Pagkalipas ng 5 araw
balik normal na ang lahat at humupa na ang kaguluhan dahil sa halimaw.
madaling madali na naglalakad si Greta sa hallway at sa kamamadali niya hindi nya napansin ang grupo nila Apollo,hera,eros,athena,hermes at achilles at nabunggo nito si Apollo
"ay pasensya na.." Sabi ni Greta na mukang hindi mapakali at may problemang iniisip
"o nagmamadali ka ata? may problema ba?" tanong ni Apollo
"si Lucy .." Tumingin si Greta na mukang alalang alala
"anu meron kay Lucy?" naging seryoso ang mukha ni Apollo
"hindi padin bumabalik si Lucy simula nung hinabol niya yung halimaw"
at nagulat ang magkakaibigan
"hindi ba magiisang linggo na?? sigurado ka ba? Chineck mo na ba ang kwarto niya?" tanong ni Athena
"Wala talaga, matagal ko na siyang hinahanap.. mapapagalitan ako ng kamahalan neto eh ..." binaon ni Greta ang mukha niya sa mga kamay niya at umiling
"hindi ba kaya mo makaalam kung nasan ang isang tao??" sabi Eros
"oo..pero lagi may mga lugar na hindi ko mahanap si Lucy .. hindi naman ako ganun kagaling para mahanap ang isang nilalang na nasa likod ng mga barrier eh".. paliwanag ni Greta
"samahan ka nmin sa headmaster para mapahanap na si Lucy" sabi ni Athena
at nagmadali sila pumunta sa opisina ng headmaster
nang narinig ng headmaster ang paliwanag ni Greta ay agad agad nagsimula ang paghahanap ng mga guard at ng magkakaibigan kay Lucy. Hinanap nila ito hanggang sa umabot na ng gabi
"ano balita??" tanong ni Eros
"wala padin " sabi ni Achilles
"san kaya tong lugar na to" sabi ni Greta mukhang may malalim na iniisip
napaisip bigla si Apollo at mukang may naisip siya at tumakbo na lang bigla bigla
"oy! Apollo san ka pupunta?!"sigaw ni Hera pero hindi siya pinansin ni Apollo
nangnakarating na si Apollo sa lugar na pupuntahan niya .. sa gitna pala ito ng maze garden
nang nasa harap na siya ng pinto na walang bukasan kung saan hindi lahat ng nilalang ay nakakapasok sa pinto na to, huminga siya ng malalim " Sana nandito ka" at binuksan niya ang pinto. biglang nanlaki ang mga mata niya ng makita si Lucy na duguan at walang malay
tumakbo kaagad siya palapit ay iniangat ang katawan nito "lucy!lucy! uy gumusing ka!!"pero hindi padin ito gumigising.. tinignan ni Apollo ang pulso nito.. at binuhat niya si Lucy at nagmadaling umalis sa lugar kung nasaan sila, biglang nagsimulang umulan ng malakas.
Nang makarating sa harap ng entrace hall si Apollo na basang basa habang buhat buhat ang walang malay, sugatan at maputlang Lucy, nandun ang lahat at nagulat, sila sa kanilang nakita
"Mga medic!! dalin si Lucy sa Infirmary!! magmadali kayo!!!" sigaw ng headmaster at dali daling kumilos ang mga medic at sumunod si Greta sa kanila
"uy apollo.. saang lugar mo nakita si Lucy?!" tanung ni Eros
hindi ito sumasagot , nakatingin lang ito sa sahig habang tumutulo ang ang tubig ulan mula sa buhok niya
"Apollo .. magpalit ka na ng damit baka magkasakit ka pa" at hinahatak ni Hera si Apollo na nagpapakita ng expressionless na mukha
at umalis na ang lahat maliban sa Heasmaster at kay Eros
"grabe tong pangyayari na to, kelangan tong malaman ng kamahalang Hades, kailangan nila malaman ang ng yari sa kanya" sabi ng headmaster na tinutukoy si Lucy
" opo madam,kelangan po talaga nilang malaman ito, hindi po biro itong pangyayari.." sagot ni Eros
" ikaw muna bahala kay Lucy at kay Apollo ah"
"bakit pati po si apollo?" Nagtatakang tanong ni Eros, habang nakakunot ang noo nito
"mukang natrauma ata siya sa pangyayari" sabay umalis na ang headmaster
Kinabukasan..
sa Infirmary
Nagising si Lucy sa isang malaking puting kwarto, nakahiga siya sa isang malambot na kama na may puting unan at kumot. Pinagmasdan nito ang paligid pero medyo napapapikit pa sya dahil sa malabo ang paningin nito.
" Gising ka na pala" sabi ng isang lalaking may itim na buhok at mata, nakaupo ito sa isang upuan sa gilid ng kama ni Lucy, matikas ang pagkakaupo, kahit matanda na ay alam mong may mataas na katungkulan at authority ang lalaki.
mukang nagulat si Lucy "Lolo?!" at napaupo ito ng nakita ang mukha ng kanyang Lolo
"ano nangyari sayo? bakit ka nawala ka ng 5 araw? tignan mo sarili mo ..." galit na galit na sabi ng lolo ni Lucy
"wala po yun .." pilit na nilalayo ang tingin sa kanyang kausap
"Anong wala? sa ganyang kalagayan ? iuuwi na kita sa Mythosford!" pinipakalama ng lalaki ang sarili
"ayaw ko po .. marami pa po akong inaasikaso-
"
"isa kang prinsesa, ikaw dapat ang inaasikaso! pati ang bata bata mo pa tapos ikaw ang namamahala sa barrier?! hindi ba nila kayang gawin yun?!"
"Lolo, ayos lang ako! nakita mo naman buhay pa ko oh"
"sa ngayon buhay ka pa. pano kung sa susunod na araw hindi lang ganyan? alam mo naman na mahina ang katawan mo-"
"hindi ako mahina!!" pikon na sabi ni Lucy sa kanyang Lolo
"tandaan mo Lucy nagbabalik na ang isa pang isinumpa..." nag-aalalang tinignan ang mukha ng kanyang apo
"alam ko yun,pero hindi padin ako sasama pauwi.." pagmamatigas nito
Nagbuntong hiniga ang lalaki "hay naku kang bata ka " napahawak ito sa noo niya " sige na sige na.. basta sa susunod na ganito ulit mabalitaan ko .. iro-royal tutor na tlaga kita maliwanag? Intiendes?"
"opo..." nakayukong sagot ni Lucy
"sige na , aalis na ko, marami pa kong inaasikaso sa palasyo..." pi-nat niya ang ulo ng nakayukong Lucy at sabay naglakad palabas ng kwarto ang panginoong Hades at nasa may pinto si Greta ..
"Greta, ikaw na ang bahala sa kanya" dumiretso na ito paalis
"opo kamahalan" naka-bow si greta, tuluyan ng sumara ang pinto
"oh? nasermonan ka noh?" pabirong sabi ni Greta
"che!" napipikon na sagot ni Lucy
"ano ba kasi nangyari sayo?"
"wala naman.." humiga ulit si Lucy sa kama at tumingin sa binta
"anong wala? bkit may 3 malaking hiwa ka sa likod mo??" na may pang asar na muka
"haay kabadtrip talaga.." sabay nagtalukbong
End Of Chapter 4
~Author's note~
This is chapter 4 :)
hope you enjoyed reading this chapter
Please comment or suggest anything para sa improvement ng story :)
BINABASA MO ANG
Mythostad (The Academy for the two kingdoms)
FantasyStory of Apollo Mortalheim the long lost cursed prince and his adventures after returning to his real world. He will meet his friends and the cursed princess the person that he must not cross paths with in a School named Mythostad. The is an Edite...