Fifth part

7 0 0
                                    

Akiraine.

"Hi ate cass! Kamusta po?" masiglang bati ko kay ate cass. Medyo nagulat pa nga sya sa pagdating ko eh.

"Oy! Andyan ka pala! Halika dito tayo sa loob. Tamang tama andito ngayon si Esie." excited pa nyang sabi tapos hinila nya ako papasok dun sa tambayan nila sa loob nang botique.

Almost two weeks na akong nagpupunta dito. Napasarap kasi ako sa pagtambay sa botique na to eh. Tapos ang sarap pa kausap ni ate cass! Pero sa two weeks na yun hindi ko pa nakikita yung anak niya. Hindi din naman ako ganun ka interesado eh.

Pinaupo lang ako ni ate cass sa may couch nila. At napansin ko na lumapit sya dun sa lalaking naka talikod samin. May hawak syang gitara. Mukha inaayos nya yung pagkakatono nito.Bahagya silang lumapit sa may puwesto ko.

Infairness naman sa mukha nya ang gwapo ah...Teka nga! Sige na nga minsan lang naman ako magwapuhan sa mga taga dito eh.

"Ahmm so Aki, this my son Euhan clark ching, And esie this is akiraine reyes my friend."pagpapakilala samin ni ate cass.

"Hi clark? "Parehas pa silang natigilan.

"Esie na lang... hindi kasi ako sanay nang Clark." medyo seryoso nya pang paliwanag habang seryoso ding nakatingin sa phone nya.

"Well masanay ka na kasi simula ngayon meron nang tatawag sayong clark at ako yun." nakangiti ko pang sagot.

Bahagya namang kumunot yung noo nya. Habang patuloy pa din syang nakafucos dun sa ginagawa nya. At hindi manlang nagabalang tumingin sakin at ngumiti. Napakahirap ba sa kanya na ngumiti manlang?

At bakit ba parang napaka big deal sayo yung hindi nya pagngiti?

At kelan ka pa nagkaroon nang pakialam sa mga lalaking hindi ngumingiti aber?

At saka isa din naman ako sa kanila eh.

"Hmm aki dito na tayo sa labas may ipapakita ako sayo sandali"bigla namang sabi ni ate cass.

Siguro napansin nya na hindi naman kumikibo yung anak nya. Mabuti na din kasi baka mapanis lang yung laway ko sa kanya.

"Pasensya ka na sa anak ko huh. Tahimik lang talaga yun eh. Pero mabait naman yun :)" pagpapaumanhin nya.

"Haha ok lang po. Pero kasi kayo ni kuya palangiti tapos sya...hmm parang ang sungit!"

"Hmm ganun lang talaga yun. Pero kapag naging close na kayo nun naku makikita mo yung tunay na Esie. Yung Esie na sobrang masiyahin at makulit."paliwanag nya

"Hmm alam mo ate pansin ko lang sa anak mo medyo may pagka misteryoso."Nakakunot noo kong pagkakasabi.

"Hmm hindi naman ahh. Alam mo ba kapag napapagalitan namin yan nagkukulong lang yan sa kwarto nya. Kasama yung gitara nya tumutogtog lang sya."

"Hmm loner po ba sya?" tanong ko naman.

" Naku hindi ang dami nga nyang kaibigan eh. Lagi nga kaming naiinis kasi lagi na late umuuwi kasi lagi na lang silang humahangout nang mga kaibigan nya. "

Napatango na lang ako sa kanya. Hayy siguro masaya kapag naging close kami nang gagong to!

"Hmm ate hindi naman siguro nangangain yun ano?"

"Hahaha ano ka ba hindi naman halimaw yung anak ko!" natatawa nyang sabi

Pinapanood ko lang si Clark.
Nakita ko na parang busy sya sa tinutugtog niya. Medyo naiinis pa nga sya kasi parang di nya makuha yung tamang chords.

Medyo lumapit ako sa may side nya.

At tama nga. Nahihirapan syang tugtugin yung kanta.

"Ahh pano nga ba kasi yung chords nun?"inis nya pang bulong.

Parang alam ko na kung ano yung tinutugtog nang isang to. Base sa strumming nung gitara alam ko na agad eh.At nagkakamali nga sya dun sa last chord kasi iba yung tono na lumalabas.

Nang malapit na sya dun sa last...

"Hmm dyan yung tamang possition nang kamay. Medyo mali kasi yung possition nung kamay mo."

Bigla ko kasing kinuha yung kamay nya at ipinusisyon kung saan yung tamang lugar nang kamay. inistrum naman nya agad yung gitara. At nakuha na nya. Napatango na lang sya.

"Thanks. Marunong ka?" Medyo nahihiya nya pang tanong.

Ngumiti lang ako tsaka tumango.

"Actually may gitara din ako kaso naiwan sa probinsya eh. Namimiss ko na nga tumugtog. Kaya lang wala pa akong gitara."

"Gusto mo minsan bonding tayo? i mean pahihiramin kita nang gitara if you want!"

Hindi naman masama yung offer nya. Tsaka may pagasa pa na maging close kaming dalawa. At baka may malaman din ako about sa kanya kapag lagi kaming magkasama.

Teka nga ? Ano close naman yung pinagsasasabi ko?At Kailan pa ako naging interesado sa lalaking to?

"Hmm talaga?" tanong ko sa kanya.

"Ahh O-Oo!"

"S-sige g-gusto ko yan!"

Leche bakit ba ako nauutal sa pesteng lalaking to? Alam kung gwapo sya pero... Hayy ayoko na ngang isipin.

"So ilang songs na yung alam mong tugtugin?" Pagtatanong nya sakin.

"Ahh konti pa lang eh hehe. Almost six months pa lang kasi akong tumutugtog eh haha tapos sobrang hirap pa lalo na kapag yung song eh puro plucking hayy punyemas! "

"Hmm halos masugatan na yung daliri mo. Tapos may slide pa hayy sobrang hirap. " Agaw bigla sa sinasabi ko.

"Ikaw matagal ka na bang tumutugtog?"

"Hmm two months pa lang akong tumutugtog eh!"

"Ahh ganun ba So----"

Bigla akong napatigil sa pagsasalita nang bigla na lang nagvibrate yung cellphone ko. Kainis naman sila kung kelan naguusap kami tsaka tumatawag. Hindi ba uso sa kanila yung word na timing bwisit!

"Si mama tumatawag wait lang huh!"

Tumango lang sya. Lumabas ako sa botique at saka ko pinindot ang answer botton.

"Hoy asan ka na ? Gabing gabi na umuwi ka na! Palagi ka na lang late umuwi. Hindi mo ba alam na may nagaalala sayo. iba ang probinsya sa maynila aki baka akala mo. Nasasanay ka na lang nang ganyan parati. Umuwi ka na ngayon huh.!" Sigaw nya sa kabilang linya mukhang galit na galit na sya.

Bigla ko na lang pinindot yung end botton. Ayoko na lang makipagtalo sa kanya kasi baka kung ano pa yung masabi ko. Lately lagi na lang lang kaming nagtatalo dahil lagi na lang akong late na umuwi. Naiinis ako sa kanya kasi lagi na lang syang sunod- sunudan sa asawa nyang ewan ko lang kong matino. And yun din yung reason kung bakit lagi na lang akong late na umuuwi.

Mas ok kasi yun para makaiwas ako sa kanila. Pakiramdam ko kasi isa lang akong malaking epal sa pamilya nila.

Bumalik ako sa botique.At nagpaalam na lang sa kanila . Nakita ko pa si Clark na busy pa din sa paggigitara. Ni hindi manlang nya nakuhang tumingin sakin na parang walang nangyaring closeness kanina peste!

Tingnan na lang natin Euhan Clark mapapapangiti din kita.

to be continued...

SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon