K's POV
Good evening gorgeous. Happy Monthsary looking forward to our trip tommorow. I love you! :* -D
I smiled after reading his text a part me is happy na naalala niya yung monthsary namin just like before. In the first two years of our previous relationship walang palya yung mga surprises niya sakin every monthsary namin.
Pero eventually natigil lahat at kahit simpleng greetings na lang nawala na din. Nung una akala ko dahil lang sa busy siya sa work niya nagsisimula na kasi nung pumatok yung loveteam nila ni Marian. I tried to understand him at pinalampas ko na lang yung kawalan niya ng oras sakin. But little did I know na kaya pala natigil yung monthsary greeting and pasabog ng tinamaan nang magaling kong boyfriend ay dahil may iba na palang sini celebrate na monthsary.
Ayyyy! tili ni Sidney na nagpabalik sakin sa kasalukuyan.
Napabuntong-hininga na lang ako ng makita ko na naibato ko pala yung cellphone niya.
Ana Karylle mahal kita alam mo yan. Pero gosh! Wala akong back-up ng mga pictures sa fone ko na yan dahil kabibili ko lang niyan after mo mabasag yung isang cellphone ko. Sa dami nang maibabato mo yang mdaming files at important contacts ko pa yung napagdiskitahan mo. Hindi kita kinakaya girl! Hindi talaga. Napahawak ako sa ulo ko sa ingay ni Sidney I wanted to snap at him pero dahil ako ang may kasalanan I decided na manahimik na lang. Besides hindi ito yung first time na naihagis ko yung cellphone niya this is probably the third time.
Relax Sid. I'll buy you a new one gagawin ko nang dalawa para may back-up ka. And please ilayo mo sakin ng 100km. para hindi yun ang una kong nakukuha.
He was about to protest pa sana pero napatingin siya sa cellphone ko at tumango na lang.
Great! Now let's keep rollin. At kailangan kong matapos lahat ng commitments ko today so I can finally be free for tommorow. I said before I focus to my fone and think of what to reply to him.
Oh you remembered? Funny that you were so keen with the dates lately. Last time I check you totally forgotten the word monthsary greeting two years ago. Keep on taking the brain supplement it proves to be effective. ;) Kiddin. Happy monthsary too. Be there around 3 tommorow. See you!
I smirked after I hit send. Palagi kong pinapaalala sa sarili ko na iwasan maging mean sakanya and try to be malambing pero kapag bumabalik sa isip ko yung ginawa niya dati. Hindi ko mapigilang maging sarcastic.
Harsh! Pasalamat ka mahal kita. :( We are about to sleep call you tommorow. Goodnight. I love you.
Napa eye roll na lang ako sa reply niya bago itinabi yung phone ko.
Nandito na naman yung familiar na sakit. Minsan hindi ko maiwasan mainis sa sarili ko. Ang simple-simple ng buhay ko pero ginagawa kong kumplikado. Wala pang mahal na araw pero pinaparusahan ko na yung sarili ko.
Pero kapag naiisip ko yung dahilan ko kung bakit ginagawa ko to. Pakiramdam ko worth it naman lahat. Maybe when all of this is over I could finally be happy.
Hey anong iniisip mo? malambing na tanong niya sakin bago yumakap mula sa likod.
We were in subic kahit na muntik ng macancel yung lakad namin dahil sa biglaan siyang pinatawag ng manager niya. Buti na lang may diniscuss lang pala sakanya regarding sa bagong project na inooffer sakanya. Kung hindi baka after two months na naman bago matuloy tong trip na to dahil he will leave the country on monday with his wife para sa late honeymoon nila.
Yeah you read it right his wife. Ako si Ana Karylle Tatlonghari at isa akong mistress. In my defense akin naman siya dati inagaw lang siya sakin kaya wala akong nakikitang mali dito. I just want to let his wife taste the dose of her own medicine.
Two years ago I thought I have everything a prosperous career, my parents may have been separated pero pinaparamdam nila sakin that they are always there for me. I have two wonderful siblings, and friends that I can fully trust and lean on. And dingdong siya yung pinaka dahilan kung bakit perpekto yung tingin ko sa buhay ko.
I used to say na hindi ko na pinagdududahan kung naririnig ba ng Diyos yung dasal ko. Kasi binigay niya sakin si Dingdong. Binigay niya yung prince charming na dinadasal ko na dumating umpisa palang nung nainlove ako sa fairytales na madalas basahin ni mama for me.
Kaya para sakin he will always be my answered prayer.Pero parang nag crumble yung mundo ko when he cheated on me. Nadevelop siya sa kaloveteam niya I was so devastated during that time kaya nakapaghiwalay agad ako.
I tried to move-on pero nastuck pa din ako. After a year we met again he said that he is still inlove with me at kung gaano siya nagsisisi na nawala ako sakanya.
I slapped him 10 times bago ko siya hinalikan. Niyakap niya ko kahit halatang nagulat siya.
Babe may problema ba? I was brought back in the present ng magsalita si dingdong.
Ahm. Wala babe I was just admiring the view. pilit ang ngiti ko na sagot.
You sure? Pang-ilan beses naa natin dito. Di ka paba nagsasawa?
Uhm. Noo. I like it here. Pag nandito tayo parang ang simple lang. Parang gaya lang ng dati ako si Ana tapos ikaw si sixto. I sighed as I remembered how this place became our happy place bago pa kami naghiwalay.
Malapit na babe. Babalik na din tayo sa dati. He said before kissing me on my forehead and hug me.
Yea malapit na. At sana pag dumating yung araw na yun kaya kung piliin na bumalik tayo sa dati kesa ang saktan ka. Sana ako pa din yung Karylle na minahal mo at minahal ka dati. Hindi yung karylle ngayon na mas mahal na yung sarili niya. I thought habang niyakap siya pabalik.

BINABASA MO ANG
Out of her league
Fiksi PenggemarOne upon a time there was a princess. When she met her prince, she thought they were about to have their happy-ever-after. But fate decided to play on her a witch came and stole her prince from her. The princess did everything to have her prince ba...