Chapter 2

32 0 0
                                    

Ito ang unang araw ng pag pasok namin sa school, at aamin ko na nakakaramdam ako ng kaba dahil magtatagpo nang muli ang landas namin ni Yuji.

Kinuha ko ang susi ng kotse ko sa drawer at bumaba na sa sala kung saan naghihintay si Nial.

"Oh! Good Morning Ms. Business Woman!" bati n'ya sa akin. Inirapan ko lang s'ya.

"Tara na baka mahuli tayo sa klase." naglakad ako palabas at sumunod lang s'ya.

Business Management ang course ko at 2nd year na ako. At etong si Nial kagaya ko lang din ng course kaso 3rd year na s'ya.

"Mahigpit ba ang mga Prof. sa school mo?" tanong n'ya habang nasa biyahe kami. Ako ang nagmamaneho.

"Okay lang..." sagot ko.

"Madami bang chiks don?" Bigla akong nagpreno dahil sa tanong n'ya.

Tumingin ako sa kanya.

"Ku-ng nakakamatay lang ang pagtingin? M-alamang patay na ako 0.5 second ago..." Nauutal pa s'ya habang sinasabi 'yan.

Pinaandar ko na muli ang kotse.

Tahimik na ang biyahe dahil takot s'ya.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Bumukas ang Black na gate ng school.

Ipinasok ko ang kotse ko.

Lahat ng tao nagtitinginan, currious kung sino ang tao sa loob ng kotse.

"Hay.. Grabe.. Hindi ka pa nila nakikita nakuha mo na agad ang-"

"Manahimik ka Nial." Utos ko sa kanya.

"Sabi ko nga eh."

Ipinarada ko ang kotse ko at bumaba si Nial.

Hindi ko na hinintay pa na pagbuksan n'ya ako ng pinto.

Bumaba ako at inilibot ang paningin sa paligid. Lahat napanganga nang makita nila ako.

Nagbalik na ang leader ng Bloodline. BITCHES!

"Nagbalik na s'ya..." Bulong ng mga tao.

"Wow famous!" Natatawang sabi ni Nial.

Lumakad ako at lahat ng mga tao kusang nagbibigay ng daan para sa akin.

*Crish' POV*

Nasa rooftop kami nina Erich, Ezra at Cleo nang biglang dumating si Kian na para bang tumakbo mula Luzon hanggang Mindanao.

"Oh! Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"NAGBALIK NA S'YA!" Napatayo kaming apat dahil sa sinabi n'ya.

"Sigurado ka!?" Tanong ni Ezra.

Hindi sumagot si Kian, hinila n'ya nalang ako bigla pababa.

Sumunod sina Cleo.

Halos mag iisang taon s'ya nawala at hindi namin alam kung saan s'ya nagpunta!.

Ang dami naming tanong na araw araw gumugulo sa isipan namin.
Ngayon mabibigyang kasagutan na!.

Nang makababa kami, nakita namin agad s'ya.

"CHEZA!" sabay sabay naming sigaw.

Napatigil s'ya at nilingon kami.
Halatang nagulat s'ya pero idinaan n'ya sa pagngiti.

Lumapit s'ya sa amin.

"Miss me?"

"What happend to you?" Tanong ni Cleo.

My Red Tide BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon