21-First Step

56 12 0
                                    

Palapit na yung grad namin. Medyo hindi na ko nasasaktan kila Jus.

Paminsan sumasagi rin sa utak ko yung sinabi ni kuya Azsh. Paminsan gusto kong maghiganti para ipamuka sakanila yung ginawa nila sakin. Pero naisip ko, hindi naman ako ganon dati eh. Tsaka gagraduate na kami. Anong pang kwenta kung maghihiganti pa ko.

---

I was the highest in our batch while Jus was the 2nd.

After I gave my speech I came down the stage and came close to my family.

"Congrats anak!!"

"Congrats bro!" tapos inakbayan ako ni kuya.

Nagulat naman ako nung may nakatama sakin. Napatalikod ako at nakita ko si Jus at Kyro. Naka-akbay si Kyro kay Jus.

"Hey" bati naman ng kuya ko kay Kyro.

"Kayo na pala" sabi pa ni kuya.

Ako naman nandito. Nakaharap sakanila. Masakit pero last na naman na to eh. Graduate na kami. Hindi na kami magkikita-kita pa.

"Congrats ah!"

"Thanks! Umm actually hindi pa kami" sagot pa ni Jus.

Hindi ko alam pero parang na-OP ako. Paran feeling ko nawawala ako.

"Congrats nga pala Aragon" sabi pa ni Jus nung napatingin sya sakin.

"Congrats rin" I tried to sound casual as possible pero bakit parang ang hirap. Sanay na naman akong makita sila ni Kyro na ganyan di ba?

"Umm una na kami" tapos hinila na ko ni kuya patalikod.

"Alam mo Gon, mapapahiya ka sa ginawa mong yun. Halatang affected ka"

Hindi na ko sumagot pa at pumunta na kami sa kotse para kumain sa labas.

---

Bakasyon na namin. Sa totoo lang wala naman akong gagawin. Iniisip ko lang ngayon ay kung saan ako mag-aaral. Pinag-aagawan ako ng maraming universities dahil ako nga yung highest sa batch namin. Hindi pa ko decided sa totoo lang.

"Kuya, saan magandang magaral?" tanong ko pa habang nakaupo sya sa tabi ko nanonood ng tv.

Tumingin sya sakin sandali na halatang may ibig sabihin.

"Yan talaga uunahin mo?"

"Ano ba dapat?"

"Pagmo-move on"

"Hindi naman yun importante. Mas importante to"

"Importante yon Gon. Gusto mo bang forever mo na lang syang iniisip? Yung mga ginawa nya sayo? Masasaktan ka lang ng masasaktan Gon. Magmove on ka na"

"Sige, pano ko gagawin ha?!" akala mo naman kasi madali lang gawin. Eh kung sya kaya gumawa?

"Take your revenge"

"Ikaw? Nung naghiwalay kayo ni--yon! Gumanti ka ba? Akala mo ikaw ang dali daling magmove on. Eh pumunta ka pa ng Korea para don"

"Edi pumunta ka rin ng Korea"

Adik ba to? Ang layo na ng inabot ng usapan naming ah.

"Pwede ba. Tigilan mo na yang move on topic. Tulungan mo na lang akong mag-decide kung saan ako magaaral"

"Ako na bahala dun" tumayo sya at pumunta sa may freezer at may kinuha sya tapos binato nya sakin.

DQ Dilly bar. Psh dami nya talagang stock nito.

Kumuha rin sya para sa sarili nya tapos umakyat na sya papunta sa kwarto nya.

---

Azsh's POV

Binatuhan ko si Aragon ng Dilly bar tapos kumuha rin ako para sa sarili ko.

Umakyat na ko sa kwarto ko at binuksan yung laptop ko.

Bigla ko namang narealize na naiwan ko sa baba yung phone ko kaya bumaba ulit ako.

Pag baba ko wala na dun si Aragon. Umakyat na ulit ako tapos sinilip ko sya kung nandun sya sa kwarto nya at nandun nga sya nagbabasa ng libro habang kinakain yung Dilly bar.

Pumunta na ko sa kwarto ko.

Hmm kanino ba ko pwedeng magtanong.

Sa totoo lang may plano na talaga ako. Aalamin ko kung saan magaaral si Justine para dun rin magaral si Aragon. In that way makakaganti sya.

Nagtanong muna ako sa FB friends ko na friends rin ni Jus kung alam ba nila kung saan mag aaral si Jus.

May ilang sumagot pero hindi daw nila sigurado kung don nga magaaral siJus.

Ah! Alam ko sinong makaka-sagot sakin.

Kyro Lim

Sup, tol pwede ko bang malaman kung saan magaaral si Justine?

Agad naman syang nagreply.

Bakit?

Gusto ko lang malaman.

This time ang tagal nyang mag-reply. Pero on-line pa naman sya.

Binuksan ko muna yung twitter ko para makakuha ng updates.

At sakto, nag-tweet si Jus.

Made my decision! Too soon but I just followed my heart!

Tapos may picture nung university.

That was a wrong move Justine...

Nagreply na si Kyro kaya tinignan ko na ulit yung FB ko.

Si Jus na tanungin mo. Di pa nya sinasabi sakin eh.

Ah sige!

That was just the first step.

Mr. Dream Boy's Revenge AKA Mr. UnlikableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon