"Crush is paghanga but sometimes, nawawala." (2004-2005)

24 1 0
                                    

Naalala ko tuloy noong nasa elementary pa ako. Doon kasi nagsimula yung maituturing kong "puppy love" ng buhay kong akala ko noo'y walang kadekore-dekorete. Syempre, dumaan din ako dyan. Yes, parang ikaw din. (Please lang ha, hindi mo ako stalker kaya wag mong isiping alam ko ang lahat sayo.)

*puppy love – yung sunud-sunuran ka sa isang tao. Yung tipong kahit di ka niya kilala; pag nakita mo siyang nakatingin sayo, nagtatago ka. In short, stalker ka.

Sabi nila, abnormal daw ang taong walang crush. Kaya siguro yung iba sandamakmak ang crushes. Parang EDSA, parang listahan ng utang sa tindahan ni Aling Bebang. Pero sa huli't-huli, nagka-crash literally.

Meron pala akong ultimate crush noong Grade V hanggang Grade VI at sa kanya ko unang narinig ang linyang "I love you" pero sa ibang lenggwahe. Minsan, napapaisip tuloy ako, "Ba't kaya nagiging crush ko rin yung may crush sakin?" Hindi kasi ako naniniwalang may common denomination na pag-ibig. Mabuti na yun, kesa naman sa malulong ako sa "Bakit kaya di ako crush ng crush ko?"

Grabe ang role ng best friend pag sa pausbong na love story, kasi sila talaga ang Ultimate Pusher ng Bayan(UPB). Lumapit sa akin yung may crush sa akin at wala akong kamalay-malay sa hiwaga ng "143 numbers" noon nang sabihan niya akong, "Shirl, 143." Tinanong ko pa yung kaibigan ko tungkol sa mystery numbers na iyon at doon unang naging "distorted" ang paningin ko sa true loveWala naman kasing subjects noon na magtuturo sayo nauukol sa love or simple crush. Sabihin na lang nating, "community will expose things." In fact, depende sa group of friends mo kung paano mo unang makikita ang isang bagay, kasi isa rin sila sa mga unang magmumulat sayo sa mga bagay na tago sayo (maliban sa pamilya mo).

At dahil hindi pa uso ang MU noon, hindi ko alam kung paano namuo yung pag nagkakakitaan kayo eh magba-blush bigla ang cheeks mo at bibilis ang tibok ng puso mo. Nagkahiwalay kami nung HS kasi sa Seminario sya nag-aral na isang private school at ako naman sa PNS na public pero Science Class naman ako. So, walang story naPublic Vs. Private.

Totoo rin pala yung "Crush is paghanga, but sometimes, nawawala." Tawang-tawa ako sa linyang 'to habang binabasa yung old autograph nung elementary. Sabayan pa ng mga nagsulat doon na pag may tanong na "Who are your friends?" ay pangalan mo ang unang mong makikita. Kasi nga, sayo yung autograph. Hiyang-hiya naman sila sayo kung makakaligtaan nila ang pangalan mo, di ba?

Ang attraction, nawawala yan kapag di na kayo nagkikita. Hindi kasi lahat ng opposite, nag-aattract; yung iba mas lumalayo pa nga. Parang LDR lang yan, whether naging kayo or hindi. Hindi kasi pupuwedeng ipaglapit ang magkalayong isla, kasi they're meant to be set apart. (Pero may mga relasyong tunay na matibay, 

Hindi laro ang pag-ibig gaya ng nilalaro ng mga normal na kabataan noon. Kung alam mo yung "Tag-tagan,"na magpapasahan kung sino ang maging taya. Hindi mo pupwedeng itaya ang puso mo sa isang tao, tapos hahayaan mong tangayin ka kahit iba naman ang destinasyon niya. Mangarap ka muna para sa sarili mo, saka mo na siya pangarapin.

"May pag-ibig na pupwedeng maganda ang unang linyang binitawan pero tatapusin nang walang pagtatagisan ng mga salita."

Madali naman kasing ma-attract ang tao. Ang bata nga, madaling magpabili sa magulang ng kung anumang gustuhing laruan pag nasa mall. Pero pag-uwi, pagsasawaan lang din.

Sa makatuwid, pag bata pa ang isip, doon nawawalan ng kahulugan ang mga katagang "I love you." Madali kasing sabihin pero mahirap panindigan at tayuan. Madali kang nagkakagusto, pero madali mo ring iwananunless, ikaw ang iniwan. Aray, tama na ang hugot lines.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kape Tayo, Mga Mangingibig!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon