Chapter 1: Faction Test

33 3 0
                                    

OTEF2016bystewartchris.dulatre

All Rights Reserved. 2016

| Chapter 1: Faction Test |

Lynyx's POV

They say that the war was terrible and almost 3/4 of the world's population lost. Pero tila naging mabilis ang paglago ng mundo. Nanumbalik ang madaming populasyon ngunit lahat ay may hangganan. Wala na ring mga bansa sa mundo, ang sentro na ng lahat ay ang Grendor - isang lugar kung saan nakatira ang kalahati ng populasyon at dito din ang sentro ng lahat. Kasabay ng pagbago ng panahon ay nagbago na rin ang sistema at ito ay ang paghati-hati ng mga tao sa apat na magkakaibang paksyon. Ang Fire, Wind, Land at Water. Kung tutuusin may maganda itong naidudulot pero mas marami ang hindi maganda nitong naibibigay sa mga tao. Kaya ako, gustuhin ko man o hindi wala akong magagawa. Or else, they will kill me and use my body for experimentation.

"Lyn, handa ka na bang tumungo sa Grendor Faction Lab?" Tanong ng aking ina na kanina pa inaayos ang aking buhok.

"Syempre naman ma" Pagsisinungaling ko sa kanya.

"Basta huwag kang mag-iisip ng kung ano-ano at gawin mo lang lahat ng ipapagawa sa'yo" Seryosong pagpapaalala ni mama.

Tumango tango lamang ako sa kanyang mga sinasabi kahit hindi ko ito maintindihan.

Matapos ang pag-aayos ni mama sa aking buhok ay agad akong tumayo sa aking kinauupuan at hinablot ko ang bag na nakasabit sa may likod ng pintuan ng aking kwarto. Simple lang ang damit ko. Isang lumang puting t-shirt at palda na hanggang sa tuhod. Sa panahon kasi ngayon hindi uso ang magagarang damit.

"Alis na po ako!" Pagpapaalam ko kay mama nang maisara ko ang pintuan ng aking kwarto.

Dali-dali aking lumabas sa aming bahay at nagsimula ng maglakad. Hindi naman kalayuan ang Land Factions Quarter sa Grendor Faction Lab.

Habang ako'y naglalakad hindi ko maiwasang maawa sa mga taong palaboy sa daanan at tila hindi pa kumakain. Gustuhin ko man silang bigyan e bawal. Dahil isa silang Factionless - mga taong walang kakayahan o kundi naman ay kinalaban ang Leader ng Grendor, si Catherine Marta.

Sadyang hindi pantay ang mundong ginagalawan ko. Bulong ko sa aking sarili habang patuloy sa paglalakad.

Mga halos kinse minutos lang ang aking nilakad at andito na ako ngayon sa harap ng Grendor Faction Lab. Kung pagmamasadan mo ang building ay parang isang malaking kastilyo pero ginamitan nang makabagong kagamita.

Sadyang ibang-iba ang Grendor sa ibang lugar dahil sa ibang mga lugar at imprastraktura ay mahahalata mo parin ang sinapit ng mundo isang daang taon na ang nakakalipas. Sa sira sira nitong gusali at mga daanan.

"Goodmorning! Welcome to Grendor Faction Lab" Masayang bati ng babae sa may pintuan ng gusali.

Agad ko namang ipinakita sa kanya ang gate pass, isang card na naglalaman na ako ay 20 years old.

"This way! Sabi nito ang itinuro sa akin ang pintuan kung saan ako patungo.

Agad naman akong tumuloy sa sinabi ng babae. Heto nanaman ang mabilis na tibok ng puso. Naghahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ang ipapagawa sa akin at Excited naman ako dahil sa wakas maisasakatuparan ko na ang gusto kong maging isang magaling na tao.

Andito na ako ngayon sa tapat ng pintuan na may nakasulat na Elemental Faction Lab Test. Pinagmasdan ko ito nang mabuti habang hawak ko ang pihitan ng pintuan.

Hindi ko pa man nabubuksan ay nag bukas ito. Nagulat ako dahil may tao pala. Siya kaya ang mag te-test sa akin?

Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng kwarto at nagulat ako sa aking nakikita. Isang kwarto na pinalilibutan ng kulay puti na pader at may isang upuan sa gitna na may kasamang mga lab equipments.

"Umupo ka na" Nagulat ako sa nagsalita at tila may inaayos na gamit.

Sinunod ko naman ang kanyang sinabi at umupo na ako sa upuan na nasa gitna.

"Ano 'yan?" Tanong ko sa babaeng may kung anong hinahawakang bagay at may nilagay pa siyang parang likido.

"Just Keep calm and Ready yourself" Tanging sagot nito sa aking tanong. Inayos din niya ang mga maliliit na bagay at inilagay sa bandang gili ng aking noo. Hindi na ako nagtanong pa dahil baka hindi rin niya ulit ako sagutin.

"Masakit ito" Sabi niya sabay turok sa may bandang leeg ko ang hawak hawak niya. Para itong isang injection na baril.

"Sh*t!" Pagmumura ko sa sakit.

Matapos ang ilang minuto ay tila nahihilo na ako at biglaan nalang akong napapikit.

Pagmulat ko sa aking mata ay nagulat ako sa aking nakikita. Tila napunta ako sa ibang lugar, malayo sa inuupuan ko kanina.

"Hello? Is any body their?" Mariin kong sigaw pero tila walang tao at walang sumasagot sa akin.

Nilibot ko ang aking paningin at may nahagip ang aking mata. Isang nilalang ma kinakatakutan ko, ang Aso. It's quiet funny pero natatakot talaga ako sa mga aso.

Papalapit ito nang papalapit sa kinaroroonan ko at agad akong naghanap nang bagay na maaari kong gamitin.

May nakita akong pagkain ng aso na nakalutang malapit sa akin at agad ko namang kinuha ito.

Sinubukan kong ipakita ito sa asong malapit na sa kinaroroonan ko. At tila nagustuhan naman niya ang hawak hawak ko. Agad niya itong sinubo at kinain.

Hays, buti nalang. Akala ko mamatay na ako. Pero laking gulat ko nang mawala ang aso sa harap ko. Inilibot kong muli ang aking paningin at tila may isang batang lalaki ang nakatayo malayo sa akin.

Pinagmasdan ko ito ng mabuti at tama nga ako. Pero nagulat ako ng hinahabol ito ng isang napakalaking aso.

Natakot ako pero inisip ko ang maaari kong gawin. Hinabol ko rin ang aso at nang maabutan ko ito ay isinaksak ko ang hawak hawak kong kutsilyo sa aso kasabay sa pagsaksak ko sa sarili ko.

Bigla nalang akong nagising matapos ang pangyayari.

"No! Hindi ito maaari!" Sabi ng babaeng nagtetest sa akin.

"You need to get out, or else they will kill me. Huwag mong sasabihin sa kanino ang ginawa mo at sabi mo lang sa kanila na you passed this test" Seryoso at pinagpapawisan nitong sabi sa akin habang pinagtutulakan ako sa may pinto.

"What? Hindi ko maintindihan?" Tanong ko sa kanya.

"You're a Quadrant. And once they will know it they will kill you. Don't tell everyone about this. Just give me time to fix this" Sabi niya sabay sara ng pinto.

Nagtataka ako sa sinasabi niya. I don't get what she wants to tell me. Isa akong Quadrant? Ano naman ito?
Hay naku! Mukhang hindi alam nung babaeng yun ang ginagawa niya. Idadamay pa ako.

Pero dahil sa sinabi niya may kung anong bumabagabag sa isipan ko. Andami ko tuloy katanungan.

Agad din akong umalis sa Grendor at dumiretso na ako sa aming bahay. I need to rest, I need to think.

"Musta ang Test Lyn? Pasado ba?" Tanong ni Papa habang nakaupo sa may sala at nagbabasa ng dyaryo.

"Aa--eehh, Pasado naman daw po" Sagot ko kahit tila nalilito  pa rin ako.

"Buti naman Lyn. Sa susunod na linggo na pala ang Order of the Grendor, at doon na pipili ang mga pasadong kagaya mo ng Elemental Faction" Sabi naman ni mama habang naghahanda ng hapunan.

Dahil sa sinabi ni mama e lalo akong kinabahan. Paano nalang kung malaman ng mga tao at patayin nila ako? No! Hindi maaari. Sabi nga nung babae sa Lab kanina huwag kong sasabihin kanino at choose anything I want dahil siya na raw ang bahala.

Ano nalang ang mangyayari sa akin? At ano nga ba ang Qudrant?

| Chapter 2: The Division |

Ominous : The Elemental FactionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon