Chapter 6

310 6 4
                                    

Someday - Chapter 6 - Deal with it

Jessica's POV

Kung nag-tataka kayo kung saan ako nanggaling sa bahay lang naman ni Samantha, nag yaya kasi ang bruha mag-inuman. Grabe parang tuwang-tuwa at makikipag-hiwalay na 'ko kay Mico. Doon na rin ako nag-palipas ng gabi at ngayon on the way na 'ko sa bahay namin. 

It's already 1 p.m at nag-mamadali na rin ako kasi papasok pa 'ko mamaya, marami pa 'kong papeles na kailangan asikasuhin. 

Paakyat na sana ako ng hagdanan ng bigla may nag salita mula sa likod ko.

Where have you been Jessica?" sabi ni Mico na parang may galit sa tono na pananalita.

Somewhere." at lumingon ako sakanya. Tama nga hinala ko. Galit nga. 

SOMEWHERE?! For pete's sake Jessica! Buong mag-damag mo 'kong pinag-hintay! Tas sasabihin mo SOMEWHERE?! Sana man lang tumawag ka o mag-text man lang!" sigaw niya saakin. Bakit ba ganito na lang 'tong lalaking to?! Parang siya hindi umuuwi ng ganito. And what's worst pag-tumatawag ako sakanya? BABAE NIYA ANG SUMASAGOT. 

Wala akong panahon makipag-away sayo Mico. I need a rest." at tumalikod na 'ko sakanya. Then hinawakan niya ang braso ko.

We're not yet done talking here Jessica! Wag mo 'kong tatalikuran!" 

Well, I'm done Mico! Pagod ako! OKAY? Kaya pwede ba bitiwan mo 'ko!" tinanggal ko ang pag kakahawak niya sa braso ko.

Bakit? Nakipag-landian ka ba sa lalaking yun?! Kaya wala kang balak umuwi? Pagod? So is he great in bed?!" 

Pak!*

"Anong karapatan mo para sabihin yan sa'kin? Huh Mico!? Wala akong ginagawang masama! Walang-wala. Sa bahay lang ako ni Samantha natulog! Satisfied? At bakit ikaw, Mico?! Halos araw-araw kang may kasamang babae! Tapos hindi ka na rin umuuwi ng bahay! Tas pag-tatawagan kita, babae mo ang sumasagot! Alam mo ba kung gaano kasakit yun dito?" Turo ko sa puso ko. "Sh*t! Ang sakit-sakit na, Mico! Wala kang ibang ginawa kung hindi saktan ako! Wala kang ibang alam kung hindi 'yang sarili mo! Sarili mo lang Mico!" dinuro-duro ko siya habang nag-uunahan ang aking mga luha. I don't fucking deserve this! 

"Shhh- Don't cry. Look I'm sorry." at pinunasan niya ang luha ko at yinakap ako ng mahigpit.

Halos humahagulgul ako sa yakap niya, hindi ko na kaya. Ang sakit sakit.

Pinilit 'kong kumawala sa mga yakap niya at hinarap siya.

"No, Mico. Hindi sapat ang sorry mo. Sobra-sobra mo na 'kong sinaktan not physically but emotionally. Mico, I'm so sorry kung napilit ka sa kasal na 'to. Kasalanan ko rin naman kung bakit ka naging ganyan. I giving you want you wanted Mico. Pinapalaya na kita." At tuluyan na 'ko umakyat at nag-kulong sa kwarto ko. 

Masakit sabihin ang salitang pinapalaya ko na siya, kahit alam 'kong kahit kailan hinding-hindi magiging handa ang puso ko palayain siya. Pero ayoko na maging selfish, pareho lang kaming nasasaktan. Hindi man ako magiging masaya pag-katapos ng annulment namin, pero alam 'kong magiging masaya din siya. 


3RD POV

Naiwang tulala si Mico sa baba habang pinagmamasdan si Jessica paakyat ng hagdan. 

Pinapalaya na kita.

Pinapalaya na kita.

Pinapalaya na kita.

Pinapalaya na kita.

Pinapalaya na kita.

Halos mabingi si Mico sa paulit-ulit na pag-echo sa sinabi ni Jessica. Hindi siya makapaniwala na nagawang sabihin yun ni Jessica sa kanya. Di ba dapat masaya na siya? Bakit parang sakit lamang ang idinulot nito sa kanya. May parte sa kanya na ayaw niya mawala si Jessica sa buhay niya. 

"Fvck!" inis na singal niya 

Sa sobrang inis niya, dali-dali siyang pumunta ng bar para ilabas lahat ng sama ng loob niya. Kailangan niya ng makakausap. Kaya tinawagan niya ang kanyang mga kaibigan.


Halos nakalimang bote na si Mico ng Vodka, pero parang wala pa rin itong tama. Ang lalim pa rin ng iniisip nito. Hindi niya akalaain na darating ang araw na ito. Hindi niya akalain na magiging ganito ang epekto ng isang bagay na matagal na niyang hiningi mula kay Jessica.

"Hoy pare! Dahan-dahan lang ang inom! Grabe! Naka-ilang bote ka na oh?" pag-aawat ng kaibigan niyang si Justin

"Oo nga pare! Hinay-hinay lang! Hindi ka mauubusan! Ano ba kasing problema mo?" singit ni Jeron

"Kanina ka pa tungga ng tungga jan! Ang lalim ng iniisip mo pre!" isa pa 'tong Aldrick

"Fvck! Ang ingay niyo! Manahimik nga kayo!" galit na singal ni Mico. Lalo lamang ito nakaramdam ng inis dahil sa sobrang ingay ng kanyang mga kaibigan na kanina pa siya inaawat at pinapagalitan.

"Grabe ka naman Mico! Nag-aalala lang naman kami sa'yo! Yung seryoso? Ano ba talagang problema?" tanong ni Justin habang nakatitig kay Mico 

"Jessica" 

"What about Jessica?" tanong ni Aaron

"She filed an annulment. Nakakainis. Hindi ko alam. Kung bakit ako ganito simula kahapon. Simula ng ibigay niya yung annulment papers hindi na 'ko mapalagay" pag-papaliwanag naman ni Mico at muling tinungga ang alak

"Woah!" sabay-sabay nilang sabi na para bang namangha pa sa mga sinabi ni Mico

"What?!" inis na tanong ni Mico

"Tsk tsk tsk! Mukhang natauhan na si wifey, Jessica" pabirong saad ni Aaron. 

"Nako! Mawawala na si Jessica, mah labs." singit naman ni Justin

*sigh*  napabuntong hininga na lang si Aldrick. 

"Ano?! Wala ba kayong matinong masasabi?!" bulyaw ni Mico sa kanila

"Isa lang advice ko sayo pre! Wag mong hintayin tuluyan siyang mawala sayo. Bago mo malaman ang kahalagahan niya. Dahil di lahat ng bagay na meron ka hawak mo pa rin bukas, "Make everything the most of it." masakit mawalan. Pero mas masaklap pag may pinagsisisihan. Ika nga pre. Nasa huli ang pag-sisi" advice ni Aldrick, tila tinamaan si Mico sa huling sinabi nito. Halos wala itong masabi kaya mas lalo itong uminom at sinabunutan ang sarili dahil mas lalo siyang naguluhan sa lahat ng nangyayari.

"Kaya kung ako sayo pare, galaw-galaw na! Baka maunahan ka pa ng iba!" 

"Oo nga pare! Malaking kawalan si Jessica!" sabi saakin ni Justin. 

Author's note

Revised date: October 31, 2016 / 2:19 am / UTC + 04:00 

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon