Chapter 1: Welcome to Mythostad

199 5 0
                                    

APOLLO's POV

Isang tanghaling tapat, at ayun kakaakyat ko lang sa maliit kong kwarto na gawa sa kahoy. Hindi kasi ako pumasok ngayong araw kasi sabi ni Mama na manatili muna dito sa bahay para tumulong sa mga gawain.

Ngayon ay nagpapahinga ako nakaupo sa harap ng maliit at lumang lamesa kung saan nakalagay ang gamit pang eskwela ko. Wala akong magawa, I'm bored, Ginugulo ko ang buhok ko na kulay dilaw, kakulay ng araw, at minsan kaamoy din nito haha.

May narinig akong pumasok sa pinto at..."Apollo! Anak! bumaba ka muna dito sandali" malakas na tawag ni Mama saakin mula sa baba.

Anu ba naman yan si mama ngayon pa nga lang ako magpapahinga eh.. pero bumaba padin ako.. engot din ako noh?

(PAGKABABA)

"anu ba y-" Naputol ang sasabihin ko " sino sila mama?" tanong ko, may kasama kasi si mama na dalawang lalaki

" Apollo, anak umupo ka muna.." sabay bigay sakin ng mainit na tsokolate.." wag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko.."

" ano pu ba yun?" hmmm? anu kaya sasabihin ni Mama? bakit binigyan niya ako ng mainit na tsokolate? may masamang balita ba?

"matagal ko na itong nililihim sayo..." sabi ni Mama na may seryosong tono dahil sa sinabi niya napakunot ang noo ko "Hindi talaga kita tunay na anak, ipinahabilin ka lang sakin ng pamilya mo para maitago " diretsong sabi ni Mama

"Ano po?!?!?! ampon ako??? sa 15 na taon tinago niyo lang saakin yun??" gulat na gulat ako, hindi ako makapaniwala sa sinasabi sakin ni Mama ngayon.

"Nagkakamali ka Apollo hindi ka Ampon...ipinaalaga ka lang sakin.." mahinahon na sabi niya, pero hindi ko maintindihan? ampon ako???

"kami na lang magpapaliwanag sayo" sabi nung mamang kasama ni mama na nakaputing uniform na mukhang tauhan ng palasyo..

"Anu ba yan ang gulo naman.. Sino ba talaga ang magulang ko??" naiinis na tanong ko

" ang iyong mga magulang ay ang hari at reyna ng Mortalheim" diretsong sagot ulit ni mama

"O_o anoooooo?!!! wag niyo nga akong niloloko.. imposible atang magyari yun!" What the hell? Nababaliw na ba si Mama?! ako??! anak ng reyna at hari?!!?

"Anak sumama ka na lang sa kanila at sila na ang magpapaliwanag ng lahat sayo" malungkot na sabi ni mama

"pero mama ayaw kitang iwan!"

Kumunot ang Noo ni Mama at tumingin sakin ng masama, ang kulay dagat na mga mata ni mama nakatingin sakin na parang kinamumuhian ako."Sumama ka na! pahirap ka lang sakin! hirap akong buhayin ka! lumayas ka na sa pamamahay ko!!" at tinulak niya ako palabas ng bahay.

NARRATOR'S POV

at wala ng nagawa si Apollo kundi sumama...

sumakay siya sa isang punting karwahe na may dalawang puting kabayo, It has gold designs on almost every part, with comfty seats with red-velvet covers in the inside and the most eye-catching of its details is the logo of the Kingdom of Mortalheim.

Dinala siya ng mga tauhan ng palasyo sa malayo.. hanggang makarating sila sa magubat na daanan at sa dulo ay may napakataas at mahabang pader at sa gitna ay may malahiganteng Gate.

Huminto saglit ang karwahe, sumilip si Apollo sa maliit na bintana ng karwahe at hindi niya maiwasan mamangha sa mga nakikita niya habang bumubukas ang gate at onti-unting pinapakita ang nasa kabila nito.

"Mahal na prinsipe nandito na po tayu sa Mythostad..dito na po kayu mag-aaral..pupuntahan na lang po kayu ng inyong lolo, pero hindi po niya sinabi kung kailan, sana po ay masiyahan kayo sa pagtuloy niyo dito sa Mythostad" sabi ng tauhan na nagbukas ng pinto ng karwahe habang ang isang tauhan ay kinukuha ang maliit na satchel ni Apollo sa loob ng karwahe.

Mythostad (The Academy for the two kingdoms)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon