Omg! Bakasyon na! Summer na excited na ako kasi uuwi na uli dito si Dale hays namiss ko yung haliparot na bestfriend ko hahaha
March 23, 2016
Dumating na yung bestfriend kong si Dale galing Canada
Dale's Pov
Hi ako nga pala si Dale best friend ni Sara simula bata. Hearthrob simula bata pogi kasi at hot madami na ren akong girls na napaiyak pero loyal to mga tol Last year lang ako umalis papuntang Canada kasi yung mga kamag anak ko gusto kaming makita eh kasi naman di pa daw nila kami nakikita simula bata o baka kapogian ko lang hanap nila? Hahaha.
Ang unang unang bahay na pinuntahan ko yung bahay nila Sara nagpromise kasi ako sakanya na kapag babalik ako sya una kong pupuntahan. Pumasok na ako sa bahay nila ( makapal mukha ko kasi nga close naman mga magulang namen magbestfriend ren kasi sila)
Umupo na ako sa sala nila
"Oh, dale umuwi ka na pala galing Canada buti napadaan ka na dito alam mo ba yang si Sara hintay ng hintay sayo"
" Opo tita kakauwi ko lang po hahaha nagpromise po kasi ako kay Sara na sya una kong pupuntahan. Sabi ko na nga ba miss na ako ng best friend ko eh hahahaha eh nasan na po ba sya?"
"Ay nako Dale tulog pa yang si Sara puyat eh "
"Ganun po ba tita sige po pupuntahan ko nalang po sya at gigisingin"
"Sige"
Umakyat na akong hagdan nila at pumunta sa kwarto ni Sara
" hoy sara nandito na ang pinaka pogi mong best friend gumising kana dyan"
Sara's Pov
Ako nga pala si Sara Ernase . Medyo haliparot hahaha oo medyo lang mahilig gumawa ng kalokohan matapang di nagpapatalo at syempre mabait ganern. Ako ang pinaka dyosang kaibigan ni Dale since nung bata pa kami. Ang swerte nya saken kasi nga ang dyosa dyosa ko swerte nya sa best friend nya
Nagulat ako nung nakita ko na si Dale
"Oh my god! Kupal is dat you? Hahaha namiss kita ng sobraa" (sabay kutos)
"Lagi mo naman akong namimiss Sara eh sus!"
"Wow! Ang kapal ng mukha mo! Kamusta pala sa Canada? May pogi ba? Hahaha"
"Oo ako!"
"Please naman kahit ngayon lang wag kang magjoke! Ganyan ba dun sa Canada ha? Mahilig ba silang magbiro?"
"Minsan naman suportahan mo ko"
"Ay nagdrama sya sorry na nga eh diba? Yiee pogi naman ng bestfriend ko nakakainlove"
"Nako! Baka mainlove ka talaga sakin ha"
Sara bumaba na kayo ni Dale diyan! Kakain na kakagaaling lang sa byahe nyan. ang sabi ni mama
"Sige po ma bababa na kami"
Bumaba na kami ng best friend ko at kumain. Pagkatapos namin kumain niyaya ako ni Dale na gumala syempre maliligo muna ako hahaha aba gagala ako na hindi fresh oops hindi pwede yan so ayun maliligo muna ako bago gumala kasama ang bestfriend ko.
Natapos na akong naligo at umakyat sa kwarto para maghalungkat ng anong maiisusuot. Girls problem sa dami dami kong damit di ko na alam kung alin sa mga ito ung susuotin ko hayss. So ayun na nga, nakahanap na ako ng maisusuot. Nagpaalam na ako sa mama ko
"Ma, aalis muna ako kasama ko naman si Dale gagala muna kami hehehez niyaya ako eh namiss ata ako ng sobra hahaha"
"Oh sige anak magingat kayo at wag mag papagabi ha?"
"Sige ma"
So ayun, ayos na nakapagpaalam na ako kay mama nagagala kami ng bestfriend ko grabe namiss ko talaga sya 1 year na kasi ang nakakalipas nung huli naming gala bago sya pumunta sa Canada
Hanggang dyan nalang muna guys bitinin ko muna kayo.
Dont forget to vote my story guyss! Sana maienjoy nyo ung kwento :) simula palang yan hintayin nyo ung part na isa sa kanila ang nafall. Hope you like this guysss. Subaybayan niyo ung iba pang part ng story na to.
So yun na, ano kayang susunod na mangyayare? Saan kaya pupunta ang dalawa? Lalo na kaya silang magiging close? May mahuhulog na ba sakanyang best friend na hindi sinasadya?
Abaaaaangaaaaaaaaaaaaaaaaan!
BINABASA MO ANG
Boy Best Friend ( Tagalog Fanfic )
RomanceMarami sa atin ang may gusto ng boy best friend bakit? Dahil kahit mag kabigan lang kayo sila yung tipong tutulungan ka sa lahat ng bagay hindi sila plastick. Kumbaga, masaya ka na kahit walang boyfriend basta nandyan lang sya at hindi kayo magbaba...