Chapter 4 - See you

270 5 0
                                    

Someday - Chapter 4 - See you

At ngayong natapos ko na ang problema sa kumpanya agad-agad din akong umuwi sa pinas, gustuhin ko man manatili sa kasal na ito. Pero ako na mismo ang tinutulak ni Mico palayo sakanya. Siguro nga oras na para ibigay ang kalayaan na matagal na niyang gusto.


Mag-gagabi na nang makarating ako dito sa Pinas kaya hindi ko na pinaalam kay Sam balak ko silang supresahin. Dali-dali akong pumunta sa bahay ni Sam 

"Hi Sam!" masigla 'kong bati sakanya. Namiss ko 'tong bruhang to! Ilang buwan kaming hindi nag-kita.

"Jessica!" at yinakap niya ako bigla. Kamusta ka na?"

"Ito okay lang naman. Walang nag-bago. Ikaw? Anything new?"

"Hmmmm? Wala naman. Still beautiful and happy. Nga pala, yang si Xander mo ah! Lagi akong kinukulit kung kailan daw balik mo! Nakakahalata na ako dun ah!"

"Speaking of that guy, lagi nga akong tinatawagan. Ang kulit!" 

"So? Nag kakabutihan na ba kayo?" ngumiti saakin si Sam na para bang nang-aasar.

"Loka! Anong nag-kakabutihan? Alam mong may asawa ako!"

"Tsk! Malapit ka na rin maging single!" sigla ng babaeng to

"Hoy! Hindi pa nga natin kung pipirmahan niya ang annulment papers!"

"Sus! Alam naman natin na yun talaga ang gusto niya!" she rolled her eyes.

Napabuntong hininga si Jessica.

"Ang lalim nun ah! Alam mo best, masaya na ako para sayo! Ngayon pa lang! Makakalaya ka na sa walang kwenta mong asawa. We will soon celebrate!" hinawakan niya ako sa balikat ko at yinakap

"You're right Sam, kaya hindi ko na siya hahayaan saktan pa ako! Let's go to my firm to get the annulments papers then dederetso na agad tayo sa office niya!"

"That's the spirit!" ngumiti ito ng pagkalapad-lapad

Napairap na lamang si Jessica 



Pumunta ako agad sa opisina para kunin sa sekretaryo ko ang papeles at dali-daling pumunta sa opisina ni Mico. 

Halong kaba at galit ang nararamdaman ko ngayon, dirediretso ako patungo sa opisina ni Mico pero ang nakapagpatigil sa'kin ang sekretarya ni Mico, hindi nga pala alam nito na kasal kami ni Mico.

"Attorney bawal po kayong pumasok! Bawal daw po ang istorbo ngayon sabi ni Sir." bigla itong humarang sa harapan ko bago ko tuluyang mahawakan ang door knob.

"Papasukin mo ako!" mariin 'kong sabi dito

"Attorney bawal po talaga, pasensiya na po, sumusunod lang po ako sa utos ni Sir Mico. Ayoko pong mawalan ng trabaho." napayuko naman ito

Napabuntong hininga na lamang ako "I'm sorry, if ever Mico will fire you, here's my business card, feel free to call me anytime." binigay ko sakanya ang buisness card ko, agad-agad niya 'tong tinanggap at bumalik sa kanyang lamesa.

Inayos ko muna ang damit ko ang humugot ng hininga bago ako tuluyan pumasok

"Sh*t!" bigla siyang napabalikwas sa kinauupuan niya. Napairap naman si Jessica

"I'm sorry, did I disturb you guys? Don't worry, hindi ako mag-tatagal sa imperyno mong opisina." puno ng sarcastic ang tono nito. 

Tumayo agad ang babae at tumungo papunta sa kinatatayuan ko. "And who are you? Di ba sinabi ng secretarya ni Mico na bawal pumasok? Hindi ka ba marunong makaintindi?!" sigaw nito sa'kin pero hindi ko ito pinansin dahil lahat ng atensyon ko ay na kay Mico, shock, fear and embarrassment is written all over his face.

"I'm sorry, I didn't mean to be rude. Let me formally introduce myself, I'm Atty. Jessica Cortez Montereal." I said sarcastically emphasizing the word Montereal. 

"So you're the wife? Well, I don't care!" she rolled her eyes on me na lalong nag-pakulo ng dugo ko. 

"Get out while I'm being nice, miss." mariin 'kong sambit habang nakayukom ang aking kamay, she's trying to test my patience.

"Hinding-hindi ako aalis dito, ikaw dapat ang umalis dito!" 

That's it! Punong-puno na 'ko kaya hinawakan ko ang braso niya ng mahigpit at inilabas sa opisina ng walang hiya 'kong asawa. Tinignan ko si Sam at alam na niya ang gagawin.

"What was that for?!" bulyaw nito

"Are you f*cking blind? Hindi mo ba nakita?" Inis 'kong sabi

"I'm d*mn serious here Jessica!" at ngayon ito pa ang may ganang magalit saakin. 

"Bakit? Mukha ba akong nakikipagbiruan Mr. Montereal?" inihagis ko sa harapan ng desk niya yung manila envelope at binuksan niya ito.

"What's this?" kinuha agad nito ang envelope at binasa ng maigi

"Annulment papers! Nabasa mo naman diba?!" sarcastic kong sagot. Tsk! Nakakainis na talaga!

"Nakikipag hiwalay ka na saakin?!"

"Obviously! Kaya nga annulment diba? Alangan naman makipag-balikan ako sayo!" I said sarcastically

"Wala ang panahon makipag-biruan sa'yo Jess." kumalma na ito at umupo habang hilot-hilot ang sentido 

"So am I." I raised my eyebrow and look at him. "All I need is your signature Mr. Montereal." dagdag ko.

"No! Hindi ko pipirmahan yan!" galit niyang sabi.

"Okay, madali lang naman akong kausap. Just make sure may maihaharap kang mas-magaling na attorney kaysa saakin. confident 'kong sabi. Hindi niya talaga ako kilala. Wala pang nakakatalo sakin. 

"See you in the court my future ex-husband" kinindatan ko ito at tuluyan ng lumabas sa opisina.

Nang lumabas ako pumalakpak sa'kin si Sam, nakita na niya ulit daw ang best friend niyang matapang. Napangisi naman ako, well what can I say? I'm back. The old me. 

Tama nga ba yung ginawa ko? Siguro tama na rin yun, tama si Samantha. Its time for me to be happy and free from my loveless marriage. 


Sam's POV

Hello, let me formally introduce myself, I'm Samantha, Jessica's best friend since childhood. That's all, no more further details. Busy ako sa pakikinig ng usapan nila Jess at ng asawa niyang si Mico

I can hear their conversation all the way from here, halos natigil lahat ng employees sa mga ginagawa nila. I'm quite enjoying the conversation, napangisi naman ako sa mga bangayan sa loob. Oh well, proud best friend here. I hurriedly dialed Xander's phone number para mag-celebrate sa on-coming annulment nila Jess.

"Hello Mr. Xander Lee, meet us at ****** Bar at 9 okay? See you!"

Sasagot pa sana ito pero binaba ko na, tsk. Alam 'kong anytime bibigay yan si Best friend at iiyak ng sobra-sobra kailangan niya ng mag-cocomfort sakanya. Pero I don't want her to cry over some nonsense marriage, this is called celebration.

________________________________________________________________________________

Author's Note: Sa sobrang pag-mamahal mo sa isang tao, naging bulag ka sa pag-mamahal na binibigay ng iba. Kasi sakanya mo lang binubuhos ang oras at effort mo, kasi parang lahat ng goal nakatutok sakanya. 

Revised date: September 24, 2016  . 11:16 pm

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon