Chapter 5: Pangako

272 16 1
                                    

Matapos marinig nila Gelo, Nicole, at Mark ang kwento ni Michelle, maraming mga bagay ang umikot sa kanilang mga imahinasyon.

At dahil ilang minuto na lamang at magtataym na, binilisan na nila ang pagkain ng mga natitirang pagkain at mabilis na bumalik sa kanilang classroom.

"Guys pagpapatuloy pa natin ito sa lunch break ha?", ang paalala ni Gelo sa kanyang mga kaibigan.

Tumango sila at tahimik na nagsiupo sa kani kanilang mga upuan.

------------

Angelo POV

Habang nagdidiscuss ang aming teacher, nag isip isp ako ng mga bagay tungkol kay Lucy.

Malaki ang naitulong ni Michelle sa akin upang unti unti kong malutas ang misteryong ito.

Kaunti pa lamang ang aking nakukuhang mga impormasyon, ngunit sa tingin ko, napakahalagang bagay ng diary na hinahanap ng kaluluwa ni Lucy!

Ang diary na iyon ay magbibigay sa amin ng impormasyon tungkol sa kanya!

Pero...

Saan ko hahanapin iyon?

"Mr. Gelo!", sigaw ni Mrs. Kim.

Wagas ang pagkagulat ko ng mga oras na iyon. Masyado akong napalalim sa aking pag iisip!

"Y-yes mam?", kinakabahan kong tugon. Patay ako nito. Nakatingin lahat ng kaklase ko sa akin.

"You seem to be lost in mind. May bumabagabag ba sa iyo?", mahinahon niyang tanong.

Hindi ko na matiis ang lahat ng mga tanong sa utak ko. Kaya, hindi na ako nagdalawang isip. Anuman ang mangyayari sa akin, haharapin ko nalang ito ng buong tapang.

"Mam, ano po ang nalalaman ninyo tungkol sa kamatayan ni Lucy?"

Napalunok na lamang ako ng laway. Nakabibing na katahimikan ang umalingawngaw sa buong classroom.

"Grabe ka naman magtanong Gelo! Baka may mangyari sa iyo niyan!", babala ni Nicole. Bakas sa kanyang mukha ang labis na kaba. Napag usapan na nila ang tunkol sa pagpapatalsik sa mga taong masasangkot sa misteryong ito.

Tumingin ako kay Mrs. Kim na kasalukuyang lumalakad papunta sa gitna ng klase.

"Mr. Gelo, may mga bagay na kailangan na lang kalimutan. May mga bagay na hindi na dapat pakialaman pa. May mga bagay na dapat na lang ibaon sa limot para sa ikabubuti ng lahat."

"Pero mam," pangangatuwiran ko. "Hindi naman po sa nambabastos ako. Bago pa lamang po kasi ako sa paaralang ito at nakakaranas ako ng mga bagay na hindi normal."

Nagbulungan ang mga kaklase ko. Narinig ko ang ilan na nagsasabi,

"Hindi kaya, inuungkat niya ang madilim na nakaraan?"

"Baka nga! Naku, kapag nalaman yan ng mga kinauukulan, papatalsikin si Gelo sa school na ito dahil ayaw nilang maapektuhan ang reputasyon nito!"

Marami pa akong mga naririnig na mga bagay. Nakaramdam ako ng kaba. Baka nga hindi ko na matupad ang aking mga pangarap kung patuloy akong mangingialam sa nakaraan ng paaralang ito.

Nanahimik na lamang ako at magalang na nagsalita ng, "Opo mam. Hindi ko na po uulitin."

Nagpatuloy na si Mrs. Kim sa kanyang pagtuturo.

Kaasar! Hindi ako makapaniwala na ginaganto nila si Lucy!

Marahil kaya.. kinuha pa nila ang libro ni Lucy? Pero bakit?

In Loving Memory Of Lucy Rose CarmelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon