ay dahil lang naduwag ako. Naduwag ako na baka masira yung kinabukasan ko, naduwag ako sa magiging reaksyon ng parents ko, naduwag ako sa sasabihin ng ibang tao, naduwag ako na hindi magampanan ang responsibilidad ng isang magulang. Yun nga lang dahil sa kaduwagan ko hindi ko na naisip ang lahat ng maaring kahaharapin ni Elize. Dahil nung mga panahon na iyon sarili ko lang ang iniisip ko.

Oo, nagsimula ang lahat sa pustahan, sa isang laro. Pero ni sa hinagap hindi pumasok sa isip ko na iyon ang makakapagpabago ng buhay ko. Ginawa ko naman kasi ang lahat para lang sa FUN pero sadyang mapaglaro ang tadhana kung ano pa ang di mo inakala iyon pa ang madalas na nagyayari.

Nung nagdesisyon ako na iwan si Elize nung nalaman ko na buntis sya sa anak ko, hindi ko inakala na kasama din pala doon ang pagtalikod sa buhay na kinagisnan ko. Naging miserable ako, dumating ang punto na ni hindi na ako makabangon dahil puro alak na lang ang laman ng sistema ko, ni hindi ako pumapasok, hindi ako nakikipag-usap sa kahit na sino.

"Anak, ano bang nangyayari sayo?" tanong ni mommy pagpunta nya sa bahay. Akay-akay nya ako papunta sa higaan.

Hindi ako sumagot. Wala akong lakas para magsalita.

Madalang kong nakikita ang mga magulang ko kaya gusto ko na tuwing magkikita kami maipakita ko na worthy ako sa oras nila. Pero sa ngayon wala akong pakealam.

"Have you seen yourself? You look like a total mess." Ibinagsak nya ako sa higaan. "Manang, padala naman po ng maligamgam na tubig at bimpo pati na din po damit ni Jed." sigaw nya sa labas.

Pumasok si manang na dala ang lahat ng hinihingi ni mommy.

"Ano ba talagang nangyayari dito? Bakit nagkaganito si Jed, manang? Iniwan ko sya sa pangangalaga mo. Kampante ako na nasa maayaos na kalagayan ang anak ko tapos ganito lang pala ang madadatnan ko?" galit na tanong ni mommy.

"Naku ma'am, eh hindi ko din po alam."

"Anong hindi mo alam, eh ikaw ang kasama dito sa bahay?" Mataas na ang tono ng pananalita ni mommy.

"Pasensya na po ma'am. Basta ang alam ko lang po ma'am umuwi na lang po isang gabi si sir Jed na lasing na lasing at nagwawala habang isinisigaw ang pangalan na Elize. Simula po nun hindi na po sya naglalabas tapos ayaw na din po nyang kumain at puro alak lang po ang iniinom nya." 

"My goodness Jed! What the hell is happening with you? Just because of a woman you're being like this? This is so stupid."

Ilang araw na nag-stay si mommy sa bahay. Sya ang nag-aasikaso at nag-aalaga sa akin hanggang sa tuluyan ko ng nabawi ang lakas ko. Binalak kong ipagtapatat ang lahat sa kanya pero hindi ko nagawa.

Lumipas pa ang ilang mga araw at nagsimula na si mommy na ipadate ako sa kung sinu-sino. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip nya pero mas lalo lang akong naiinis sa sarili ko. Imbes kasi gumagawa ako ng paraan para masolusyonan ang lahat, nandito ako at nakikipagdate sa kung sinu-sino.

"Mom, why am I supposed to date those girls?" inis kong tanong sa kanya.

"Then, why are you supposed to drunk yourself to death? Huh? Get a life Jed, your life doesn't end with just a girl."

TOP SECRET: J. Villaflor's JournalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon