"Pauwi ka na? Halika, hatid na kita." Nagulat ako nang biglang may tumigil sa harap kong kotse. Kulay pula at mukhang mamahalin, gaya ng nasa driver's seat. Mamahalin mo, naks!
Kunwaring lumingon pa ako sa likod at paligid. Sabay turo sa aking sarili. "Ako?" Pabebe 'di ba?
Nakangiting tumango siya. "Ikaw na lang naman ang tao rito." Sabay bukas niya sa pinto ng passenger's seat.
Nakangiwing umiling ako. Nakakahiya kahit pa gustong-gusto ko.
"Huwag na. May dumadaan naman sigurong taxi rito." Tumanaw-tanaw pa ako sa kadiliman ng magkabilang kanto. Pero parang sarili ko lang ang niloloko ko kasi wala namang sasakyang dumaraan. Puro pribadong kotse at single motor lang.
"Sige na, mahirap sumakay rito. I don't mind kahit sa kabilang mundo ka pa nakatira." Sabay kindat niya sa akin.
Woah, pakipot pa ba 'te? Hindi na.
Dali-dali akong sumakay at isinara ang pinto. Sabay pa kaming nagkatawanan bago sinabi niyang ayusin ko raw ang seatbelt ko.
"So, where do you live, Yanna?" sumulyap lang siya at ibinalik na rin ang tingin sa daan.
Napakunot-noo ako dahil hindi ko pa naman sinasabi ang pangalan ko. Hindi na kasi siya nakabalik kanina sa mesa ko. At least siya sikat kaya kilala ko na.
Ibubuka ko pa lang ang labi ko para magtanong nang ngumuso siya sa bandang dibdib ko. Napayuko ako at nakita ang kuwintas na maliit pa lang ako ay pag-aari ko na. Oo nga pala, may naka-engrave ditong pangalan ko.
"Munoz, QC." Tanging nasambit ko habang hawak ng kanang kamay ang kuwintas. Grabe, ang bango kaya ng kotse niya.
Ngayon ako naiinis kung bakit hindi traffic. Sana mga dalawang oras kaming ma-stranded sa daan o kaya ay bumuhos ang napakalakas na ulan, tapos bumaha para magkasama pa rin kami hanggang bukas.
Sama 'di ba?
Tumango-tango lang siya bago lumiko siguro para sa short cut.
Para akong istatwa sa pagkakaupo. Ni ang paghinga ay nakalimutan ko na ata dahil sa presence niya. At isipin mo pang halos abot ko na lang siya na dati e, nasa laptop o wallpaper lang ng cellphone ko ang mukha niya.
Pero ngayon...
Pasimple akong sumulyap sa kaniya pagkatapos ay ibinalik ko rin kaagad sa harapan ang tingin. Aw, nakakahiya nahuli niya akong tumingin. Kasi naman, I can't resist!
"Breath in... breath out..." narinig kong saad niya.
Bigla ang ginawa kong paglingon at nakakunot-noo dahil sa pagtataka. Ibubuka ko na sana ang aking bibig para magtanong nang magsalita siyang muli.
"Marunong ka ba noon? Mukhang hindi ka na kasi humihinga, e." sabay nang mahinang tawa.
Nakakainis, nahalata pala niya. Tipid na napangiti na lang ako at sabay pagbuga ng hangin.
Wew, ano bang nangyayari sa akin? Grabe ang epekto Jaden, ha?
"Pasensiya na talaga. Hindi kasi ako makapaniwala na ganito... narito ako sa kotse mo, kinakausap mo at... a, basta!" saglit akong napasulyap sa kaniya para tingnan ang reaksiyon niya.
A, mukha ba akong tangang nagko-confess? Ano ba Yanna, umayos ka nga!
"Ayos lang. At least hindi ka katulad ng iba na, "Aaaah... Jaden! Alam mo mahal na mahal kita. Kahit isang gabi lang." Kaloka 'di ba." Sumulyap pa siya sa akin bago ibinalik sa daan ang tingin.
Natawa ako dahil pinaliit niya pa ang boses na parang sa isang babae.
"Bakit ayaw mo bang ginaganoon ka?" Tumagilid ako para mapaharap sa kaniya.
"Hmmm... siyempre masarap sa pakiramdam na marami kang fans. Pero sabi nga ni spiderman: "Great power comes great responsibility," ganern!" Tumawa pa ito nang malakas.
Natawa naman ako. Hay, lalo akong nai-in love sa taong ito. Ang sarap kausap.
Hindi no!
Hindi ko naiisip na bakla siya. Natural lang siguro ang pagiging kuwela niya.
Hindi ko napansin na tumigil na pala siya sa pagda-drive. Napalingon ako sa labas ng kotse. Pumaparada siya sa isang hindi pamilyar na restaurant.
Ha?
Nais ko sanang magtanong kaso nakababa na pala siya at binubuksan na ang pinto sa tabi ko. Nalilitong bumaba na rin ako.
"B-bakit tayo narito?" tanong ko bago inayos ang nagusot kong damit.
Ngumiti siya sabay sabing nagugutom na raw siya. Hindi pa pala siya naghapunan. Hindi ako nagpahila nang hawakan niya ang braso ko para pumasok na sa restaurant. Alanganing sinulyapan ko ang damit kong sleeveless at pants.
"Okay lang 'yan. Hindi lang naman naka-formal attire ang puwedeng kumain diyan. At isa pa, nadadaan sa mukha 'yan." Kumindat pa siya bago inaya muli akong pumasok na sa loob.
Nagpaubaya na ako. Kenekeleg ako sa sinabi niya, e.
Demented:
Munting Koleksiyon
2016
BINABASA MO ANG
Demented
Mystery / ThrillerNais mo rin ba siyang makilala? Demented consists of 2 one shots stories: 1. Munting Koleksiyon - rank #5 in Wattpad Lovers contest 2016 2. Munting Ampon © jhavril All rights reserved March 23, 2016