Seventh part

6 0 0
                                    

                  
                    
                       Akiraine...

Agad akong pumasok sa loob nang botique ni ate cass umupo ako malapit kay clark.

Pansin ko lang sa lalaking to parati na lang syang nakablack nang outfit. At ang astig nun huh.
Medyo lumapit ako sa may pwesto nya para mapansin nya na nandito ako.

Bigla naman nyang iniangat yung ulo nya saka nagtama yung mga tingin namin.
Tiningnan ko lang sya. Bigla naman syang ngumiti sakin. Totoo ba yun o namalikmata lang ako?   Ngumiti ba talaga sya ?

       Bigla kong iniangat ulit yung ulo para siguraduhin kung tama ba talaga ako sa nakita ko, At ang punyemas nakangiti nga sakin ang loko ano kaya ang nakain nang baliw na to?

     "Oh bakit parang nakakita ka nang multo dyan?" Bigla naman ulit syang sumeryoso.

"Ah wala hmm may nakita lang ako. Hmm may problema ka ba ngayon?" bigla kung tanong sa kanya.

Bigla naman syang ngumiti tsaka  umiling lang tapos umalis na sya bigla sa harapan ko.

Napakawirdo talaga nang lalaki na yun parang may something talaga sa kanya ngayon eh.  Naglibot lang ako sa loob nang botique nila.

Mga 30 minutes na siguro akong nakatayo sa may counter. At biglang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang babae.

"Te cass good morning" masayang bati nung medyo may pagka chinita na babae.

Siguro mga kaedad ko lang din sila.

Bigla naman tumakbo papunta kay Clark yung black beauty na babae.

"Ate cass bakit nakasimangot na naman yung anak mo?" yung chinita ulit.

Bigla na lang ngumiti si ate cass.

" Hmm parang hindi ka pa nasanay kay Esie eh ganyan naman talaga yung kaibigan nyo." sagot ni ate cass.

Medyo napatingin sakin yung chinita girl ngumiti sya sakin.

Nginitian ko din sya.

" Uhh by the way Dana this is Aki and Aki sya si Dana friend din namin sya ni Esie " pagpapakilala samin ni ate cass.

" Well, Hi nice meeting you aki " nakangiti nyang bati sakin.

" Ako din " bati ko sa kanya

Grabe ang ganda nya talaga lalo na kapag nagsmile sya.

Ano ba yan natotomboy na naman ako!

Bigla naman akong napatingin sa may side ni clark nakita ko na parang inis na inis na sya habang patuloy pa din sa pagsasalita si miss black beauty.

Nakakatuwa syang pagmasdan habang naiinis.

Ano ba 'tong naiisip mo bakit ka naman natutuwa?

Bigla naman lumapit samin si miss black beauty mukhang nagsawa na din sya sa kakakulit kay clark.

" Ate cass sobrang taray talaga nang anak mo grabe parang menopausal baby " sabi ni miss black beauty mukhang inis pa sya.

" Hoy helena narinig ko yun huh " biglang sigaw naman ni clark.

" Hmm totoo naman ah parang pinalihi ka sa sama nang loob eh." sigaw din naman nung helena daw.

"Hoy ano ba yan para na naman kayong aso 't pusa dyan." sigaw din ni ate cass habang nagaayos nang mga damit

Bigla nanan napatingin yung  helena daw tapos bigla naman syang ngumiti.

"Hi! pasensya ka na huh ganyan lang talaga kaming dalawa ni esie, By the way im helena and you are?" nakangiti nyang tanong sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon