13-Couple Shoes

78 14 2
                                    

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung sinabi ni Kyro. Ano ba kasing meaning nya?

Sa totoo lang hindi ko na dapat iniintindi pa yung ganung mga bagay. Bakit naman ako makikinig sakanya di ba?

---

One week. Isang lingo na syang hindi nagpaparamdam. One week ko ng hindi nakikita yung muka nya. One week ko ng hindi naririnig ang boses nya. Ni text nga wala pa kong natatanggap galing sakanya. What's with him?! Miss na miss ko na sya...parang feeling ko iniwan nya ko sa ere...

Baka naman may sakit sya? Hay....nagaalala na talaga ako sakanya...

---

Aragon's POV

"Unfortunately, made-delay yung flight nyo"

But how? Isang lingo na nga akong hindi nakakapag-text kay Justine eh. Ni tawag hindi ko magawa. Tapos ngayon made-delay pa yung flight? How great! What a life!

"Don't worry, we'll fix the problems as soon as we can"

Sa lahat siguro ng contestants, ako yung pinaka-atat umuwi.

Hindi naman kasi alam ni Justine na nasa contest ako eh.

---

Justine's POV

"You look sad" sabi pa ni Kyro.

Pakielamero. Akala mo naman close kami. Oo, dati. Pero hindi na ngayon.

"Ano bang paki mo ha?! Pakielaman mo yung ex mo! Wag ako! Pwede ba?!?"

"I'm just trying to cheer you up"

"Go cheer up someone else!"

Hindi na nya ko kinulit pa at tumahimik na sya. Hindi ko alam bakit parang nagaalala pa sa sakin...abnormal talaga.

---

Anniversary ng school so we don't need to wear uniform today.

I'm wearing a black, round neck long-sleeves with black jeans and my D. Rose shoes. I'm actually a D. Rose fan.

I was expecting hindi na absent si Aragon. Pero hindi, wala pa sya. Kung papasok sya edi sana nandito na sya ngayon. Hindi naman sya nale-late eh.

Nagulat ako nung nakita ko sya. The f?!

Black V-neck long-sleeves partnered with jeans and D. Rose.

Yung totoo? Anong klaseng damit ba yan? Gaya gaya...psh...

"Wew" sabi nya agad pagupo nya sa pwesto nya.

"Who the hell told you to wear D. Rose?!"

"Bawal na pala D. Rose ngayon. Di ko alam" sabi pa nya na parang nang-aasar pa.

Matatanggap ko pa kung damit lang yung parehas eh. Pero hindi eh! Pati sapatos! Konti na nga lang yung nagsu-suot ng D. Rose at sya pa! Uhhh!

Habang ang awkward naming ni Kyro bigla naming dumating si pabebe. She's wearing a crop top and shorts. Shoes? Ummm she's wearing flats...akala ko maghee-heels pa sya eh. Konti na lang kasi muka na talaga syang slut. Well, slut naman talaga sya.

Lumabas agad si pabebe pagkalagay nya ng bag nya sa pwesto nya. Hindi ko alam pero kinakaya nila ni Kyro na magiwasan kahit may past sila. Weirdos..

Nakalimutan ko, may reporting pala ako mamaya sa Filipino. Binasa ko na lang muna yung irereport ko habang wala akong ginagawa.

Dumating na yung teacher tapos isa isa ng nag-report yung iba. Including Kyro. Sya pa talaga nauna sakin ah.

"RK!!! Naka-D. Rose!!" sabi pa ni Harvey bago magsimula si Kyro sa reporting nya.

"Next!" ako na next...dead bruh...kaya ko to. Tiwala lang.

Pagtayo na pagtayo ko pa lang biglang tumahimik ang lahat. Bakit? Anong meron?

Tumayo na ko sa gitna.

"Terno sila oh!! Meant to be!!!" simula pa ni Harvey.

"Class!" sita pa ng teacher pero hindi sya pinansin.

"Oo nga no. Kaya pala naka long-sleeves sila pareho!!"

"Parehas pa nga ng kulay eh!!"

Buti naman at tumahimik yung klase. Buti naman.

Nairaos ko rin yung report ko ng maayos. Buti naman.

---

"Uwi ka na?" tanong pa sakin ni Kyro.

"Why?"

Sa totoo lang hindi ko alam pero sinasagot ko pa rin yung mga tanong nya.

"Umm yeah...so about the thing..."

"What?! Go straight to the point! C'mon you're wasting my time!"

"Can you go with me tomorrow?"

"Like...a date?"

"No. Not actually. Well, yes I think. Yung sinabi ko...kung ok lang...spend a day with me"

"And? Ano namang mapapala ko ha?!"

"Hindi na kita guguluhin. I'll stop bothering you"

"Let me think about it first"

"Ok. Hihintayin kita sa park. Sana dumating ka. I'll be there at 8 in the morning"

Umalis na ko. Hindi ko alam bakit ko sinabing pagiisipan ko. Dahil na rin siguro gusto kong tigilan na nya ko. Para hindi na nya ko guluhin.

Alam ko namang si Aragon na yung gusto ko kaya hindi ko kailangang magalala sa feelings ko kay Kyro...

Mr. Dream Boy's Revenge AKA Mr. UnlikableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon