Maagang pumasok noon si Gelo, sa kagustuhan na malaman ang dahilan kung bakit gusto siyang pumasok ni Nicole ng maaga. Ano kaya ang dahilan? Marahil kaya tunkol ito sa misteryo ng paaralan?
Maagang maaga pa noon at maulan ulan ang panahon. Sinara na ng tuluyan ni Gelo ang kanyang jacket dahil sa sobrang lamig.
Habang naglalakad sa kahabaan ng corridor sa gusali ng mga senior, tila nakaramdam siya ng hindi normal na lamig.
"Bakit sobrang lamig naman yata?", tanong niya sa kanyang sarili.
Malapit na siya sa kanyang classroom nang nakita niya ang isang hallway na kailanman ay hindi napupuno ng mga tao. May nakaharang din na notice sign dito na, "No entry".
Nang bigla niyang maalala ang paalala ni Nicole kahapon sa kanya, "WAG NA WAG KANG LALAPIT SA LUMANG PASILYO NG NAG IISA KA LANG."
Biglang nakaramdam ng takot si Gelo nang kusang lumalapit ang kanyang mga paa sa naturang hallway.
"A-anong nangyayari!? Bakit hindi ako makakilos ng maayos?", muli niyang tanong sa sarili. Tila napangunahan na siya ang kuryosidad kung ano ang nandoon sa lumang parte ng gusaling iyon.
Hininto siya ng kanyang mga paa sa isang abandunadong classroom. Sinilip niya ang loob ngunit napaka dilim nito. Pinilit niyang idilat ang kanyang mga mata upang may maaninag. Ngunit wala namang nandoon.
Nararamdaman niya na palamig ng palamig ang ihip ng hangin. Hindi na niya alam ang gagawin.
"Ito na siguro yung misteryo ng paaralang ito. Ngayon ay alam ko na kung bakit ayaw akong papuntahin ni Nicole mag isa rito.", sambit niya sa sarili at takot na takot na.
Aalis na sana siya ng may bigla siyang narinig mula sa loob ng classroom. Sinundan iyon ng mga kaluskos, pagkatapos ay ang mahinang pag iyak ng isang babae.
"A-ano iyon?", takot na takot na sabi ni Angeal. Sinundan pa iyon ng napaka lungkot na tugtog ng piano sa loob na umalingawngaw at sumira sa nakamamatay na katahimikan sa buong gusali.
"Miss? May tao po ba dyan sa loob?", nanginginig na tanong ni Gelo.
Patuloy sa pag iyak ang babae at palakas pa ito ng palakas.
"Miss? Okay lang po ba kayo?", muling tanong ni Angeal.
BAAAANG!!!!
Halos takasan ng ulirat si Gelo sa kanyang nasaksihan.
Bigla biglang humampas ang isang duguang mukha ng babae sa bintana ng pintuan!
Walang itim ang mga mata nito at siya ay lumuluha ng dugo.
Pinapalo niya ng malakas ang pintuan at pakiramdam ni Gelo ay malapit na siyang makawala.
"Tulungan mo ako! Tulungan mo ako!!", sigaw ng babaeng duguan ang mukha.
"Aaaaaaaaahhh!!", napasigaw na lamang si Gelo at walang magawa.Hindi niyamaigalaw ang kahit anong parte ng kanyang katawan dahil sa takot.
Nabasag na ang salamin at kitang kita na niya ang mukha ng babae na naliligo sa kanyang sariling dugo.
"TULUNGAN MO AKOOO! IKAW LANG ANG MAKAKATULONG SA AKIN!", sigaw nito na tila nagmumula sa malalim na balon ang boses. Naging itim na ang kanyang mga mata at tila desperadong makahanap ng tulong mula sa kanya.
Matapos ang ilang sandali ay nawalan na ng malay si Gelo.
-------
Nagising sa clinic si Gelo ilang minuto lang ang nakakalipas.
Nang minulat niya ang kanyang mga mata, bumungad sa kanya sina Mark at Nicole na labis na nag aalala.
"GELO! Oh my god, are you okay?", alalang alalang tanong ni Nicole.
Sinubukang niyang tumayo ngunit medyo nahihilo pa siya.
"Nicole? A-ano bang nangyari sakin?", naguguluhang tanong ni Gelo.
"Nakita kana lamang namin na nakahiga sa forbidden corridor ng building! Buti na lamang at maaga kaming pumasok ni Mark at nadala ka namin dito sa clinic.", ang sabi ni Nicole.
Sinubukan niyang alalahanin ang mga nangyari, at muli siyang nanlamig.
"Mark, p-pakuha nga ng jacket ko. Giniginaw na naman ako."
Mabilis na hinablot ni Mark ang jacket niya at ibinigay sa kanya. Isinuot niya agad iyon at isinara ng buong buo.
"Pre, bakit ka nga ba biglang nawalan ng malay dun sa corridor?", tanong ni Mark.
"May naramdaman kase ako na hindi maipaliwanag na malamig na presensya. Sinundan iyon ng aking paa at hindi nagtagal, nakakakita ako ng--", bigla siyang natigilan sa pagsasalita nang maalala niya ang nakakapanindig balahibong mukha ng isang multo!
"Ituloy mo lang, Gelo.", ang panghihikayat ni Nicole.
"Okay. Ayoko man paniwalaan ang lahat, ngunit sigurado akong nakakita ako ng isang multo. Multo ng isang babaeng tumatangis at humihingi ng tulong."
Nagulat ang dalawa sa kanilang narinig at napabalikwas. Biglang may umihip na sobrang lamig na hangin.
"Mukhang nakita na niya ang kaluluwa ni Lucy, Nicole!", kinakabahang sabi ni Mark.
"Oo nga alam ko yon. At tsaka, malalaman at malalaman din naman iyon ni Gelo eh. Mas maganda nga kung maaga pa lang eh malaman na niya ang misteryong bumabalot sa paaralang ito.", ang baling ni Nicole.
Nalilito pa si Gelo sa kanyang mga naririnig mula sa kanyang mga kaibigan.
"Huh? Bakit kailangan hanggat maaga pa eh malaman ko na kaagad ang misteryong iyon? Ano ba ang mga nangyayari? Bakit siya humihingi ng tulong sa akin?", sunod sunod niyang tanong.
"Ha!? Sinabi sa iyo yan ni Lucy!?", tanong ni Mark.
"Oo Mark! At ang sabe pa niya, ako lang daw ang makakatulong sa kanya!"
Nagtinginan ng makahulugan sina Mark at Nicole.
"Guys ano ba talaga ang meron?", muling tanong ni Gelo
"Gelo kailangan na nating bumalik sa ating kwarto panandali. Pag usapan natin ito mamaya.", natatarantang sambit ni Nicole dahil ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang kanilang klase.
----------
Angelo POV
Labis pa akong naguguluhan sa mga nangyayari! Pangalawang araw ko pa lamang sa paaralang ito ngunit kung ano ano na ang mga nararanasan ko!
Kakatapos pa lamang ng aming quiz sa Araling Panlipunan. Maaga ko iyong natapos, kaya naman nagpasya ako na pag isipan pa ang mga kababalaghang nangyayari dito sa loob ng paaralang ito.
Si Lucy. Sino nga ba si Lucy? Ano ang sanhi ng kanyang kamatayan? Bakit siya humihingi ng tulong sa akin?
Ano ba ang nangyari sa nakaraan? At bakit hanggang ngayon ay hindi matahimik ang kanyang kaluluwa?
Ano ang dahilan?
Pakiramdam ko ay mabilis akong nasasangkot sa nakaraan ng paaralang ito. Tsk. Nandito lang naman ako para mag aral eh!
Hmmm. Pero naisip ko rin na nangangailangan ng tulong si Lucy.
At kailangan ko pa ng maraming impormasyon tunkol sa kanya.
Ang aking plano ay ang kausapin sina Mark at Nicole tungkol sa naturang misteryo.
Pero anong gagawin ko? Paano ko siya tutulungan?
--
Ilang minuto na lamang at magchecheck na kami ng mga quiz. Kailangan ko pang mag isip ng mga bagay bagay tungkol dito.
Kailangan kong masagot ang mga tanong na umiikot sa aking isipan. Ano man ang mangyari, hinding hindi ako matahimik hanggat hindi ko nareresolba ang MISTERYO NG NAKARAAN.
BINABASA MO ANG
In Loving Memory Of Lucy Rose Carmel
HorrorIsang transferee si Angelo Cruz sa isang eskwelahan, ang St. Mary University. Maraming misteryo ang bumabalot sa naturang unibersidad, at nang malaman ito ni Gelo, tila nagsimula siyang makaranas ng mga bagay na hindi kayang maipaliwanag na mga pang...