Antique Shop

46 2 0
                                    

I woke up with tears from my eyes.

Yung nakita ko kagabi, sariwang sariwa padin sa isipan ko.

It's like everything's real.

It's like she's telling me something, pero ano yun?

Napansin kong may mga sugat ako sa braso ko, parang maliliit na kagat ng insekto.

Bigla kong naisip yung panaginip ko. Hindi kaya? Yung mga paniki yun?

I was hallucinating.

Panaginip lang yun.

How could it be so real?

Siguro, may mga insekto lang na umatake sakin kaya nagkasugat ako.

I doze up some pills and took my coat on. Maulan nanaman pero kailangan kong magpunta sa office para ipasa ang mga proposals ko.

Nagdrive na ako papunta sa office, masyadong malakas yung ulan, dahilan para matrap ako sa traffic.

I turned the radio on.

Boses yun ng babae, kumakanta siya. That tune is pretty quite familiar.

Nagkibit balikat na lamang ako at hindi ko nalang pinansin yun.

Malakas ang ulan and I decided na wag nalang tumuloy sa office kaya dumirecho ako sa bahay ng best friend kong si Tina. Parang magkapatid ang turingan namin nito, sa kadahilanang only child ako, nakakita ako ng sister-like-image sakanya.

Pinarada ko ang sasakyan ko at saktong nasa may labas si Tina kaya naman dali dali siyang lumapit sa akin para payungan ako. Niyakap ko siya kaagad pag baba ko ng kotse. Napansin ko yung suot niyang necklace, medyo antique na yun pero maganda.

"Gusto mo noh? Kanina mo pa tinitignan eh.", sabi nya sakin then she gave me a huge smile. I just nodded. "Sus, sa antique shop ko lang 'to binili. Gusto ko sana ibigay sayo kaso, gusto ko din eh. Iba nalang sis.", sabi nya tapos parang nang aasar pa.

"Samahan mo ko dun, saan ba yun?", tanong ko sakanya. Hindi naman talaga ako mahilig sa mga antique na gamit. Naisip ko kasing pinaglumaan na yung ng ibang tao at kung sino sino na ang gumamit nun kaya I was never really fond of antiques.

"Malapit lang yun dito, pero, let's grab some lunch first huh?", yaya nito sakin. Pumasok na kami sa bahay nila. Wala doon ang parents nya, they were out on a business trip at naiwan nanaman siyang mag-isa dito. "Sleep over ka dito sis, wala akong kasama, next week pa balik nila mommy at daddy. Please?", di ko alam pero, napapayag ako nito. Agad akong tumawag sa bahay para sabihing hindi ako uuwi. Mabuti nalang, may mga damit ako sa kotse. Spare ko yun in case kailanganing magtagal sa set. At naisip ko ring, I needed time to relax dahil nalalapit na ang kasal namin ni Hugo.

"Oh my Gee! What happened to your arms? Di ka nag-iingat, Claire!", sabi nito. Kung hindi ako nagkakamali, tinawag nya akong Claire. "Excuse me? W-what did you just call me?", tanong ko sabay alis ko ng pagkakahawak nya sa braso ko. "Anong drugs nanaman ang tinira mo? You still take those pills aren't you? Naghahallucinate ka nanaman, sabi ko Clarissa. Iba na ba pangalan mo ngayon?", biglang nanlamig ang pakiramdam ko, di ako pwedeng magkamali, Claire yung sabi nya eh. "So could you please explain to me ano yang nasa braso mo?", pagtataas niya ng boses at pagpilit sa akin kung anong nangyari. "Tina, I told you, baka nakagat ng insekto. Let's just drop it okay?", I said then she just nodded. Kung ano man yung dahilan nito, ayoko ng malaman.

After a few hours, niyaya ko na siyang pumunta dun sa antique shop na sinasabi nya. It was an old house near hers at sa ichura palang, kikilabutan ka na talaga. Nakarating na kami sa entrance, "Sigurado ka bang shop 'to? To me it looks like an old abandoned house eh.", sabi ko then I shrugged my shoulders. It feels strange. I started to feel cold chills. Nagulat ako ng biglang lumapit sa amin yung matandang babae. She has dark complexion at yung right eye nya iba ang kulay. Maybe she has this eye defect or something. She wears a lot of burloloys on her wrist at iba iba pa ang colors nun. Hinila ako ni Tina dun sa mga jewelries. Pero ni isa, wala akong nagustuhan.

Nagpunta din kami dun sa mga dresses and figurines, napatigil ako nung nakita ko yung gown doon, nasa may bandang left side yun at kinuha ko. "Ano ka ba naman Issa? Wag mong sabihin saking type mo yang isang yan? Kailan pa bumaba ang taste mo? Andaming iba dyan!", I felt a little bit odd and strange, eh kasi naman, etong eto yung gown na nasa set nung isang araw. Pretty weird. Sinabi ko kay Tina na mag-iikot ikot muna ako kaya naman nagkahiwalay kami.

I was opposite of her direction. Dahan dahan akong naglakad at tinitignan ko yung mga items. Tumigil ako sa may isang salamin and there I saw this music box. Binuksan ko yun at nakita kong may necklace sa loob. The sound of it was quite familiar and it feels like I've heard it before. I took the necklace and flip it back, may naka-engrave doon.

C.V.N.R.

I almost drop the necklace pero pinilit kong huwag itong mabitawan so I wouldn't create noise. Laging gulat ko nung makita ko yung disenyo nung necklace. Every details, etong eto yung necklace sa panaginip ko.

"Dating pagmamay-ari yan ng isang prinsesa. Clairev. Victorieae. Nikolaevna. ROMANOV.", pagkasabi nya nun ay nilingon ko siya.

Yung matanda kanina.

"R-romanov?", sabi ko. Tumango lang siya. Dali dali nyang kinuha ang kamay ko at parang nag undergo siya sa ibang dimensyon. Mahigpit ang pagkakakapit nya sa akin. Nag-iba ang kulay nung right eye nya. Tapos bigla kong nakita sa mata nya yung isang babae, sumasayaw, kasayaw ang isang lalaki at biglang dumilim, tapos umiyak ito. Lahat iyon nakita ko sa panaginip ko. Naramdaman kong unti unting sumisikip ang dibdib ko. Then I heard this music box, unti unti nagfefade yun at bigla biglang lumalakas. Then I heard multiple gushots, at pumula yung right eye nya. The next thing I know, I was screaming as loud as I could. Agad naman akong hinila papalayo ni Tina. At lumuwang na yung pagkakakapit nung matanda sa kamay ko. Inabot nya sakin yung necklace. "Ikaw ang nagmamay-ari nito.", sabi nya sabay hila sakin papalabas ng antique shop.

Ibinulsa ko yung necklace at nakarating na kami sa bahay nila Tina, she handed me a glass of water at unti unti nahimasmasan ako. "You alright?", tanong nito sakin. Hindi parin ako makapagsalita. "Ano ka ba, wag ka nga magpaapekto dun. Last week she told me I was a princess. Sabi nung caretaker dun ganun talaga yun. Past life regressionist daw yun eh. Pero wag mo ng pinagpapapansin ha?", sabi nya. Medyo hindi padin ako makapaniwala sa mga nakita ko, at narinig ko. Naisip kong imahinasyon lang ang lahat ng ito at hindi totoo. "Ayusin ko lang room ha, tapos mamaya let's watch a couple of romance movies, okay ba yun sis?", I just nodded.

Hindi ko alam kung ano pa ang paniniwalaan ko.

Maybe I'm just tired and all.

Pipilitin kong alisin sa isip ko yung mga nangyari ngayon.

Pero, anong kinalaman ko sa buhay ng isang Claire Romanov?

Ako ba siya?

Papaano?

****

Death ClockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon