Nakalutang lamang si Lucy at pinagmamasdan sina Gelo, Jia, at Tammy.
Isang kidlat na naman ang nag ingay. Mas lalong nababaha sa dugo ang buong library.
"Jiiiaaaa...", nakakapangilabot na ungol ng multo ni Lucy.
Tumingin si Jia kay Gelo, "Gelo hawakan mo ako. Anuman ang mangyari, huwag mo akong bibitawan."
Ginawa niya iyon at lumakad palapit kay Lucy si Jia.
Mas lalong umiyak si Lucy.
"Jiaa.. patawariin mo akoo..."
Medyo nagulat si Jia sa narinig, "Pero Lucy, ako ang dapat na nagsasabi niyan diba? Kung hindi dahil sa akin.."
Mabagal na tumulo ang mga luha ni Jia, "Kung hindi dahil sa akin, hindi ka sana nagkaganyan ngayon.. Dapat pala simula pa noong una ay hindi na kita naging kaibigan."
Patuloy lamang sa paglutang ang duguang si Lucy at nakikinig.
"Lucy, im so sorry!", pagkatapos ay humagulgol si Jia.
"Hindi ko ginustong mangyari ang lahat ng ito. Gusto lamang ako protektahan ni Tammy kaya niya nagawa ang bagay na iyon sa iyo, pero kahit kailan hindi namin ginusto na mangyari ang lahat ng ito.."
Lumapit sa isang gilid niya si Tammy at hinawakan ang isa niya pang kamay.
"Lucy," ani ni Tammy. "Patawarin mo ako. H-hindi ko sukat akalain na ganon kababa ang tingin mo kay Jia, kaya nagalit ako sa iyo ng husto. Pero inaamin ko na ako ang lahat ng dahilan kung bakit ka namatay kaya naman.."
Pagkatapos ay umiyak na rin si Tammy.
"P-please patawarin mo na si Jia! Hindi na ako makakahingi pa ng kapatawaran mula sa iyo, pero gusto kong makatulong sa ikatatahimik ng kaluluwa mo na siyang ikatatahimik din ng aking konsensya sa iyong pagkamatay."
BAAAANG!!
Kumidlat na naman at nang makita nila ang multo ni Lucy, tila naibsan ng kaunti ang takot nila.
Wala nang dugo ang kanyang katawan at hindi na nakakatakot ang kanyang muka, nagliwanag ang buong paligid, at makikita sa kanyang likuran ang mga pakpak ng isang anghel.
Maaliwalas at sobrang ganda na ang kanyang mukha at siya ay.. masayang umiiyak. Mas lalong nagpalutang sa kanyang kagandahan ang napaka puting gown na kanyang kasuotan.
"N-nasaan tayo?", natatarantang tanong ni Gelo.
Bahagyang natawa si Lucy sa kanya.
"Hay nako Gelo. Hahaha. Ikaw talaga. Nasa kalangitan na kayo ngayon. Pansamantala, dahil gusto ko kayong makausap ng maayos."
Patuloy lamang sa pag iyak sina Jia at Tammy.
Lumipad sa kanila si Lucy at sila ay mahigpit na niyakap.
"Napatawad ko na kayo. Sa katunayan, ako ang may gustong ipaghingi ng tawad sa inyo."
"Pero bakit?", tanong ni Jia.
Tumingin siya sa librong hawak ni Jia. Kinuha niya iyon at sa isang iglap ay nawala na ang mga bahid ng dugo nito.
Pagkatapos ay binuklat niya iyon at binigay kay Gelo.
"Gelo, ikaw na ang magbasa niyan para sa amin. Diyan ko na lamang isinulat ang mga entry ng diary ko dahil kinuha na ni Tammy ang luma kong diary noon."
Medyo namula si Tammy at nanahimik na lamang.
"Okay babasahin ko na.."
--
BINABASA MO ANG
In Loving Memory Of Lucy Rose Carmel
TerrorIsang transferee si Angelo Cruz sa isang eskwelahan, ang St. Mary University. Maraming misteryo ang bumabalot sa naturang unibersidad, at nang malaman ito ni Gelo, tila nagsimula siyang makaranas ng mga bagay na hindi kayang maipaliwanag na mga pang...