Chapter 2: The Division

21 2 0
                                    

OTEF2016bystewartchris.dulatre

All Rights Reserved. 2016

| Chapter 2: The Division |

Lynyx's POV

"Welcome to the 50th Annual Order of the Grendor!" Masiglang bati ng Emcee sa lahat ng mga tao.

We're here at the Grendor Multi-Function Colosseum kung saan nagaganap ang tradisyunal na pagpili ng mga new comers sa Elemental Faction at syempre kasali ako 'dun.

Punong puno ang Colosseum at sa sobrang laki nito e nakakabingi ang hiyawan ng mga tao.

Inilibot ko ang aking paningin dahil ito ang unang pagkakataon kong makapasok rito. Taon-taon ay ginaganap ang Order of the Grendor ngunit tanging mga Member lamang ng Elemental Faction ang maaaring pumasok dito. Pero dahil 20 taon na ako e maaari na aking sumama at piliin ang gusto kong Faction.

Pinag halong takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Ewan ko pero kinakabahan parin ako sa sinabi ng babae sa Lab Test noong nakaraang linggo.

"Okay ka lang ba Lyn?" Seryosong tanong ni mama sa akin.

"Ok lang po ako, Medyo kinakabahan lang" Sagot ko naman sa kanya.

"Don't worry anak basta enjoy-in mo lang at calm yourself" Nakangiti namang sabi ni mama sa akin. At least medyo gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya.

"Thanks ma" Sagot ko.

Patuloy pa rin ang pagsasalita ng emcee sa may harapan at tila mahaba-haba pa ito.

Ngayon ko lang napansin na ang Colosseum pala ay nahahati sa 5 na row ng mga upuan. Ang Fire Faction, Water Faction, Wind Faction, Land Faction kung saan kami ngayon naka upo nila mama at ang Head Row kung saan ang head at opisyal ng Grendor ay dito naka-upo.

Napansin ko naman ang babaeng naka suot ng puting dress sa may Head Row - si Catherine Marta ang Leader ng Grendor. Sa aking pagkakaalam e mabait siya at talaga nga namang maganda ang kanyang panunungkulan.

"So, Since it was the Golden Year for Grendor ay napagpasyahan ng Chief Officer at ng mga Head na Magkakaroon ng ibang proseso ang Order of the Grendor"

Sa sinabi ng emcee ay nagulat ang lahat ng mga tao nandidito ngayon sa colosseum. Bakas sa kanilang mukha ang pagkabigla.

"Ang nakasanayang Faction Lab Test na ginagawa sa mga new comers ay mawawalan ng saysay sa taong ito, dahil ang mga new comers ay may pagkakataong pumili ng gusto nilang Faction"

Mas nagulat nanaman ang mga tao sa sinabi mg emcee. At napansin ko ang takot sa mukha nila mama at papa.

"After nilang mapili ang gusto nilang Faction ay magkakaroon sila ng 1 month preparation for the 1st ever Grendor Game - na kung saan ay pipili ang bawat head ng  bawat Faction ng 5 at sila ang makikipaglaban at makikipaglaro"

Biglang umingay ang loob ng Colosseum matapos ang sinabi ng babae. Karamihan ay masaya ngunit mas madami ang tila nadismaya sa bagong kaganapan. Maski ako ay hindi natuwa sa bago nilang pakulo. Isa lang ang ibig sabihin nito, na kilangan mong pumatay para manalo sa laro.

"For now, bubunot na ako ng pangalan ng mga new comers at maaari na silang pumunta sa harapan at deretso na sila sa bago nilang pamilya"

"Lyn, basta't tandaan mo na ang pipiliin mo ay ang Land Faction. Hindi natin alam ang maaaring mangyari kaya sundin mo nalang kami" Sabi ni mama habang hawak hawak ang kamay ko.

Nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon na baka ito na ang huling beses ko silang makausap at makita. Hindi ko alam ang maaaring mangyari sa akin.

"Ma, Pa, basta't kahit anong mangyari palagi niyong tatandaan na mahal na mahal ko kayo" Sabi ko sa kanila at sabay ko silang niyakap. Ang hirap magpaalam sa taong mahal mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ominous : The Elemental FactionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon