12-Chance

76 16 4
                                    

Justine's POV

Wala pa si Aragon kaya mag-isa ko.

Naka-earphones lang ako habang nakatingin ako sa may pinto.

Bigla namang pumasok si pabebe. Himala yata ang aga nya at hindi nya kasama si Kyro.

Iniwan lang nya yung bag nya tapos lumabas na sya ng room. Nung lumabas sya may sumalubong sakanya na lalaki. She isn't cheating on Kyro is she?

Dumating naman si Kyro after 5 minutes...at hindi nya kasama si pabebe...weird...

Hanggang ngayon wala pa rin si Aragon...baka absent sya? Di naman sya nae-late eh.

"Jus" narinig kong tawag sakin.

Tumingin ako sa paligid ko pero walang ibang nakatingin sakin kung hindi si Kyro.

Hindi ko na lang sya pinansin at nakinig lang ako ng music.

"Jus, I know you can hear me" halatang seryoso sya nung sinabi nya yon. Di naman pala-english yan eh.

"What do you want?!" Inis ko pang sabi tapos tinanggal ko yung earphones ko.

Sakto naman at dumating na yung teacher kaya hindi na nya nasagot yung tanong ko.

Buong klase alam kong sinisilip-silip ako ni Kyro. Ano bang problema nya?!

Lunch na. Parang ilang na ilang ako buong klase. Nakatingin kasi yung mokong kong katabi. Tapos absent pa si Aragon. Hay...Aragon!! Bakit kasi ngayon ka pa nag-absent?!

Binilisan ko ng pumunta ng canteen dahil medyo gutom na rin ako.

Habang kumakain ako nagulat ako nung may biglang umupo sa pwesto sa harap ko.

"Anong ginagawa mo dito?!" inis ko pang sabi. Panong hindi? Loko sya eh! Upo ng upo hindi naman nagpa-paalam.

"Look, I'm trying to be nice"

"C'mon Kyro, simula nung nakilala mo si Samantha, alam kong hindi ka na nice samin ni Aragon. So please, you're wasting your time"

"We're done"

Knew it! Kanina pa nga may something eh!

"I don't care. It felt like you betrayed us, me and Aragon, your closest friends. Sorry, I mean ex-friends"

"Stop acting like that!"

"Acting like what?" pang-iinis ko pa.

"Jus, tell me, may chance pa ba ko?" hindi ko alam pero ayokong bigyan ng meaning yon.

"Am I too late?" yon nga ba yung meaning nya?

"You don't need to answer my question. Just...forget about it! But please give me a chance. Spend a day with me. Just...a day...that's enough" tapos umalis na sya.

Napatunganga na lang ako. Gusto pa ba nya ko? Ang labo nya.


Mr. Dream Boy's Revenge AKA Mr. UnlikableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon