Foreword

89 2 0
                                    

| Ominous : The Elemental Factions |

Tubig. Lupa. Hangin. Apoy. Noong unang panahon ang lahat ay pantay-pantay, walang mababa, walang mataas, walang malakas, walang mahina. Ang mga tao ay payapang namumuhay, Noon. Pero dahil sa pagbago ng panahon ay kasabay rin nito ang pagbabago ng lahat. Ang mundo ng mga tao ay hinati sa apat na magkakaibang paksyon. Ito ang Apoy o ang mga taong malalakas, kaya nilang makipaglaban at iligtas ang sangkatauhan. Ang Lupa o ang mga taong may kakayahan sa agrikultura kung saan sila ang gumagawa at nagtatanim ng mga pagkain, kasali rin dito ang pangingisda at sila ang tagapangalaga ng Kalikasan. Ang Hangin o ang mga taong hindi nagsasabi ng mga mali, sila ang tagapangasiwa sa katotohanan. Ang Tubig o ang mga taong ubod ng talino at may kakayahan sa larangan ng siyensiya at teknolohiya, sa lahat ng paksyon sila ang pinakamataas sinusundan ng Apoy, Hangin at Lupa. Ngunit tila hindi pa dito nagtatapos ang lahat. Isang hindi ordinaryong paksyon ang sisira sa lahat at ito ang Quadrant, ito ang paksyon na taglay ang apat na kakayahan, bihira ito at iilan lamang ang mga ganito. Kaya naman ay pinapatay ang sinumang mahanap na Quadrant at ginagamit ang kanilang utak para makalikha ng isang bagay na hindi gugustuhin ng sinuman.

Pero paano kung ang Quadrant Faction ang susi para maisayaos ang lahat? Will everything come to Change, for better or for worst?

Sundan ang yugto ng buhay ni Lynyx Quince sa isang kwentong magpapabago sa mundo niyo. Ang babaeng magliligtas sa mundo.

Ikaw, Saan ka kabilang? Fire, Water, Land or Wind Faction? O baka isa ka namang Quadrant? Well, kahit saan ka man kabilang pantay-pantay lang ang lahat. Pero tandaan mo, "Let your STRENGTH be bigger than your FEAR".

|Ominous: The Elemental Factions|

All Rights Reserved. 2016

Written by: Stewartchris

A Fan Fiction of Divergent Series by New York Times Best selling author Veronica Roth.

Ominous : The Elemental FactionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon