Sa kagubatan sa likod ng Academy dito matatagpuan ang lagusan papunta sa puso ng kagubatan.
naglalakad si Lucy papunta sa kalagitnaan ng Gubat. Napansin niya na nadidistort ang nangyayari sa Puso ng gubat.
Nadidistort ang paligid na bumabalik sa past at sa present. Maraming memories ang naghahalohalo at mukhang nagwawala ang mga halimaw sa kagubatan
Nagmadaling lumakad si Lucy para makita ang nangyayari sa puso ng gubat at laking gulat niya na may isang babaeng medyo may edad na at naka cloack ng deucallion. Binabasag nito ang Dark Gem sa cycle stones gamit manipulation skill.
"h-headmaster?!!" gulat na sabi ni Lucy
Nang tuluyang nabasag ang Dark gem biglang sumakit ang dibdib ni Lucy
"pasensya na Lucy, isa akong tagaMortalheim at siya lang ang maghahari!" sinabi ng Headmaster at tumawa siya ng nakakaloko
Muling sumakit ang dibdib ni Lucy at humiwalay sa katawan niya ang kaluluwa ni Ellice na mukhang galit na galit.
Sinubukan atakihin ni Ellice ang headmaster gamit ang apoy pero sinalag lang ito gamit ang forcefield
"keysa pinagaaksayahan niyo ako ng panahon, mas mabuting bumalik na kayo sa academy dahil dun oh" turo ng Headmaster sa direction ng academy
"rawwwwwwwwwwwwwrrrr!!!" sigaw ng isang higanteng itim na malafox na halimaw
"yan ang halimaw na namumuhay sayo. Siya lang ang pinakawalan ko para maging magiting na tagapagligtas ang prinsipe" sabi ng Headmaster "sige na mauna ka na" dagdag nito na may sarcasm sa tono ng boses
Lumuhod si Ellice sa harapan ni Lucy upang maging magkapantay sila at niyakap niya ito.
Si Lucy ay nakatayo lang at hindi makaimik at mukhang mabigat ang dinadala ng kalooban.
"pasensya na. Kayo ang nagdudurusa sa mga kamalian namin" sabi ni Ellice habang niyayakap ng mahigpit ang dalaga "patawarin mo sana kami"
Ilang segundo rin silang nagstay sa ganung posisyon, nang pumikit si Lucy at nagbuntong hininga. Dumilat siya at sinabing "tara na at bumalik na tayo sa academy"
Nagkaroon ng malakas na pagsabog at pagkasira mula sa academy na gawa ng halimaw.
Agad na bumalik sa katawan ni Lucy ang isinumpa at agaran siyang tumakbo pabalik ng Academy
-----
"Megara!!! Patigilin mo ang halimaw!" sigaw ni Leon pagkailag sa mga claws ng halimaw
"I'm trying!" umilag din siya dahil bumuga ng apoy ang halimaw "but it's too strong!!"
Patuloy na naninira ang itim na halimaw sa paligid. Naputol at napatumba nito ang mga puno at nasira ang ibang building. Nakadagdag pa sa chaos ay ang mga wild animals na umaatake ng mga estudyante at ang mga estudyanteng nakokontrol para umatake ng kapwa estudyante.
Dumating si Lucy at tinitigan ang halimaw at tinignan din siya nito.
"rawwwwwwrrrrr!!" sigaw ng halimaw ng bumuga ng apoy at patuloy na nagwala
Nakita ni Lucy na hinampas ng halimaw ang mga kasamahan at tumalsik sila at tumama sa mga puno.
Kumunot ang noo niya sa galit at sinubukan atakihin ng lightning ang halimaw pero keysa mang hina ay lalo itong lumalakas at lalo siyang naannoy
"Lucy , huminahon ka." sabi ng boses ni Ellice "ang halimaw na yan ay ang galit, lungkot at hinaing mo. Nabubuhay siyabsa mga negatibo mong nararamdaman"
"paano ko..." putol na tanong ng Dalaga
"wala kang magagawa ngayon. Parang ikaw ang puso ng halimaw na yan. Ang paraan para matigil siya ay ang huminahon ka" sagot ng Isinumpa
BINABASA MO ANG
Mythostad (The Academy for the two kingdoms)
FantasyStory of Apollo Mortalheim the long lost cursed prince and his adventures after returning to his real world. He will meet his friends and the cursed princess the person that he must not cross paths with in a School named Mythostad. The is an Edite...