Fourt part

9 0 0
                                    


Akiraine

"Aki 30 minutes break!" sigaw nang manager namin

Sa wakas after nang limang oras na pags-serve makakaupo na din ako.
Pumasok na ako sa loob kung saan pwede kang magbreak.

"Aki sa labas ka na lang daw magbreak kasi hindi pa ok yung AC dyan.!" sabi ni loisa isa sa mga kasamahan kong server din.

Ngumiti lang ako sa kanya"sige salamat!"

Kinuha ko lang yung phone ko tsaka lumabas nang room.

Nakita ko na medyo ok yung isang table doon ko na lang binalak na tumambay.

Nakasalpak sa tenga ko ang headset nang cellphone ko habang kumakain ako.

Sorry na talaga kung ako 'y
medyo tanga ,
Hindi ako nagiisip nauuna ang
ang galit sorry na...sorry na

"Tenenen...nenet..tenene..nenet"sabay ko sa kanta na pinapakinggan ko

"Miss?"

"Sorry na..."sabay ko habang feel na feel ko pa ang pagkanta nito.

Natapos kong kantahin yung buong song nang nakapikit. Bigla akong napadilat at may isang magandang babae ang nakatingin sakin habang nakangiti.

"Ang ganda naman nang boses mo!"sabi nya sakin

SHIT..anak nang tokneneng naman oh! nakakahiya ka .

Nakatingin lang ako sa kanya habang kumakain.

"Tinatanong kita kanina kung pwede akong makishare nang table hindi mo naman ako marinig. Hindi mo din naman ako nakita kasi nakapikit ka."pagpapaliwanag nya.

So kanina pa sya?

At napanood nya ako?

Feel na feel ko pa naman yung pagkanta ko na parang nasa isang live concert ako nang paborito kong banda na parokya ni edgar punyeta!

Nakakahiya talaga peste!

"Pasensya ka na po sa boses ko walanjo medyo epic yung kanta ko."

"Ano ka ba. ang ganda nga eh. Sorry na yung title diba?" sagot naman nya

"Fan ka din po ba nang PNE?"tanong ko naman sa kanya

Bigla naman syang ngumiti"Hindi yung anak ko lang.!"

"Ah ganun po ba?"

"Bago ka no? Madalas kitang napapansin dito. hmm ako nga pala si ate Cassy !" nakangiti nyang pakilala

Ngumiti naman ako sabay lahad nang kamay "well nice meeting you po ate cassy . Aki reyes po"

Masaya lang kaming nagkwentuhan na dalawa. At masasabi ko na sa maikling pa lang na pagkakakilala namin eh parang sobrang close na naming dalawa.

Yung feeling na parang matagal na kaming magkakilala.

"Ate cass tapos na yung break time ko!"paalam ko sa kanya

"Sige.,sana makadaan ka mamaya sa botique ko huh?"

"Susubukan ko po."

"Sige aalis na din ako. its really nice meeting you dear. Mamaya nandoon yung anak ko papakilala rin kita sa kanya."nakangiti nyang sabi

I nod then, napakasarap nyang kausap this day nagkaroon ako nang kaibigan at instant ate pa. Hindi na lang si Allen yung kaibigan ko dito.

And yes! i really like ate cass kasi napaka-komportable nyang kausap.Yung feeling mo lahat nang problema mo sa buhay ay maiiconfess mo sa kanya.

Marami akong nalaman sa kanya. Na meron syang anak na lalaki.

Pagkatapos nang ilang oras ulit na pagttrabaho ay natapos din sa wakas. Agad akong nagpaalam sa manager namin na uuwi na.

Pagkalabas na pagkalabas pa lamang nang canteen ay nagpalinga-linga na ako para hanapin yung shop ni ate cass. Actually hindi naman sya mahirap hanapin kasi makikita mo agad yung malaking pangalan sa labas.

"ching's botique"

Grabe mukhang class ang botique na to ah. Pumasok ako at namangha ako sa loob nung botique nya. Ang astig kasi nang color combination ng wall nang botique black and white color tapos meron syang touch of cream.

Maayos din ang pagkakalagay nang mga damit sa bawat section nito. At meron din silang mini dressing room. Makikita mo kung gaano kaalaga ang may-ari nito.

Nakita kong nakaupo lang si ate cass sa may counter habang busy sya sa pagmamasid sa mga labas masok na costumer.Mukhang hindi pa nya ako napapansin.

Nang biglang may lumabas na isang costumer. Bigla syang napatingin sa may dako ko. Napangiti sya at lumapit sakin, agad nya akong binigyan nang quick hug.

"Uy! Kanina ka pa? Pasensya na huh ang dami kasing costumer kaya hindi ko napansin yung pagdating mo!" pagpapaumanhin nya sakin

"Ay! Ok lang po ako nga dapat kasi nakakaabala pa ako dito hehe nakakahiya tuloy !" medyo nahihiya ko pang sabi

Nagkwento lang sya nang mga tungkol sa past nya.

Ang lupet din naman nito. Kahit madami syang napagdaan na hirap hindi sya sumuko para harapin lang yun.

Ang saya nya kausap, yung tipong mageenjoy ka kapag nakausap mo sya. At magkakaroon ka nang lakas nang loob sa mga bagay bagay.At hindi lang yun kasi magaling din syang magadvice.

Kahit sa short period of time na magkakilala kami nagkaroon na ako pagkakataon na makapagshare sa kanya nang mga bagay about sa past ko.

"At sa mga nangyari before."

Parang kaibigan ko lang sya kung magadvice. napaka cool nyang tao.

"Hahaha so ayun po yung nangyari sayo before? haha ang epic naman po nang childhood nyo. Pero enjoy din naman at the same time diba?"

"Haha oo kasi alam mo yun. Thankful ako kasi naranasan ko yung mga ganung bagay. Samantalang yung ibang bata ngayon wala nang ibang ginawa kundi ang magcomputer haha" natatawa pa nyang paliwanag

Pinauusapan kasi namin yung panahon nang mga childhood namin. Kasi katulad ko din sya na laking probinsya.

"Ay! Hindi mo nga pala naabutan yung anak ko. Sigurado magkakasundo kayong dalawa nun. Halos magkasing edad lang kayo." sabi nya

"Hmm ok lang po. Hindi naman po ako nagmamadali eh."

At saka parang hindi ko pa feel na makilala yun. mabuti sana kong babae yun . Pero bakit ganun mayroong parts sakin na gusto ko na syang mameet agad! hmm siguro nang dahil sa idol din nya yung PNE! Baka nga ganun lang...

Siguro mas madalas na akong magagawi dito. Kasi very relaxing yung lugar tsaka komportble na akong kausap si ate.

to be continued...

SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon