[Venett Ceane Arendell on the photo]
Napatigil ako sa paglalakad ng mapansin na sa akin nakatingin ang mga taong nasa paligid. Tila nag-slow motion ang paligid nang makita kong naroon siya sa dulo at may hawak ng isang bungkos ng paborito kong bulaklak. Lalo akong napangiti ng marahan siyang naglakad patungo sa kinaroroonan ko. Nagsimula ng patugtugin ng kanyang mga barkada ang kantang gustong-gusto ko. Palapit na siya ng palapit sa akin. Hanggang sa isang hakbang nalang ang pagitan namin.
Ngunit agad akong nanlumo nang humakbang pa siya ng isa. Lumingon ako sa likod at nakitang naroon si Marika, nakangiti habang hinihintay na makalapit sa kanya ang bestfriend kong si James.
Matagal na kaming magkaibigan ni James. Simula pagkabata hanggang ngayon ay palagi kaming magkadikit. Kuya lang ang tingin ko sa kanya noon hanggang sa unti-unti ng lumalabas ang kagwapuhan at kakisigan niya. Noon ako unti-unting nagkagusto sa kanya hanggang sa isang araw paggising ko. Hindi na kuya ang turing ko sa kanya.
Muli akong sumulyap sa kanila. Tumayo na mula sa pagkakaluhod si James atsaka yinakap si Marika. Nakita kong naroon ang tropa namin sa likuran nila at naghahampasan sa sobrang kilig. Tumalikod na ako atsaka naglakad palabas ng Gym. Pahakbang na sana ako nang mahagip ng mata ko ang isang lalaki na naka all-black at patagong nakatingin sa kinaroroonan nina Marika. Agad akong umiwas nang tingin ng magtama ang mata namin.
Nagulat na lamang ako nang biglang may humatak sa akin. At dahil sa sobrang bilis ay na-out of balance ako at natumba. Handa ko ng indahin ang sakit ng pagkakabagsak ko ngunit imbis na ang matigas na sahig ay isang malalambot na labi ang aking naramdaman. Nang idilat ko ang aking mga mata ay sa halos mahimatay na ako sa gulat. Sa akin nakatingin ang halos lahat ng estudyante at halatang gulat na gulat din sa pangyayari. Agad na hinanap ng mga mata ko ang lalaking gumawa non. Nakita ko siyang nakangisi atsaka nagmamadaling tumakbo palayo. Naiwan akong tulala. Sino ang lalaking iyon? At bakit niya ginawa ang bagay na iyon
WTF!?
BINABASA MO ANG
Bitter meets Heartbreaker
TeenfikcePosible nga bang mainlove ang Bitter sa mga sweet lines ng isang Heartbreaker?